MUDH 4: Bobo na nga, Tamad pa!

57 1 0
                                    

Roxanne’s POV

Gabi na akong nakauwi sa bahay at nadatnan si Celestino na nakaupo sa couch na parang problemado.

Tsk! Gutom na ata toh?!

Pumunta ako sa kitchen at nagluto ng hotdog, egg, at bacon.

Parang pang breakfast lang noh?!

Eh sa yan lang ang alam kong lutuin kahit nagco-cooking lesson ako.

Nang matapos na ay tinawag ko na si Celestino para kumain.

Umupo siya sa may tapat ko. Lagi naman eh!

Hindi siya umuupo sa katabi ko kasi baka magkaroon siya ng billion of germs. Sus! Mukha niya.

“Rox, bakit ang tawag sa hotdog ay hotdog?! Hindi naman mukhang mainit na aso to ha?!” sabi niya sabay kinagat ang hotdog na nakatusok sa kanyang tinidor.

“Aba malay ko! Tanong mo kay Simsimi.”  Sabi ko sa kanya sabay sumubo ng kanin.

“Sino si simsimi?” tanong niya.

“Yung mukhang ibon na color yellow at robot daw” sabi ko at kinagat ang aking bacon.

“Ha?! Hindi naman robot si Tweety eh?!” sabi niya sabay lunok ng kanin na nasa bunganga niya.

Tsssss….

“Sinabi ko bang si tweety ay si simsimi?” sabi ko sabay ininom ang juice ko.

“Aba malay ko, tanong mo kay google!” sabi niya at ininom ang kanyang juice.

“Psh! Bahala ka na nga diyan! Basta ako tataas na sa kwarto at titignan ko ang newsfeed sa facebook ko.” Sabi ko sabay tayo.

“Pahiram ng facebook mo pagkatapos ha?!” sabi niya sabay tumayo rin.

“HA?!” sabi ko sabay tinignan siya.

“Sabi ko, hihiramin ko yung facebook mo pagkatapos mong tignan yung newsfeed mo! Yung librong may mukha! Grabe, meron na pala non ngayon?! Sabagay, modern na” sabi niya.

“Psh. Bobo ka talaga!” sabi ko sabay akyat na sa kwarto.

Naligo muna ako bago buksan ang laptop at mag log in sa facebook.

Maya’t maya ay bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang napaka panget kong asawa.

Naglakad siya sa walk-in closet at kumuha ng damit, pagkatapos ay pumasok na siya sa CR.

Nang matapos na akong mag facebook ay sinarado ko na ang aking laptop at itinago ito. Sakto naming lumabas ang panget kong asaw at humiga sa kama.

Grabe! Nakakapagod pa lang magbasa at mag scroll sa facebook.

Anyway, gusto ko ng matulog dahil antok na antok na ako.

Hihiga na sana ako ng magsalita si Celestino.

“Rox, pa lock naman ng gate, mga pintuan at mga bintana” sabi niya.

At dahil mabait ako ay sinunod ko ang inutos niya dahil baka manakawan pa kami.

Bumaba ako at ni lock na nga yung ipinapa lock sa akin ni Celestino.

Umakyat na ako sa kwarto at nahiga.

Hay salamat at makakatulog na ako ng sob----------

“Rox, yung pintuan natin sa kwarto, pasarado!” sabi niya.

Kaya naman tumayo ako at isinarado ang pinto.

Hihiga n asana ako ng magsalita ulit siya.

“Rox, yung ilaw bukas, pasarado!” Sabi niya.

Kaya tumayo ulit ako at sinarado ang ilaw.

Hihiga n asana ulit ako ng magsalita siya ulit.

“Rox, yung lampshade pa bukas!” sabi niya.

Bubuksan ko na sana ito ng marealize kong kanina pa siyang utos ng utos.

“HOY! NAKAKAHALATA NA AKO HA! KANINA KA PA UTOS NG UTOS DIYAN!” sigaw ko kaya naman bigla siyang napabangon.

“ANO BA?! BAKIT KA NASIGAW?! NATUTULOG NA YUNG TAO OH?! ISTORBO!” sabi niya.

“ABA! AKO PA TALAGA ANG ISTORBO HA! IKAW NGA TONG UTOS NG UTOS SAMANTALANG ANTOK NA ANTOK NA AKO EH!” sabi ko.

Lumapit siya sa akin ng kaunti at hinawakan ang magkabilang balikat ko at tumingin ng diretso sa mga mata ko.

“Sorry Rox ha?! Eh sa antok na antok rin ako eh kaya tinatamad na akong bumangon. Tara na at matulog na tayo ha!” sabi niya at sabay na kaming humiga.

Haiyst! Kung hindi lang ako antok na antok eh sa malamang na malamang eh sinisigawan ko pa siya ngayon.

Bakit ba kasi ako nagkaroon ng asawang bobo na nga, tamad pa!

My Ugly Duckling Husband (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon