Kabanata 3

7 2 0
                                    

Hinatid ako ni Pink kagabi sa dorm ko. What the fcuk? Ang panget talagang pakinggan ng pangalan niya. Isang lalaking matikas tapos Pink ang pangalan? Are you kidding me? Oh well I'll just move on nalang at tanggapin na bakla talaga siya.

Nalaman ko na sa Tayuman station dapat ang baba niya kahapon. Pupuntahan niya daw sana ang kliyente ng mama niya at makikipagmeeting dito. Hindi daw nagawang puntahan ito ng mama niya dahil nasa Baguio pa ang bahay nila at since nasa Maynila na si Pink ay siya na ang kakausap dito.

Nagsorry ako sa kanya dahil naabala ko siya sa lakad niya. Pero okay lang daw dahil pareho naman daw kaming maganda. Kaloka friend!

Kagabi nga pala ay nagcheck in nalang siya sa Bayleaf Hotel dahil masyado ng gabi para umuwi pa siya sa Baguio. Kikitain din naman niya ang kliyente ng mama niya mamaya.

*bzzzt bzzzt*

Kinuha ko ang cellphone ko na nasa kama. Kakalabas ko lang ng banyo para maligo at pumasok sa eskwela.

From: Brittany

Baklaaaa! Dalian mo pumunta ka na ng school! Chorva ka talaga! Thirty steps lang ang dorm mo papunta dito sa school. Bagal mo kumilos teh. I'll wait for you here sa gate. </3 Mwuah!

-end-

Aba ang loka marunong na magtext! Di naman ako tinetext nito eh, ngayon lang. At may heart pa na broken sa huli! Nacurious naman tuloy ako kung bakit niya ako pinagmamadali kaya fifteen minutes nalang akong nagayos sa sarili ko at lumabas na ng dorm.

Simpleng tee shirt na white, fitted jeans at converse shoes lang ang porma ko today. Napatakbo na ako papunta kay Brittany sa school. Nakita ko naman siya sa harap ng gate na nakapameywang at hawak ang cellphone. Di pa niya ko nakikita.

"OSMUNDO DELICADO!" Sigaw ko sa kanya at itinulak siya. Nagsisigaw naman siya doon at hinabol ako.

"Walang hiya ka Lala!!! Wag na wag mo akong gugulatin dahil baka mamaya mahimatay ka jan kakaiyak pag nakita mo akong nasa morgue!! Oh my god yung beauty ko ata nawala." Litanya niya at nagretouch ng makeup.

"Bakla, walang mawawalang beauty sayo dahil noon pa man ay wala ka ng beauty!" Sigaw ko sakanya at umirap.

"Napakatabil talaga ng dila mong babae ka! Mananahimik ka o papakainin kita ng makeup?" Sabi niya at umirap. 

"Osmundo Delicado naman, i love you! Bakit mo nga pala ako pinagmamadali??" Sabi ko habang nakakapit sa braso niya. Nagulat naman ako nang pasakan niya ng lipstick ang bibig ko. Oh my god, buti nalang naitikom ko agad!

"Brutal ka Osmundo Delicado!" Sigaw ko at pinaghahampas siya.

"Girl, huwag na huwag mo akong tatawagin sabi sa nakakadiring pangalan na iyan please. Mas mukha pa naman akong babae sayo." Sabi niya at napaubo nalang ako.

Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang pangalan na Brittany na palayaw niya ngayon dahil iyon ang gusto niyang itawag namin sa kanya. Basta isa lang ang alam ko, malandi tong baklang to.

"Accckkkk! My gosh Lala! Muntik ko na makalimutan! Gorabels!" Tili niya at hinila ako papunta sa entrance ng school. Pumasok na kami at hindi ko alam kung saan kami pupunta.

Tinungo namin ang gym. Nakita ko doon si kuya Spencer na may hawak na gitara. Sa harap niya ay may isang babae na parang kinikilig. Marami ring estudyante ang may hawak na cellphone at kinukunan sila ng litrato at video habang kinakantahan ni kuya Spencer yung babae.

The Infinite DistanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon