Kabanata 1

19 2 0
                                    

Paakyat na ako sa hagdanan patungong LRT station dito sa Balintawak. Tinanggal ko ang isang sukbit ng aking backpack sa balikat at inilagay ito sa akin ng paharap. Mahirap na dahil talamak ang nakawan dito sa Maynila.

Iniwan ko ang probinsya ko upang mag-aral dito ng kolehiyo. Mas maganda at malaki ang hinaharap ika nga nila pag sa syudad nag-aral. 

Pumila na ako sa ticket booth upang magbayad ng ticket. Inilapag ko doon ang singkwenta pesos.

"One central station please." Sabi ko sa kahera. Tinaasan niya ako ng kilay at inismidan saka padarag na inilagay ang ticket at sukli kong trenta sa aking harap. May attitude! Kaloka.

Kinuha ko ang bente at iniwan doon ang sampung piso. Lumapit ako ng bahagya sa salamin upang mas marinig niya ang sasabihin ko.

"Here. Ten pesos. Tip ko sayo." Bulong ko at nagngiting tagumpay. Nakita ko namang nagsalubong ang kilay niya at parang nainsulto.

"Miss, FYI. Hindi kami--" Sabi niya at hindi ko na siya hinayaang makatapos.

"I know. Pero sayo na yan. Mukhang malaki ang pagangailangan mo base sa pagmumukha mo eh." Sabi ko at lumayas na doon. Nagtinginan pa sa akin yung ibang nakapila kaya binilisan ko ang aking lakad patungong ticket machine. 

Pagkatapos ihulog ang ticket at kunin ito, dumiretso na ako sa itaas upang maghintay ng tren.

Civil, environmental and sanitary Engineering ang kursong kinukuha ko sa isang sikat na paaralan sa Maynila. Nagpapasalamat ako dahil kahit probinsyana ako ay hindi salat ang pamilya ko sa pera. Kaya't hindi mahirap kung magaaral ako dito. Tutal, ang dalawa ko rin namang kapatid ay dito nagaaral at ang dalawa naman ay sa probinsya.

"Buti naman at meron na." Bulong ko sa sarili nang nakita ang tren na paparating. Nang huminto na ito ay grabe ang siksikan para makapasok lang sa loob. Napunta naman ako sa tabi ng pintuan at umandar na ang tren.

Hindi pa man kami nakakarating sa isang istasyon ay grabe na ang sakit ng ilong ko sa amoy. Tiningnan ko ang katabi kong babae at nakita kong basa ang damit niya bandang kili kili. Nagbabasa rin naman yung akin pero walang amoy!

Lumipat ako ng pwesto sa kabilang pintuan katapat ng pwesto ko kanina. Napasandal ako doon sa pintuan nang huminto ang tren at napakaraming sumakay at nasiksik na ako dito. Inayos ko nalang ang aking sarili at sinabing makakaraos din ako dito.

Napasadahan ng paningin ko ang isang gwapong nilalang sa pwesto ko kanina. Nagulat ang sistema ko nang maya maya'y napatingin din siya sa akin. Tumagal ang titig niya at ngumiti nalang ako ng pilit sa kanya at nagiwas ng tingin.

Unti unti nararamdaman kong nagbubukas ang pintuan na aking sinasandalan. Gumrabe ang kaba na naramdaman ko sa pagiisip na baka mahulog ako dito na umaandar pa ang tren!

Siksikan pa naman din at posible talagang mangatulak tulak ako dito.

"Miss wag ka ngang manulak! Bumubukas yung pintuan! Look!" Sigaw ko doon sa teenager na accidentally na naitulak ako palabas buti nalang talaga ay nakakapit ako. Lalo akong kinabahan at nagpanic na ang mga tao sa loob.

"Oh my gosh! Yung door po! Nagoopen siya!" Kabang kaba kong sigaw at nagtitinginan na sila sa akin.

"Miss kumapit ka nalang, malapit na ang next station hihinto rin ang tren. Lumipat ka nalang ng pwesto mamaya at baka mahulog ka." Sabi ng isang matandang lalaki na malapit sa akin. Tumango ako at pinunasan ang pawis na namuo sa noo ko.

Hindi maalis sa isipan ko na baka mamaya ay mahulog ako dahil half open na ang pinto. Nililipad na rin ang buhok ko sa hangin at nagpapanic ang mga tao sa gilid ko. May isa pa ngang hinawakan ako sa braso para suporta.

Huminto na ang tren. Bumukas ang pinto upang magbaba at magsakay ng mga tao ngunit isang iglap ay naramdaman ko nalang na naitulak na ko at nahulog na sa gitna ng riles.

"SHIT!!! Oh my gosh! Tulong! Help po!" Sigaw ko nang lumusot ang paa ko doon sa after ng gulong. OMG! Am I gonna die now? This early?! Gusto ko pang maging engineer!

Halos walang nakapansin sa paghulog ko bukod sa mga taong nasa gilid ko kanina na ngayon ay mukha nang kinakabahan at nagpapanic. Bigla kong naalala ang kanina ko pang binabasa at tinititigan na sticker na nakadikit sa tren.

"Push this in case of emergency." at may nakalagay na button doon.

"Miss! Miss! Ipush niyo yan!!!!!" Sigaw ko sa babae at doon ako nakaagaw na ng pansin. Hindi ako makatayo sa pagkakaupo at pagkahulog ko kanina dahil namulikat yung paa ko. "Miss!! Ipush niyo po yang button!! IPUSH NIYO YAN PLEASE!"

"PRRRRRRRRTTTT!!!! PRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRTTTT!!" Pito ng pulis at hindi ko na kaya. Naramdaman kong bumibigat na ang paghinga ko at nahihilo na ako. 

Narinig ko ang tren na umandar ang makina ngunit hindi pa ito umaandar pasulong. Nagdidilim na ang paningin ko. Ayoko pang mamatay! Gusto ko pang tuparin ang mga pangarap ko. Asamin ang magandang buhay na pinangarap ng mga magulang ko para sa akin.

Gusto ko pang maging.... isang.... Engr. Aeilar Kris Montemayor.

The Infinite DistanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon