Chapter 4

8.6K 117 0
                                    


CHAPTER FOUR

"GOOD AFTERNOON Ma'am Noreen."

Hindi na kailangan pang lumingon ni Noreen para malaman kung sino ang nagmamay-ari ng tinig. Sapat na ang pagsikdo ng kanyang puso para tukuyin ang magandang tinig na iyon.

Awtomatikong sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Tumambad sa kanya ang nakangiting mukha ni Marvis. Ang singkit nitong mga mata at ang cute na dimple nito ay nais niyang haplusin ngunit wala siyang lakas para gawin iyon.

"Ma'am ka riyan," nakasimagot na sabi niya. "Hindi ba sabi ko sa'yo Noreen na lang ang itawag mo sa akin?"

Nagkibit balikat lang ito bago umupo sa kanyang kaibayo. "Nasa loob tayo ng Sweet Bites kaya ma'am ang dapat itawag ko sa'yo."

"Lahat ng tao dito Noreen ang tawag sa akin kaya dapat Noreen din ang itawag mo sa akin," giit niya. May pagkamakulit rin si Marvis kung minsan.

"Hay ang kulit mo talaga ma'am," natatawang sabi nito. "Sige na nga, Noreen na lang." Pagsuko naman nito. "Tutal close naman tayo kaya Noreen na ang itatawag ko sa'yo," masayang sabi pa nito na nagpatawa sa kanya.

He really knows how to amuse her. Kung si Marvis ang palagi niyang kasama ay hindi siya mabo-bore kahit kailan.

Ilang araw pa lamang silang magkakilala ng binata pero pakiramdam niya ay matagal na silang magkakilala nito. Iniligtas na nga nito ang kanyang buhay sa tiyak na kapahamakan. Naalala niya ang tagpong iyon na lalong nagpalapit sa kanila ni Marvis.

Mula nang mangyari ang insidenteng iyon ay labis ang pasasalamat niya sa binata. Sa tuwing magkikita sila sa loob ng opisina ay nagngingitian sila. Nakahanap siya ng kaibigan sa katauhan nito. At aaminin niya sa sariling gusto niyang kausap at kasama ito.

"Oo na close na tayo," natatawang sabi niya.

"Sabi mo 'yan ha?" abot-abot ang magandang ngiti sa labi nito. "Teka... bakit nandito ka na kaagad sa canteen? Hindi ba sabi ko sa'yo hintayin mo ako at pupuntahan kita sa department niyo?"

Natigilan siya sa sinabi nito. Iyon ang usapan nila kahapon. Sabay silang magla-lunch sa canteen. Ang totoo, ang buong akala niya ay hindi siya nito pupuntahan dahil sampung minuto ang lumipas at hindi pa rin ito dumarating. Kaya nagpasya siyang mag-isang pumunta na lamang sa canteen na may panlulumo sa kanyang didbib.

"Ah... ano kasi..." kanda-utal na sabi niya.

"Siguro excited kang makasabay akong mag-lunch kaya nandito ka na agad ano?"

Pinanlakihan niya ito ng mga mata nang magtaas-baba ang kilay nito.

"Hindi kaya," kaagad niyang kaila.

Sa gulat niya ay tumawa lamang ito. God, why his laugh suddenly became sexier? Ano ba'ng nangyayari sa kanya?

"Naku! Nagkaila pa. Alam ko naman na sabik na sabik kang makasama ako eh," kuntodo ang ngiting sabi pa nito.

"Hindi nga sabi eh," nanlalaki pa rin ang mga matang sabi niya. "Alam mo ikaw Marvis masyado kang bilib sa sarili mo."

"Biro lang," natatawang sabi nito. "Masyado ka talagang seryoso Noreen." Nakangiti ito habang nakatingin sa kanya. "Alam ko na late ako," naging seryoso ang mukha nito. "I'm sorry Noreen kung hindi kita kaagad napuntahan. Pasensya ka na kung pinaghintay kita." Huminga ito ng malalim. Tila may bumabagabag rito. "Ang totoo kasi niyan pinag-isipan ko muna kung dapat ba kitang puntahan."

For You I Will (COMPLETED)Where stories live. Discover now