Buhay ni Girl Delgado

50 19 69
                                    

November 28, 2010

Hi Diary,

       Alam mo diary mahal talaga ako ng mga kaklase ko. Hindi talaga nila ako kinakalimutan palagi din nila ako pinapansin at walang araw na wala silang sorpresa para sa akin. Ako din ang pinakasikat sa school,kilala nga ako sa bansag na "GIRL THE PALABOY" diba girl daw the palaboy dapat palagirl, hehehe sorri corni.Ang sikat ko talaga.Gusto mo ng katibayan diary?

Hindi talaga nila ako makakalimutan dahil ako lang naman ang taong kanilang inaapi ARAW-ARAW,palagi talaga nila ako pinapansin dahil palagi nila akong sinisigawan at binabatukan,wala talagang araw na wala silang sorpresa sa akin dahil araw-araw nila ako binibigyan ng itlog –––– wait let me rephrase that, Palagi nila ako binabato ng itlog, hard boiled pa. Ang sweet talaga ng mga kaklase ko.

See ako talaga ang pinaka sikat sa school dahil ako lang ang taong kanilang inaaway. Yes, halos silang lahat gumagawa sa akin nyan .Alam mo diary kung bakit? Hulaan mo ––––  Kasi ako lang ang hindi mayaman, hindi kagandahan , at hinding hindi bagay sa school na ito. Yan lang muna diary tulog na ako. May pasok na naman bukas eh. Magre-ready na ako para sa bakbakan bukas.

P. S.
Kung may makakabasa man nito please wag mong sabihin kay mama. Baka mag-alala siya.

                              ~°*°~

November 29, 2010

     Pagka-pasok ko sa school hindi na bago sa akin ang may manghagis sa akin ng itlog o may mang-blocking sa aking nilalakaran.Kaya pagdating ko sa loob ng room para na akong isang tao na nangangalakal sa sobrang karumihan ko dahil sa mga itlog na kanilang binabato.

Kung nagtataka ako kung bakit hindi ako lumalaban sa kanila ay dahil sa mayayaman sila at kaya nila akong ipa-alis sa school na ito.Kung nagtataka naman kayo kung bakit hindi ko kayang umalis sa school na ito ,ito ay dahil na 100%scholar ako dito at graduating na ako ..<sayang naman ang scholarship>.

Sa Classroom
(last period)

"class choose a partner for the next activity" sabi Maan Chuga.                                                            

hayyy choose a partner na naman buti nalang kahit papano may kaibigan ako kahit di kami masyadong nagpapansinan.

"Betti tayo nalang partner" anyaya ko kay Betti.

"Nako Girl kami na ni Kitti ang partner ehh..pasensya na."sabi niya

"Oo nga Girl kami na ni Betti ang partner kaya lumayas ka sa harap ko *Tuugsshh*" sabi niya sabay patid sa akin.

"Aray"

"Sige na Girl umalis kanalang"

Minsan napapaisip ako kung kaibigan din ba ang turing saakin ni Betti.

"Maam wala po akong partner"

"Guys sinong walang partner diyan"sigaw ni maam

"Ako po maam"sigaw din ng isa kong classmate

"Sige partner mo si Girl"sabi ni maam sabay turo sa akin

"Ay maam wag nalang po sina Juddi nalang ka grupo ko" pag-decline naman niya.

"Girl sa tingin ko kaya mo naman yang mag-isa matalino ka naman ikaw nalang gumawa ng next activity"nakangiting sabi ni maam . Alam kong itinatry niyang i uplift ang feeling ko sa kabila ng lahat.

"Sige po maam" mahina kong sagot habang malungkot na bumalik sa upuan ko.

Mag-isa naman ako. Kahit na sabihin kong sanay na akong mag-isa ay nasasaktan parin ako na isipin na maraming may ayaw sa akin.Alam kong ako lang ang hindi bagay sa paaralang ito pero bakit kailangan pa nila akong pagtulungang saktan at pagkatuwaan, laruan ba ako? Di naman ahhh eto ohh humihinga at nasasaktan, mayron bang laruang humihinga pwera nalang sa mga dolls na mga nasasaniban at nagiging mga halimaw.Ayan nababaliw na talaga ako , sinama ba naman ang mga halimaw sa pag- eemo ko.

SadlaypWhere stories live. Discover now