MUDH 10: I'm your husband, remember?

71 2 0
                                    

Celestino's POV

May ngiti na nakaguhit sa mukha ko ng pagkagising ko. Di ko alam kung bakit ang saya ko ngayon eh! Tsaka nagtataka lang ako kasi 1st time kong ako ang naunang nagising kaysa kay Roxanne. But anyway, bumangon na ako at pumunta sa kusina. Dahil ako naman ang magluluto ng breakfast ngayon.

Kinuha ko yung apron at isinuot malamang. Hmmm... ano kaya ang pdeng lutuin?

Binuksan ko ang ref at tumambad ang napaka daming mga hotdogs, bacons, eggs, at hams sa akin. Seriously? Bakit ang dami? Mukhang balak niya akong pakainin ng mga ganyan araw araw.

Tsk. Tsk. Tsk.

Nagsimula na akong prituhin ang tigdadalawang hotdogs, bacons, eggs at hams. Hehehe para naman may pagpipilian ang Roxanne ko. Diba pag aaralan ko siyang mahalin? 

Kumuha ako ng bawang at sibuyas dahil gagawa ako ng fried rice :) Aba dapat lang na pasarapin ko ang lulutuin ko noh? Tska made of love yan, kaya wag ka.

Matatapos na ako dito sa ginagawa ko ng marinig ko ang boses ni Roxanne na tinatawag ako.

"Celestino?"

Kaya naman napaharap ako sa kanya na halatang bagong gising

"Oh Roxanne, gising ka na pala. Upo ka muna at matatapos na ako dito ha! Wait lang" sabi ko at minadali ko ng tapusin ang pagluluto ko.

Nang matapos na akong magluto ay inilagay ko na ang mga ulam at ang fried rice sa mesa at kumuha na ako ng dalawang tinidor, kutsara, plato at baso.

"Roxanne, kain ka na oh!" sabi ko sabay ngumiti sa kanya.

"Anong nakain mo at ikaw ang nagluto ng breakfast? Tska ang aga mong nagising ha!" sabi niya habang kumukuha ng bacon at hotdog.

Umupo na ako at pinaglagyan ko siya ng fried rice.

"Ahh...ehh...hindi pa nga ako nakakakain eh! Ikaw talaga Roxanne" sabi ko sabay kuha ng kutsara niya at tinidor.

"A-anong ginaga---"pinutol ko na yung sasabihin niya at ako ay nagsalita.

"Just let me feed you, okay? I'm your husband, remember?" sabi ko sabay ngiti at subo sa kanya.

"O-okay?" sabi niya habang ngumunguya sa isinubo ko sa kanya.

Mukhang nag eenjoy ako sa pag aaral ko kung paano siya mahalin. Siguro kung subject lang to, siguro matataas ang grade ko.

Roxanne's POV

Ang weird lang niya ha! Kanina pag gising ko wala na siya sa tabi ko. Tapos pagdating ko sa kusina nagluluto siya. Then, sinubuan niya naman ako. Pagkatapos, inaaya akong mamasyal ngayon. Hindi muna raw siya papasok sa opisna dahil gusto niya raw na magka time siya sa akin.

Seriously?

Ito ba yung sinasabi niyang 'pag-aaralan niya akong mahalin'? pero bakit?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Ugly Duckling Husband (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon