Nasa Timezone ako ngayon , maglalaro ng paborito kong arcade game. Left 4 dead. Naghihintay ako kasi maraming naglalaro. By partners yung laro pero wala naman akong dalang kaibigan kasi girly yun mga kaibigan ko. Meron din akong boyfreinds. Hindi boyfriends na syota ha... yung boyfriends means friends ko na boys. Pero wala kasi sila may summer vacation with family. Kaya maski sino lang yung partner ko, kung sino may gusto.
Dito sa Timezone nagkakapagrelax ako. Every game makes me happy. I like the feeling of always winning. Summer ngayon, kaya dito lang ako. Busy naman ang parents ko sa business.
"Hi!' sabi ng lalaking nasa gilid ko.
"Hello!" sabi ko sa kanya.
"Naglalaro ka nito?" tumango lang ako. "Wow! May partner ka ba?" tanong nya.
''Wala , wala kasi yung mga kaibigan ko eh. " sabi ko.
"Tayo nalang. Matagal ka na bang naglalaro nito?" sabi nya.
"Oo, matagal na. Ito nga yung paborito kong laro eh." sagot ko.
"Wow! Ikaw pa yung kauna-unang babaeng nakilala ko na paborito to." samba nya. Ofcourse ! im one and only.
"Ano nga palang pangalan mo?" Tanong ko.
"Ashton Dix Acaron. Just call me Ash. Ikaw , anong pangalan mo?" nice name.
"Jasmine Decantina. Call me Jas." Tumingin ako sa harapan.
"Tayo na pala sunod. " sabi ko.
"Oo nga"
Kami na ang maglalaro. Pumosisyon na kami. Hinawakan na ni Ashton ang baril nya.
"Ready ka na ba Jas?" tanong nya.
"Always ready..." nagstart na yung game .
Ayun as always panalo, walang namatay sa amin.
"Great game ! " sabi nya.
"Ya! Nakakauhaw yun." sabi ko. Parang ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya?
"Sige upo ka muna doon . Bibili lang ako ng maiinom. " tinuro nya yung bench
ilang minuto ay bumalik na sya na may dalang Zagu at bottled water. Inabot nya sakin yung isang Zagu.
"Sorry ha. Hindi ko kasi alam kung anong gusto mong flavor kaya Chocolate ang binili ko. Yan kasi ang favorite ko eh ." sabi nya tapos umupo sa tabi ko.
"Naku! Okay lang no. Salamat ha! Favorite ko rin kaya tong chocolate." with lapad na ngiti.
"Hahaha what a coincidence." Nagtawanan lang kami buong umaga .
BINABASA MO ANG
Game Over (One-Shot)
Fiksi RemajaGAME OVER is a message in video games which signals that the game has ended, commonly due to a negative outcome. Although the phrase sometimes follows the end credits after successful completion of a game. The phrase has since seen wider use to desc...