057

624 23 1
                                    

narration; ong

7 months ago..

patulog na nasa ako pagkatapos akong ilog-outzoned ni jeishi nang magring yung phone ko. napakunot noo nalang ako nang makitang si shizu yung tumatawag. ano namang kailan ng babaeng 'to sakin?

pinagmasdan ko lang yung screen ko habang nakadisplay doon ang pangalan niyang may shihtzu pang display picture. ang cute lang. napakamot nalang ako sa ulo ko dahil sa inis kasi ayaw niyang lubayan yung cellphone ko. sinagot ko naman 'yon agad at handa na sana akong magreklamo nang unahan niya akong magsalita.


"sa wakas ong sinagot mo rin" may halong panlulumo yung boses niya kaya ako naman itong kinapitan ng kaba.

"ano bang kailangan mo? hindi kami magkasama ni daniel. ibababa ko nat—oo alam ko. ong teka lang may sasabihin ako makinig ka muna please" putol niya sakin. medyo nanginginig yung boses niya kaya mas lalo akong nacurious kung ano ba ang tinawag niya.


"s-si daniel kasi ong"

"yung best friend ko" ulit niya pa.

"ong si daniel"

"kumalma ka nga! deretsuhin mo na nga ako shizu anong meron kay daniel? may nangyari ba?" tinaasan ko na siya ng boses dahil mukhang wala siyang balak ituloy yung sasabihin niya. puro lang siya daniel.


"s-si kang daniel ong y-yung bestfriend ko" napatayo na ako nang marinig siyang humagulgol doon sa kabilang linya. sapat na dahilan na yun para kaagad ko siyang puntahan.


mabuti nalang at nakaactivate yung GPS niya kaya agad kong nalocate kung nasaan siya. kung ano ano nang pumasok sa isip ko na hindi maganda pero pilit ko nalang pinakalma ang sarili ko.






"anong nangyari?" tanong ko agad nang makita ko siyang nakaupo dun sa upuan sa gilid nung pinto.


"kasalanan ko ong. hindi ko napigilan si daniel. ako dapat yung nandyan at hindi siya. dapat ako yung nasa loob ng emergency room at hindi siya! ong kasalanan ko lahat" nanginginig niyang sabi sa akin habang umiiyak siya. niyakap ko lang siya nang maigi para mapakalma siya.


ilang oras rin kaming nasa waiting area nang lumabas yung doctor. ayos naman na daw si daniel  pero kailangan pa siyang obserbahan at idaan sa iba't-ibang test. inaasahan din na magigising na siya bukas.

"ano ba talaga yung nangyari?" tanong ko kay shizu na ngayon ay nakaupo sa gilid ni daniel

"nakita namin kayo ni jeishi sa lotte world. sa parking lot to be exact. actually hindi ko kayo nakita pero dahil familiar sakin yung kotse mo and base sa reaction ni daniel mukhang nakita niya nga si jeishi at kasama mo."




narration; shizu


"nandito ka lang pala" bati ko kay daniel na kanina ko pa hinahanap. bigla bigla nalang kasing nawala sa tabi ko kanina at di ko alam kung saan nagpunta. iiwana ko na nga sana tapos makikita ko siya dito sa parking lot.


hindi niya ako pinansin at focus lang siyang nakatingin doon sa kulay red na kotse at kung sinuswerte nga naman kotse pa yata 'to ni ong.


"huy saan ka pupunta?" sinundan ko lang siya nang bigla siyang magwalk-out. dun na ako nagkaideya na may nakita siya. baka si jeishi? sa pagkakatanda ko kasi palaging magkasama si ong at jeishi nitong mga nakaraan.

kasalanan rin naman ni daniel 'to. sabit lang rin naman ako dito. ideya niya lahat at dahil supportive bestfriend naman ako go lang!


pero dahil sa walang kwenta niyang idea siya yung nagsasuffer ngayon. gusto niya lang naman pagselosin si jeishi kaya sakin siya dumidikit. yep, i need someone to accompany me dahil bago lang ako dito pero kaya ko naman yung sarili ko. siya lang yung mapilit dahil may gusto daw siyang patunayan.


"anong plano mo? mukhang palpak naman yung idea mo eh" sabi ko sakanya pero walang response. nakatingin lang siya sa malayo at sinisikap niyang hindi umiyak.

"mag-eemote ka nalang ba dyan?"

"wala naman akong magagawa. hindi nga siguro talaga niya masusuklian yung pagmamahal na pinaramdam ko sakanya" how did he know? tinanong niya ba mismo si jeishi?

"teka ganun nalang yun? susuko ka nalang basta basta dahil hindi niya maipakita yung pagmamahal kagaya nung binibigay mo? hoy! fyi ang tagal na nating magkakilala at hindi ka ganyan"

"i wasn't good enough. ganun naman palagi diba, ako nalang lagi yung nasasaktan, yung naiiwan. parang kagaya nung ginawa mo" tuluyan na akong natahimik dahil sa sinabi niya. i have my own reasons! saka hindi ko naman piniling iwanan siya. it's my parent's decision na pag-aralin ako sa ibang lugar for the mean time

"wala nang pupuntahan 'tong pag-uusap natin una na ako."

"saan ka pupunta? hey!! bumalik ka dito wag mo akong iwanan. hoy hindi ka marunong magdrive!!" sigaw ko pero mabilis niyang napaandar yung kotse ko. not really mine pero yun yung service ko, teka bakit ba nasa kanya yung susi nun? nasaan yung driver?

iddial ko palang sana yung number nung driver ko nang may dumating na familiar na sasakyan. family van namin 'to ah?

as expected lumabas yung driver ko at nagmamadaling lumapit sakin. "ma'am sorry po hindi ko na sinabi sainyo na nagloloko yung break nung kotse kanina para di kayo mag-alala. ipapahatak ko nalang po iyon mamaya." pakiramdam ko nalang sa isang iglap tumigil yung paligid ko.

nagloloko yung break. hindi marunong magdrive si daniel. hindi ko alam kung aling parte ang dapat kong alalahanin.


"teka ma'am nasaan na po yung kotse?" tanong sakin nung driver ko para bumalik ako sa reyalidad.

"let's go! nasa kapahamakan yung bestfriend ko!" agad akong pumasok doon sa van pati narin si manong. pinasundan ko kung saan posibleng pupunta si daniel at di rin naman ako nagkamali.


he really loves jeishi. hindi 'yan dito dadaan kung walang epekto si jeishi sakanya at mas lalong hindi siya dederetso papunta dun sa lugar na yun kung hindi siya nasasaktan ngayon.

"manong ayun ayun yung car please sundan natin" halos magmakaawa na ako sa driver ko para lang mahabol si daniel. pilit kong kinocontact si daniel pero cannot be reach


"ma'am masyado pong mabilis" gusto ko nang agawin kay manong yung manubela sa totoo lang.


maya-maya pa ay nagsihintuan na yung mga sasakyan sa harapan namin at kasabay noon ang masaksihan kong magpaikot-ikot yung kotse na sinasakyan ni daniel. at mas lalong nanlaki yung mata ko nang makita kong may truck na paparating kung saan huminto yung kotse.


at hindi nakaligtas sa dalawang mata ko kung paano masagasaan ng truck yung kotse. darn it! kasalanan ko 'to.


kaagad akong lumabas sa van namin at tumakbo papunta dun sa kotse na nilapitan narin ng ibang mga tao. sht


"daniel!" sinubukan kong buksan yung kotse mabuti nalang hindi yon nakalock. hinawakan ko yung magkabilang pisngi niya at pilit ko siyang kinakausap. hindi ko na alam kung ilang minuto ba ang lumipas o oras nang magpatianod nalang ako sa humila sakin. may mga sirena narin akong naririnig sign na nandito na yung mga taong magliligtas kay niel.

letter | kang danielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon