Chapter 12

6K 81 2
                                    

CHAPTER TWELVE

"MARVIS..." masuyong pagtawag ni Noreen sa binata habang nakatalikod ito sa kanya.

Pumihit ito at humarap sa kanya. Napuno ng pagsuyo ang kanyang puso nang masilayan ang magandang ngiti sa mukha nito.

Nadama niya ang malamig na ihip ng hangin sa parke na iyon na paborito nilang pasyalan ng binata. Ang bituin sa kalangitan ay nang-aakit.

Lumapit ito sa kanya habang hindi siya hinihiwalayan ng tingin. Damang-dama niya ang pagmamahal nito sa kanya.

"Noreen..." masuyong iniipit nito ang ilang hibla ng kanyang buhok sa tainga na kumawala mula sa pagkakaayos. Bumikig ang kanyang lalamunan habang nakikita ang mga nangingislap nitong mga mata.

"Shh... huwag kang iiyak Noreen," nakangiting sambit nito. "A beautiful lady like you should not be crying or be lonely." Palagi nitong sinasabi sa kanya ang mga katagang iyon.

Pinahid niya ang mga luha. "Hindi ko lang kasi mapigilan ang sarili ko. Masaya ako kasi nandito ka na uli at malapit sa akin."

Naging malamlam ang mga mata nito at naramdaman niya ang paghaplos sa kanyang pisngi. "Noreen... ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko," masuyong damang-dama niya ang pagmamahal nito sa kanya. "Palagi mong tatandaan na lahat ng ginagawa ko ay para sa'yo."

"Alam ko Marvis," nakangiting tugon niya. "Ginawa mo ang lahat para sa akin. Ipinaglaban mo ako. Tiniis mo ang lahat para sa akin," muling bumikig ang kanyang lalamunan sa pagkakataong iyon. "Patawarin mo ako kung dahil sa akin ay nahihirapan ka."

Isang hayag na katotohanang ipinaglaban siya nito sa kanyang Ina at tiniis ang lahat para lamang sa kanya.

Nagkaroon ng kislap ng luha ang mga mata nito. Umiling ito."Wala kang kasalanan. Hindi mo ginusto ang lahat ng nangyari. Kailanman hindi ako nagalit sa'yo sa mga nangyari. Kaya kong mawala lahat ng materyal na bagay na meron ako huwag lang ikaw Noreen." Tuluyang naglandas ang mga luha sa mga mata nito. Dama niya ang paghihirap sa tinig nito na naghatid sa kanya ng kakaibang kaba sa dibdib. "Pero..." nagkaroon ng agam-agam ang mga mata nitong puno ng luha. "H-Hindi ko kaya na pati ikaw ay mahirapan nang dahil sa akin," garalgal ang tinig na patuloy nito.

Umiling-iling siya. "A-Ano ba'ng sinasabi mo Marvis?" abot-abot ang kaba sa dibdib na tanong niya. "Kaya kong maghirap basta ikaw ang kasama ko," hindi na niya napigilan ang sarili sa pagluha.

Sinapo nito ang kanyang mukha. "Hindi Noreen... hindi ko hahayaang mahirapan ka dahil sa akin. A-ako na lang," mariing tinuro nito ang sarili. "Hayaan mong ako na lang ang sumalo nang lahat."

"Hindi," marahas na sagot niya. "Nangako tayo 'di ba? Nangako ka sa akin na magkasama tayo na lalaban."

Binitawan siya nito at puno ng luhang tumingin sa kanya. Dama niya ang paghihirap sa mukha nito. "O-Oo nangako ako sa'yo at sa sarili ko na kahit ano'ng mangyari magkasama tayong haharapin ang lahat. Pero nagkamali pala ako..." Tila siya sinaksak ng punyal sa sinabi nitong iyon. Nanghina ang kanyang mga tuhod sa sinabi nitong iyon. "Noreen look at me..." hinawakan nito ang magkabilang balikat niya at tiningnan siya nang mataman. "You will see nothing but love in my eyes, right?" umiiyak na patuloy nito. Tumagosiya. "At kung bubuksan mo ang puso ko... ikaw lang ang laman nito Noreen. Mahal na mahal kita," puno nang suyong sambit nito. "A-Akala ko sapat ang pagmamahal na iyon para manatili ako sa tabi mo. Pero nagkamali ako Noreen... nagkamali ako," ang pag-iyak nito ay nagkaroon ng tunog nang humiwalay sa kanya.

For You I Will (COMPLETED)Where stories live. Discover now