MUDH 5: Mygod!

62 1 0
                                    

Roxanne’s POV

Kinabukasan ay nagising ako sa mabigat na kamay ni Celestino na nakapatong sa bewang ko.

Shemay! Bakit kami magkayakap?!

DAMN. Nakalimutan ko palang lagyan ng dalawang unan sa gitna ng kama. HAIYST!

Agad agad akong bumangon at naligo.

Mygod. Maraming germs na ata ang nagkalat sa katawan ko.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako.

Napatingin ako sa wall clock at 6:37 am palang.

Grabe! An gaga ko ata nagising ngayon.

Ginawa ko na yung house chores kasi alam kong iuutos lang naman yun sa akin ni Celestino noh?!

Kung tutuusin eh pede naman akong magreklamo sa kanya pero lagi niya naman akong sinasabihan ng “ YOUR MY WIFE, SO DO YOUR JOB!” sabay walk out.

Tsss….

Tinapon ko ang mga basura sa labas at umakyat ulit sa kwarto.

Gigisingin ko n asana si Celestino ng mapansin kong parang familiar ang mukha niya.

Pinagmasdan ko lang siya habang inaalala kung sino yung kamukha niya.

Pero kung tutuusin, gwapo naman talaga tong si Celestino eh!

Ang nagpapapanget lang sa kanya ay yung pimples niyang parang pigsa atsaka yung makapal niyang kilay.

Habang pinagmamasdan ko ang mukha ni Celestino ay may bigla akong narealize.

Bakit ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya?

Bakit natitiis ko ang nakakasukang pagmumukha niya?

Bakit hindi ko magawang magalit sa kanya?

Bakit tumatawa ako tuwing may ginagawa siyang kabobohan instead na magalit dahil may bobo akong asawa?

Bakit ang dami kong tanong na hindi ko alam ang sagot?

Biglang nahagip ng aking mga mata ang kwintas na suot ni Celestino.

Parang nakita ko na to dati ha?!

Tinignan ko tong mabuti pero hindi ko maalala kung saan to nakita.

“Uhmmm…” sabi ni Celestino at biglang gumalaw.

Nabigla ako kaya napahawak ako sa buhok niya at hinimas himas ito. Bigla ko rin siyang kinantahan ng I DO by 98 degrees. Favorite ko kasi yun kasi maganda ang message.

Hindi ko alam kung bakit ko yun ginawa eh!

Siguro ayaw ko lang siyang magising sa napaka himbing niyang tulog. Para kasi siyang anghel eh------ pero teka lang…..

Diba kaya nga ako nandito para gisingin siya.

Hay naku, Roxanne!

Kinuha ko yung unan at pinagpapalo ko siya with matching sigaw pa para epektib ang pag gigising ko sa kanya.

Celestino’s POV

Gising na ako pero ayaw ko pang buksan ang aking mga mata. Kasi naman nakakatamad pang bumangon eh!

Narinig ko ang pagbukas ng pinto.

Im pretty sure na si Roxanne yon eh! Alangan naman ibang tao, diba?! Eh kami lang naman ang nakatira ditto eh!

Nararamdaman ko na palapit na siya ng palapit sa akin kaya hinanda ko na ang aking saril dahil alam kong gigisingin niya ako sa pamamagitan ng pagpalo sa akin ng unan noh?!

Lagi naman siya ganyan eh!

Pero nabigla ako ng naramdaman kong umupo siya sa kama at pakiramdam ko ay tinitignan niya ako.

Gusto ko sanang buksan ang mga mata ko para tignan siya pero hindi ko magawa. Ewan, hindi ko alam kung bakit.

Maya’t maya ay napag isipan kong buksan ang mga mata ko. Na curious kasi ako kung bakit ang tagal niya akong paluin ng unan eh!

Binuksan ko ng kaunti yung mga mata ko at nakita siyang naka tingin sa kwintas ko.

PATAY.

Gumalaw ako ng kaunti para medyo madistract siya sa kakatitig sa kwintas ko.

Pero hindi ko inaasahan na hahawakn niya ang aking buhok at hihimasin with matching pakanta-kanta pa.

Hindi ko alam kung anong kanta yun peor maganda ang message niya.

Medyo na touch din ako dahil 1st time na may gumawa sa akin ng ganito.

Medyo nasarapan nga ako at muntik ng makatulog ulit pero itong si Roxanne ay masyadong KJ!

Pinagpapalo lang naman niya ako ng unan sabay sigaw ng……

“HOY! GISING NA! MALA-LATE KA NA NAMAN!”

Daily Routine niya na nga ang pag gigising sa kin eh!

“OO NA! ETO NA! BABANGON NA!” sabi ko sabay tayo.

Umalis na si Roxanne sa kwarto kaya ako naman ay naligo na.

Mga 1 hour na nga akong nadoon eh!

Kung tinatanong niyo kung bakit ang tagal kong maligo.

Well, it’s a secret.

Nang matapos na ako ay mabilis akong nagbihis at bumaba.

Nadatnan kong nasa living room si Roxanne at seryosong nanonood ng cartoons.

Psh. Childish much?!

Napansin kong wala pang nakahandang breakfast kaya tatanungin ko n asana si Roxanne ng biglang may nag doorbell.

“CELESTINO! SAGUTIN MO ANG DOORBELL!” sabi niya na hindi man lang tumitingin sa akin.

My Ugly Duckling Husband (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon