IV

11 1 1
                                    

Binalikan ko yung dating mga alaala
Ang saya pala natin, parang mga bata.
Yung tatawa kahit hindi nakakatawa
Masabayan ka lang at hindi mapahiya.

Kaya sa puntong di na natin kaya
Ako na ang bumitaw at nagpaubaya.
Akala ko kasi, sa akin ika'y sasaya
Yun pala gusto mo na makalaya.

Ngayon sa akin ay lumisan na
Sana ay makahanap ka na ng iba.
Di ko man alam ang iyong dahilan
Sana nating patas ang ating laban.

-Yanark Stories

Almost A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon