059

638 33 9
                                    

narration; jeishi

nagising nalang ako sa tama ng sinag ng araw sa mga mata ko. minulat ko ang dalawang mata ko at doon ko natagpuan si daniel na mahimbing na natutulog. kung anong position ko habang umiiyak kanina ganoon parin ako pagkagising ko. ibig sabihin buong oras akong nakayakap sakanya?

nagsimula akong kapitan ng kaba nang mapansin kong wala na akong naririnig na tunog sa paligid. wala na yung maingay na machine!

gusto kong itapat yung tenga ko dun sa dibdib niya para marinig kung tumitibok pa ba yung puso niya pero hindi ko magawa, dinamdam ko lang yung pagkakayakap niya sa akin habang ako itong nakayakap rin sa kanya habang nakaupo sa isang monoblock.

nag-uumpisa nang tumulo yung luha ko nang bigla siyang gumalaw. halos mapahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. gumalaw siya! gumagalaw na siya!

nag-inat siya habang ako naman itong manghang-manghang at para bang nagslowmo yung paligid habang nakikita kong dumidilat ang dalawa niyang mata.


nang tuluyan nang mabuksan ni daniel yung dalawa niyang mata agad iyong napako sa akin. hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung anong sasabihin ko. nanatili lang ako nakatulala sa harapan niya habang pinapakiramdaman kung anong susunod niyang gagawin.


"sino ka?" unti-unti akong nanlumo dahil sa dalawang salitang narinig ko. 's-sino ako?' ibig sabihin ba nito kagaya siya doon sa napapanood ko sa tv na naaamnesia kapag naaaksidente?

unti-unti nang tumulo yung mga luha ko habang siya naman itong blangko lang ang expression habang nakatingin sakin. maya-maya lang ay narinig kong may nagbukas ng doorknob at bumungad si ong.


"gising ka na pala niel" pinagmasdan ko si ong na nilapag yung mga fruits dun sa table, hindi parin ako nakakagalaw dito sa pwesto ko. pero hindi na kagaya kaninang nakayakap talaga ako nang todo kay daniel. yung kamay niya nasa likuran ko parin


"oh bat umiiyak yan?" baling sa akin ni ong at dahan-dahan siyang lumingon kay daniel. yung reaction ni ong para bang binabasa niya si niel.


"qaqo ka talaga daniel. sasapakin kita eh" papalit palit lang sakanilang dalawa yung tingin ko lalo na nung tumawa si daniel. hinaplos niya yung ulo ko saka iyon nilapit sakanya at hinalikan ako sa noo.

"shhh. natakot ba kita? ikaw naman kasi hindi ka na yata natutulog kakabantay sakin hindi na tuloy kita nakilala" natatawa niya pang sabi. halos wala na akong maintindihan. hindi ko alam paano ipoproseso sa utak ko lahat basta ang alam ko lang... maayos na siya ngayon.


"jeishi, thank you. thank you for giving me another reason to live" dahan-dahang nilapit ni daniel yung mukha ko sa mukha niya at nakuha niya pang ngumisi. kaya bago pa man lumanding yung labi niya sa labi ko kaagad ko nang tinakpan nung dalawa kong daliri yung labi niya.


"sorry daniel matagal akong naghintay kaya maghintay ka" natatawa kong sabi sakanya pero siya naman itong hinawakan yung magkabilang pisngi ko saka 'yon pinisil.


"ARAY ANO BA"

"saan masakit? ikikiss ko para mawala" nakuha niya pang humalakhak pagkatapos. tatayo na sana ako nang bigla niyang niyakap sakin yung kanang braso niya... seryoso bang kakagising lang nito? bakit parang ang lakas lakas naman niya yata-

"ehem"

"ong nandun si doc sa labas pacheck up ka nalang" wala sa sarili niyang sabi kay ong na maski ako ay natigilan ilang segundo rin siguro bago niya narealize yung sinabi niya kaya sabay kaming tumingin kay ong na saktong nakacross arms na sa harapan namin.


"sige lang. nakakahiya naman sainyo eh" sabi nito saka naglakad palabas ng kwarto pero bago siya tuluyang makalabas nagpaalam siyang iinform na niya daw yung nurse na gising na si daniel.



"i missed you so damn much jeishi, kaya humanda ka na sa mga susunod na araw" hindi magets ng sistema ko yung sinabi niya pero bigla nalang bumilis yung tibok ng puso ko nang bigyan niya ako ng isang ngiti.

letter | kang danielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon