Kabanata 2

4 2 0
                                    

"Sir kukuha lang po sana kami ng statement mula sa kanya." May narinig ako na isang boses lalaki. Malaki yung boses niya na nasa gilid ko nanggagaling ang usapan.

"No! Hindi pwede. Gumawa kayo ng paraan para hindi maisapubliko ang nangyari." Dinig kong pagalit na sinabi ng isang boses lalaki ulit. Pero medyo bata yung boses? Who are they?

Unti unti kong idinilat ang mga mata ko. Nasa isang puting kwarto ako na nahulaan kong hospital room. Bakit ako nandito?

"Pero sir.." Sagot ng nakaunipormeng pang pulis.

"Here. ten thousand. Gawin niyo ang lahat para hindi ito kumalat. Alam kong naiair na ang news pero sigurado akong hindi pa nila kilala to." Sabi ng lalaki at kumuha sa wallet niya ng pera at ibinigay ito sa pulis. Tiningnan ako nung lalaki at nanlaki ang mata niya. Lumapit siya sa akin at umupo sa gilid ng kamang pinaghihigaan ko.

"Gising ka na? Okay ka lang ba miss?" Tanong niya sa akin at hinawi ang buhok ko. "Sir, okay na po ba?" Baling niya sa isang pulis na nasa kwarto rin.

"S-sige sir. Pero pag may nagleak, hindi na po namin problema yun." Sabi niya at umalis na ng kwarto.

"Sino ka?!" Sigaw ko sa lalaki at inialis ko ang kamay niya na nasa ulo ko. Nanlaki ang mga mata ko nung maalala ko ang mukha niya. Siya! Siya yung sa LRT kanina! Yung gwapong nginitian ko pero dedma! My gosh! Bakit nandito siya?

"Just so you know miss, ako yung nagdala dito sayo." Sabi niya at ngumiti siya. Kala ko naman suplado.

"A-ah. Thanks." Sabi ko at napayuko. Nakakahiya naman sa kaniya.

"Yun lang?" Sabi niya at mas lalong lumawak ang ngisi.

Kinuha ko na ang bag ko na nasa gilid at tumayo na. Pinakiramdaman ko ang aking sarili ngunit wala naman akong maramdamang masama sa pakiramdam. Nagtuloy tuloy na ako at binuksan na ang pintuan ng silid upang lumabas.

"Miss. Wala ka man lang utang na loob?" Napatingin ako sa lalaki. "I mean, ano nga palang pangalan mo? Can I get your number?" Sabi niya ng nakangiti at hinawakan ang kanyang baba.

"Don't worry babayaran nalang kita. I'll go home muna and then I'll get my money sa dorm. Just wait for me dito sa hospital and I'll pay you." Sabi ko sa kaniya. Nawala naman bigla ang ngiti sa mga labi niya.

"Di ko kailangan ng pera mo, miss. Pangalan mo ang tinatanong ko at ang number mo." Sabi niya at pumamewang.

"Uh. No, sorry." Sabi ko. Hindi ko ibinibigay ang information tungkol sa akin sa strangers. Nagtuloy tuloy na ako sa paglalakad hanggang makarating sa lobby. Sigurado ay hindi pa alam nila mommy ang nangyari sa akin. Wala namang masamang nangyari kaya ipapaalam ko nalang sa kanila mamaya. I'll just text them.

"Miss!" Sigaw niya. Aba at nakasunod pa pala to sakin. Hindi ko siya pinansin at nagantay na ng taxi sa labas ng ospital. Simula ngayon, ipinapangako ko sa sarili kong hinding hindi na ako sasakay sa tren.

"Aeilar Kris Montemayor!!!!" Sigaw niya at napatigil ako. Hinarap ko siya. Nakita kong hawak niya ang book ko na may name sa harap.

"Oh boy. You got it wrong. It's Ey-lar not A-yey-lar! Bye!" Sigaw ko at kinuha ang librong nasa kamay niya at naglakad pa ulit. Huminto na ako para magabang muli ng taxi. Ano ba yan, bakit wala yatang dumadaan na taxi dito?!

"Bakit ba ang sungit mo miss? Takot ka ba sa mga lalaki? Wag kang magalala di naman kita liligawan. Wag kang magassume." Sabi niya then it hit me. Bakit nga ba ang sungit ko? Saka bakit ang sakit niya magsalita? "Miss gusto ko lang naman makipagkaibigan. Babae din ako." Dugtong niya. 

The Infinite DistanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon