Eto na mga isaw. Laging iisipin na okay lang maging shunga at least maganda!
-SoSolar
-------------------------- (bigyan niyo naman ng name tong line na to :c)
Kristine's POV
So ayun, I was walking along the hallway when I saw him. He's that type of person na mapapasecond glance ka talaga. He's tall, around 5'10 or 5'11. Whenever he's around, meron siyang aura na mapapamura ka na lang pano ba naman, with those cold eyes, well defined jawline, pointed nose, napakagandang kilay na mas maganda pa sa babae, sinong di mapapawhat the fuck diba? Tangina kase niyang Nicolas Madrigal na yan eh. Pampalaglag panty.
Magiging totoo ako sakanya ah, masama ugali niyan at may pagkabad boy din kaso wala eh, crush ko pa din hanggang ngayon. 5 years na actually. Oh diba? Dakilang Tanga! Sa sobrang pagtingin ko, di ko namalayang tunaw na pala siya! Este tumingin siya at naglakad papalapit sakin.
"You do know that staring is bad, right? Mukha kang stalker." He said to me with a blank and emotionless expression. Damn, nalaman kaya niya na alam kong spongebob brief niya? Juki juki lang hehe.
"Ah, eh eto naman si kuya! Tinitignan ko lang kung ano....uhm... kung bukas yung bag mo! Oo yun! Sara mo yan! Baka mawala pa libro mo, mahal pa naman yun hehe" I replied with a hint of nervousness. Kilig na kilig ako pero dapat lowkey lang.
"If you're going to lie at least make it seem believable. I don't even have my bag with me, tanga" He replied with annoyance lingering in his voice and with that he left. Aba puta, natanga ko ni crush. Forever na ba to?
Hindi ko namalayang nakatulala ako at "Hoy! Hanggang kelan mo pa planong tumulala diyan? Atsaka wag kang ngumanga kadiri. Nagbell na oh." Biglang sigaw ng isa sa mga best friends ko na si January Romero. Maganda yan, mabait, matalino pero nakatakas yan sa mental kaya wag niyo ng patulan.
"Nyeta ka! Ginulat mo ko. Nakausap ko kasi si crushie ih hihihihih. Tara na nga, baka gerahin nanaman tayo ni Sir Ryn eh." Dali-dali kong aya kay January papunta sa Science class namin.
Matapos ang sampung taon na puro takbo....juk juk oa eh. Nakarating naman kami ng buhay. Sakto kakapasok pa lang ni Sir Ryn. Walang machine gun na puputak. Pag galit yun nagmamala Eminem eh. Rap God mga pare. Now, don't get me wrong, di ako bobo pero ayoko lang kasi talaga ng science. Mas maganda pang tulog ako eh. Alam mo yung feeling na nakatingin ka lang pero walang pumapasok sa tenga at kokote mo? Lagi akong ganun eh oops?
Ay, di pa pala ako nagpapakilala sainyo diba? Kristine Sto. Domingo, 18, tanga, estudyante, Philippines! Oh baka mas prefer niyo yung asl? 18, female, manila. Juk juk lang hihi peace. As I mentioned, I'm Kristine studying in Lakewood High. Oo, naabutan kami ng Senior High. I live in a three storey house, may isa kong kapatid and my family runs a Hotel. Masiyahin naman ako, medyo may pagkatanga medyo lang hehe, mahilig ako sa anime, I guess you could say that I'm smart, and I used to be in a varsity team pero ngayon hobby ko na lang ang pagvvolleyball at sumasayaw din ako. Yung igiling-giling hanggang matunaw ang taba. Favorite ko din spongebob. Mahal ko yun eh kahit mukha siyang sponge. Tanggap ko siya ng buong b-
"Miss Kristine! Earth to Miss Kristine!Please answer my question." Biglang sigaw ni Sir Ryn which stopped me sa self introduction ko sainyo.
"Ay nako sir! Opo dapat talaga may sex ed eh. Ang dami-daming nababatang ama at ina sa Pilipinas ngayon. Putok ng putok di naman new year! Dapat kasi tinuturo yan sa lahat eh, yan tuloy kawawa yung mg-" Lakas loob kong ipinaglaban pero Sir Ryn cut me off.
"We're talking about Chemistry, Miss Kristine. Please get out of my class and go to the guidance office immediately!" Galit na galit na sabi ni Sir. Pulang pula din kulang na lang magmukha siyang kamatis eh.
"HAHAHAAHAHAAHAHA SINAPIAN NANAMAN NG KAABNORMALAN TONG SI KRISTINE LAPTRIP KA TIN!" Rinig kong sigaw ng isa kong classmate habang palabas ng room. Dapat naman talagang may sex ed eh.
Naglakad ako patungong Guidance Office at binati si Mrs. Rivera. She's around late thirties and super bait niya. "Hi Mrs. Riri hehe!" Masaya kong bati sakanya.
"Tulog o di nanaman nakikinig?" Natatawang tanong sakin ni Mrs. Riri.
"Eh Mrs. Riri dapat naman po talagang may sex ed eh. Wag kang magalala, mapapaniwala ko din silang lahat. Una na po ako sa loob ha." Inexplain ko sakanya at narinig ko siyang tumatawa habang papasok ako sa discipline room. Pagpasok na pagpasok ko, may nakita akong grasya! Nakita ko si Nicolas! Woooooh! Eto na ba ang tulong ng sex ed?
Umupo ako sa gilid ni Nicolas. Syempre para more chances of winning! Juk juk lang. Halatang wala siyang pake eh hindi nga siya tumingin sakin. Lagi naman eh juk juk! He looked like he was hella bored pero almost everyday, ganyan lang naman mukha niya. Halos 30 minutes na at napaka tahimik kaya naisipan kong tsumansing hehe.
"Sa tingin mo din ba dapat lahat ng school may sex ed?" I asked him curiously kaso walang imik eh. Baka nagccramps dila neto? Pero pano magccramps kung di niya ginagamit? (A/N bastos pakinggan bwiset HAHAHAH)
"Hay nako, hindi ka ba agree? Kasi ganito yan, kung mas may alam ang mga kabataan sa mga ganung bagay edi sana alam nila ang mga consequences ng mga ginagawa nila, diba? Ang hirap kayang bumuhay ng bata sa panahon ngayon. Kailangan mo din ng kwarta! Pero pano yun kung estudyante ka pa edi kailangan mong huminto. Pag huminto ka, malang di ka makakapagtapos... obvious naman yun diba? Pag di ka nakapagtapos, wala kang trabaho. Pag wala kang trabaho, wala kang pera edi hindi mo mabubuhay yung pamilya mo kase wala kayong pangkain eh. Pag wala kayong makain syempre mamamatay kayo! Hala! Mahal din burol eh pano yun wala nga kay-" Inexplain ko nanaman ulit for the third time. Ganun ba talaga ka close minded ang mga tao sa sex ed? at syempre, I was cut off for the second time.
"Can you please shut the fuck up? And If you can't see, I don't give a shit." Sabi niya na may halong inis at gigil tapos yun, lumipat na siya sa back part of the room. Shit? Baka natatae na siguro kaya hinayaan ko na lang siya. Nahihiya siguro kasi utot na utot na siya kaya lumayo. Nako talaga to si crush!
---------------------------
So eto yung first chapter, mga isaw. Sana magustuhan niyo! Btw, y'all can approach me anytime you want! Thank you for reading!
p.s chibog lang ng chibog ngayong holiday season ha?
P.S.S MAHALAN LANG, WALANG SAPAKAN
-SoSolar
YOU ARE READING
Trying to tame the Bad Boy
Fiksi RemajaHe was ice and I was fire.He was cold and I was hot(duh hehe juki juki lang ho.).He despise me and I adore him.He's pushing me away but as always, I was running towards him. Habol ako ng habol sa taong tumatakbo palayo sakin pero hindi ko inaakalang...