--Kate's POV--
(Continuation)
Ano ba ang nakain ni Eric at bigla na lang naging BV yun?
Kanina, grabe parang aso at excited pa. Pagkatapos seryoso? Does he have issues? Bipolar? May regla kaya ganun?
Ewan ko ba.
Pero I explained NICELY to Miss Arabe na Eric skipped class. And she scolded me NICELY about it. About how I should be responsible enough to convince him to come back.
Well, I did WOMAN!
Pero hindi siya nakining sa akin. He just HAD to keep walking and IGNORE me.
Whoops. Sorry. Muntik na ako nawala sa sarili ko. Anyway, hindi na bumalik si Eric for the rest of the day, at iniwan ko na lang sa fridge yung takoyaki niya, at ilalagay ko na lang sa microwave yung takoyaki para mainit parin pagbigay ko sa kanya.
Nilagay ko na rin ang "DON'T EAT" sa plastic para walang kumain.
Hindi mo alam kung sino ang mga patay gutom sa mundo.....
Pero, jeez man.
First time niya magkaganito. Hindi naman siya nagalit sa akin. EVER.
It's unnerving, actually.
Wait. Why am I even thinking about this? Wala na ako dun kung may issues siya okay?
Hindi ko issues ang issues niya.
Pero kinailangan kong pumunta sa room niya mamayang dismissal para ibigay yung takoyaki niya. Sus, kung hindi lang sana ako naging maid niya for a day....
Ano ba ang pumasok sa utak ko?
Pagkatapos ng dismissal, dumiretso ako sa school kitchen at kinuha yung takoyaki para kay Eric. Pasalamat na lang ako na walanng kumain para matapos na 'tong lahat.
Nilagay ko ang pagkain sa microwave at naghintay ng ilang minuto para mainit ulit yun. Baka mas magalit pa sa akin si Eric pag hindi yun mainit.
300 years laterrrr....
"Sa wakas tapos na..." nasabi ko sa sarili ko at kinuha na yung takoyaki mula sa microwave at nilagay sa isang plastic container.
Dumiretso na ako sa dorm namin and I found myself staring at Eric's door. At inulit ko nanaman ang proseso ng inner conflict.
*taas kamay*
Galit pa kaya sa akin si Eric?
*baba kamay*
Ah basta! BAHALA SIYA SA BUHAY NIYA!
*taas kamay*
Does he hate me? Ano naman ang ginawa ko?
*baba kamay*
Wala naman akong ginawa ah! Problema niya yan kung nagdadalaga na siya noh!
Hmph!
Hindi pa ako natapos sa kaka away ko sa sarili ko nung biglang bumukas yung pintuan sa dorm room ni Eric at nakita niya ako.
"Tatayo ka lang ba diyan at aawayin ang sarili mo o papasok ka para ibigay sa akin yung takoyaki?" tanong niya sa akin nang nakataas ang kilay.
At siya pa ang may ganang tumaas ang kilay ah? Shinga talaga 'to.
"For heaven's sake Eric, akala ko galit ka pa" sabi ko sa kanya at pumasok na sa kwarto niya. Pero hindi ito ang parehas na kwarto na pinasukan ko kanina.
Mukhang dinaanan ng bagyo yung kwarto niya dahil nakakalat ang mga damit niya sa sahig at bukas pa yung pintuan ng banyo niya at yung cabinet niya. Hindi na 'to PMS for sure. Did something happen habang wala ako?
"Eric, ano ba ang ginawa mo sa kwarto mo?" binigay ko na sa kanya yung takoyaki niya at tinitigan yung mga kalat. Dios mio, alam ba niya ang salitang "CLEANLINESS"??
"Stupid Kate" sabi ni Eri sa likod ko. "You're so oblivious sa lahat ng ginagawa ko."
"Ha?" lumingon ako sa kanya at napasimangot.
He looks so weird with the serious look on his face.
"I have one last order for you." sabi niya habang lumalapit siya sa akin, at ako naman, umaatras.
"R-really?" tinanong ko, pero hindi ko talaga gustong malaman. Sa mukha niyang yan? NO WAY.
Naubusan na ata ako ng matakbuhan kasi naabot ko na ang dulo ng higaan ni Eric at bilgang napaupo. Lumapit naman siya sa mukha ko and he leaned down.
"My last order is..." huminga siya ng malalim. "Fall in love with me."
Hindi na ako nakapagsalita at hahalikan na niya sana ako nang...
BOOOOOOGSHHHHH!!!!!
Shet. All of this dahil lang sa takoyaki???
Jeez
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++=
A/N:
Sorry wala ako naka-update kasi I was soooooo busy.
at wala akong internet connection
Sorry pooooo....hehehe. I hope you enjoy reading! (~*0*)~
STAI LEGGENDO
Exchange Student Romance
Storie d'amoreSi Alice Valdez, the typical hardworking, happy-go-lucky girl meets... Raven Cole, the school prince, and the chairman's one and only son. Magtatagpo silang dalawa via exchange student transactions...how will the son of the rich and almighty chairma...