finale; jeishi

730 34 9
                                    

narration; jeishi

kaagad akong napabalikwas sa kama ko nang marinig ko yung sigaw ni mama. kumare? sinong kumare 'yon?


patakbo akong bumaba sa hagdanan namin at doon nalang ako natigilan. kitang-kita ng dalawang mata ko si daniel nakaupo sa sofa at ngiting-ngiti pa habang kausap naman ni mama yung mama niya. don't tell me si mama yung kumare ni mama- i mean yung mama ni daniel.


pasimple akong lumapit kay mama kaya doon niya na napansin yung presensya ko.


"buti naman at bumaba ka. itong si daniel naaout of place samin ni kumare ikaw nang bahala sa kanya" utos sakin ni mama kaya ako itong nilapitan si daniel na kunwareng nanonood ng tv.



"bakit ka nandito?" tanong ko agad sa kanya dahilan para lumingo siya sakin.




"oh" tanging sabi niya saka may inabot na kahon sakin. maliit lang 'yon bubuksan ko sana nang bigla niyang hawakan yung kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kanya.


"walang laman 'yan." pinaningkitan ko siya ng mata para basahin yung iniisip niya pero wala akong mabasa!


"hindi mo naman kailangan ng materyal na bagay, dahil sapat na akong regalo para sayo ngayong bagong taon diba?" sabi niya at nakuha pa akong kindatan. nararamdaman ko na yung pag-init ng pisngi ko at siya naman itong pinisil 'yon.



"ang cute mo talaga nanggigigil ako sayo. gusto kitang kagatin akala mo ba" halos pabulong na yung huling sentence dahil takot rin siguro siyang marinig ni mama.



"tigilan mo nga ako. galit ako sayo diba?!" medyo napalakas yata yung pagkakasabi ko kaya napansin na kami nila mama.


"nag-aaway ba kayo?" agad naman akong umiling. "wala ma, si daniel kasi pinipisil yung pisngi ko" napanguso nalang ako yung mama naman ni daniel may binulong sa mama ko saka nagtawanan silang dalawa. napatingin ako kay daniel at siya naman may pangiti-ngiti pa- tuluyan na nga yatang nabaliw itong mga kasama ko. ako nalang ang normal sa bahay na 'to.




nag-yaya na si mama na kumain pero pagkatapos kong kumuha ng fruit salad dumeretso ako dito sa sala at umupo sa carpet. hindi ko alam na nakasunod pala sakin si daniel nang bigla niya akong niyakap sa may bewang.



"hoy tsansing ka. ialis mo nga 'yan" bawal ko sakanya pero umiling lang siya saka mas lalong isinubsob yung mukha niya sa gilid ko.



"daniel ano ba"


"ano bang ikinagagalit mo?" nag-angat siya sakin ng tingin pero ganun parin yung pwesto niya— nakayakap sakin.


ano nga bang ikinagagalit ko? bakit nga ba ako galit sa kanya? h-hindi ko rin alam.



"ang labo naman jeish. kaya nga ako nagpunta dito para makapagcelebrate ng new year kasama ka at—" saglit siyang tumigil saka ngumuso. nagpapacute siya!


"at?"


"official na humingi ng permiso sa mama mo na aakyat ako ng ligaw tapos ikaw pinagtatabuyan mo naman ako" halos mabuga ko yung nata na nginunguya ko dahil sa sinabi niya.


"ano ba wag mo nga akong tingnan ng ganyan. nahihiya na nga akong sinabi sayo 'yung tungkol dun tapos bibigyan mo pa ako ng ganyang tingin? mukha ba akong nagbibiro" reklamo niya sakin.



"mukha lang akong gago pero kapag sinabi kong mahal kita, higit pa doon ang gusto kong sabihin sayo. hindi matutumbasan ng salitang mahal kita lahat ng nararamdaman ko para sayo" dagdag niya pa.

pinanatili kong kalmado yung itsura ko pero daniel... kung alam mo lang kung gaano nagwawala yung mga kampon ko sa loob ng sistema ko.



magsasalita sana ako nang mapansin kong may dalawang tao sa peripheral vision ko.



"kanina pa po ba kayo nandyan?" tanong ko sakanilang dalawa.



"nasaksihan pa nga namin lahat. wag kang mag-alala jeishi nagsasabi ng totoo 'yang anak ko saka botong boto ako sayo kahit nga sa altar na kayo dumeretso mamaya pwedeng pwede" sabi nung mama ni daniel. ngayon alam ko na kung saan niya nakuha yung ugali niya, sa mama niya. maliban sa pagiging mabait halata mong masayahin silang tao at go lang ng go as long as magiging masaya sila at wala silang masasagasaang tao.



"matagal naman na akong pumayag nak. kahit nga sagutin mo narin kaagad si daniel ngayon ayos lang sakin. diba daniel?" sabi ni mama sabay tawa na pabebe. nahulog na nga yata nang tuluyan si mama sa patibong ni daniel.



"ma! ano ba 'yang tawa mo. kinikilig ka ba kay daniel ha?"



"nak sino ba naman ang hindi kikiligin kung ganyan yung nagmamahal sayo?" nag-apir pa silang dalawa nung mama ni daniel. lahat na ng tao dito nasa side ni daniel, wala akong kakampi na kahit itong nanay ko pinagtutulakan ako kay daniel.


kinantsawan lang kami nung dalawang magkumareng ngayon ko lang nalaman hanggang sa nagsawa sila at pinagpatuloy yung kwentuhan nila doon sa kusina.



"paano ba 'yan jeishi? baka next week sa—aray bakit ka ba bigla bigla nanghahampas?"



"masakit ba? mas masakit pa dyan mararamdaman mo kapag iniwan mo ako" sabi ko at parehas kaming natigilan ni walang nagtangkang magsalita samin dalawa. inisip ko ulit kung ano ba yung lumabas sa bibig ko para manahimik siya. napatakip nalang ako ng mukha nang maalala yung eksaktong sinabi ko.



"w-wala akong sinabi. kalimutan mo 'yon" tatayo na sana ako nang bigla niya akong hilahin palapit sakanya.



"hindi ko na pala mararamdaman yun. dahil kahit noon pa man hindi kita binalak iwan at alam ko sa sarili kong hinding-hindi ako magreresign sa buhay mo kahit ikaw pa 'tong gagawa ng resignation letter mo."


"jeishi, kahit ano pa man ang mangyari nandito ka lang.." saka niya tinuro yung kaliwa niyang dibdib.



"you're forever saved in daniel's heart because I love you so much"





-•x•-•x•-
defkidniel
pro-juice 101 series #4 ft defdanikronicles #3
start: 170524
end: 171229

letter | kang danielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon