“Good Morniiiiiiinnngg! Good Morniiiiiiinnngg!” sigaw ko habang pababa ng hagdan. Tumingin sakin lahat ng mga Maids namin.
“Ms. Ana? Anong gusto mong kainin?” tanong sakin nung maid namin.
“Gusto ko ng Cheesecake, at saka Maki at saka Crispy Pata. Gusto ko din ng Ice Cream at Wine.” Sabi ko.
Medyo na-werduhan sya sakin.
“Oh?Bakit?” sabi ko.
“Ma’am, wala pa po tayong ganun. Breakfast pa lang po.” Sagot sakin nung Maid.
“E alam mo naman pala e! Akala ko hindi gagana yang common sense mo! Alam mo naming breakfast ngayon e, nagtatanong ka pa!” sigaw kong sagot sa kanya. “Kahit ano dyan! Umalis ka na nga, nagugutom na ko.”
Umalis na yung Maid namin halos mangingiyak-ngiyak. Nakakasira ng umaga.
“Ana. Ano ba yun? Ang aga-aga, sumisigaw ka na naman.” Sabi sakin ni Manang.
“E ang tanga-tanga, ka-aga-aga.” Sagot ko kay Manang.
“Ana, hindi ka dapat ganyan magsalita.” Sabi ni Manang. Oo, si Manang lang ang pinapayagan kong magpangaral sakin.
“Sorry. Okay.” Sagot ko.
I rolled my eyes. Hindi kay Manang, dahil may sasabay sakin kumain. Si Dad.
“Ana. Good Morning.” Bati sakin ni Dad.
“Morning.” Matamlay na sagot ko.
“Uhmm.. Ana. Malapit na ang pasukan dito. In-enroll na kita.” Sabi ni Dad.
“Whha—DAD! Ahh! Ba’t hindi mo muna sinabi sakin?” tanong ko. “Maganda ba yung school? Dad!”
“Oo. Maganda dun.” Sagot ni Dad.
“Ayy!” sabi ko kay Dad sabay umakyat na ko sa taas.
Akala ko naman makakapagrelax ako dito. Nakakainis naman. Hmp.
--------
N: /Hello! Hahaha Thanks sa nagbabasa. Please, vote nyo po. =)