Chapter 15

6K 82 2
                                    

CHAPTER FIFTEEN

"HI, NOREEN."

Napaigtad si Noreen nang may mga brasong pumalibot sa kanyang baywang at naramdaman niya ang pagkintal ng halik sa kanyang pisngi.

"Olen," aniya nang mapagsino ito.

Ngumiti ito ng matamis sa kanya. "Yeah, it's me honey. Do you expect someone to visit you?"

Umiling siya at gumanti ng ngiti. "No, I'm sorry, nagulat lang ako," aniya at ipinatong sa mesa ang hawak niyang folder sa loob ng kanyang opisina sa Sweet Bites.

"Nasorpresa ka ba na nandito ako?" hindi mawala-wala ang magandang ngiti sa mga labi nito.

"Y-Yeah," pinasigla niya ang tinig.

"I'm happy to hear that honey." Hindi niya napaghandaan ang susunod nitong gagawin. Hinapit nito ang kanyang baywang at kinintalan ng halik sa noo.

Tila siya tuod sa kanyang kinalalagyan. She didn't feel anything in that kiss. Sa isiping iyon ay gusto niyang pagalitan ang sarili.

Inakay siya ni Olen sa mahabang sofa sa bandang dulo ng kanyang opisina at doon at magkatabi silang umupo.

She looked at him. He is Olen Rey del Valle, the sole heir who belongs to the family of multi-billionaire business tycoon. Ang pamilya nito ang nagmamay-ari ng malalaking malls sa iba't-ibang panig ng bansa. They also owned hotel chains. Gwapo, mabait at mayaman. Lahat ng katangiang hahanapin ay na kay Olen. And Olen is her fiancé. Magda-dalawang taon na ang kanilang relasyon.

Kaibigan ng kanilang pamilya ang pamilya ng binata. Noon pa man ay gusto ng mommy niya na sila ni Olen ang magkatuluyan. At nangyari ang gusto nito. Si Olen at ang pamilya nito ang dahilan kung bakit naging maayos ang buhay nila ng mommy niya at naisalba ang mansion at Sweet Bites.

Nang mga panahong dumaan siya sa maraming dagok sa buhay ay ang pamilya ni Olen ang tumulong sa kanya. Ngunit ang lahat ng iyon ay may kapait. At iyon ay ang pumayag siya na maging mapapangasawa ang kaisa-isang anak ng mga ito na si Olen.

Gusto niyang tumanggi sa alok ng mga ito ngunit habang nakikita niya ang paghihirap ng mommy niya. At ang pangambang mawala sa kanila ang mansion at Sweet Bites dahil sa kapabayaan ng mommy niya. Sa pagkahumaling nito sa sugal at iba't-ibang bisyo ay napakarami nilang utang. Ang kaalamang sa isang iglap ay mawawala sa kanila ang lahat ay pikit-matang pumayag siya. She sacrificed everything for her family. Kahit na ang kahulugan niyon ay habang-buhay niyang kaligayahan. Ginawa niya iyon para sa kaniyang mommy na siyang tanging pamilya na lamang niya. Alam niyang hindi nito kayang mabuhay sa hirap kaya nagsakripisyo siya.

Tinanggap niya si Olen at tinanggap siya ng pamilya nito. Tinulungan silang huwag mawala ang mansion at Sweet Bites sa kanila. At ngayon habang nakatingin siya sa binata ay hindi niya magawang iukol rito ang dapat ay ibinibigay ng isang kasintahan rito.

Magkasing-edad sila ng binata. Napakabait nito. Noon pa man ay hayag na ang pagpapakita nito ng pagkagusto sa kanya. Tuwang-tuwa ito nang maging magkasintahan sila. He promised her everything. Hindi siya nito pinabayaan at ibinigay ang lahat sa kaniya. He loves her so much. But... she can never give him the love she should give him. Kahit ano'ng gawin niya ay hindi niya magawang turuan ang kaniyang puso na ibaling kay Olen ang pagmahahal na dapat ay ibinibigay niya rito.

And she knew the reason why. Dahil sa kabila nang mga panahong lumipas ay iisang lalaki lamang ang nasa puso niya. Ngunit alam niyang hindi pwede ang nais niya. Dahil nakatali siya kay Olen at alam niyang hinding-hindi na siya makakawala pa. Sa isiping iyon ay dinudurog ang puso niya.

For You I Will (COMPLETED)Where stories live. Discover now