Kabanata 1

6 1 0
                                    

"Kanina ka pa tulala. Ano bang nangyari?" Pag-uusisa ni Zild. Kanina pa siya tanong ng tanong at kanina ko pa rin siya hindi pinapansin.

"W-wala. Iuwi mo na lang ako." Tumango siya at hindi na muli pang nagtanong. Gabi  na rin at nahihilo na din ako sa gutom kaya dapat ikain ko lang 'to.

After so many years nagkita ulit kami.

Nang maka-uwi na kami dumiretso ako sa sofa at humiga. Tinamad na rin ako magbihis dahil sumasakit ang ulo ko.

"Zild!"

"Ano?" Sigaw niya mula kusina. Nagluluto ba siya? Wala pa kong groceries kaya alam kong walang mailuluto doon.

Tumayo na ako at nag-inat, naglakad ako papuntang kusina at nadatnan ko siyang kumakain ng saging habang nagtetext. Kumuha ako ng isang saging, binalatan iyon at kinain rin.

Tingin ko dapat din malaman ni Zild 'to...

"May sasabihin ako sayo..."

"Wait lang. Tumatawag yung bago kong girlfriend." Tss. Inirapan ko siya at nagbuntong hininga. Kelan kaya magseseryoso ang lalaking 'to? Forever na yata 'tong magiging playboy.

Napapairap na lang ako sa landiang naririnig ko. Tumayo ako at kumuha ng dalawang baso inilapag ko iyon sa lamesa at tumungo sa ref upang kunin ang malamig na tubig.

Hindi pa ba tapos ang landian ng dalawang kuto na 'to?

Ininom ko ng diretso yung tubig at kumuha ulit ng isa pang saging. Umakyat na ako sa kwarto ko upang magpalit ng damit. Aayain ko na lang mag-grocery 'tong panget na 'to tutal wala naman ng laman yung ref ko at wala rin kaming makakakain ngayon gabi kaya mas mabuti pa na sa labas na lang din kami kumain.

Pagkapalit ko ng damit bumaba na ako at kumuha ulit ng isa pang saging. Gutom na gutom na talaga ako.

"Ano nga pala yung sasabihin mo?" Naka-ngisi niyang sabi. Inirapan ko na lang siya at ibinigay sa kanya ang natitirang saging.

Nakakainis. Sa susunod ko na nga lang sasabihin ang tungkol dun.

"SM tayo walang pagkain dito kaya ilibre mo ko nagugutom na rin ako." Bago pa siya makasagot ay hinatak ko na yung kamay niya at kinaladkad palabas ng bahay. Pumasok na ako sa kotse niya at natatanaw ko na kinakandado ni Zild yung gate ng bahay ko.

"Saan tayo kakain?"

"Kahit saan basta eat all you can." Binatukan ako ni Zild kaya naman pinitik ko naman 'yung tenga niya.

"Kaya tumataba ka na eh. Ang taba mo na kaya. Baboy! Baboy! Baboy!" Sinamaan ko ulit siya ng tingin pero tumawa lang siya.

"Hoy ang kapal naman ng mukha mo! Ang sexy ko kaya!" Pagpoprotesta ko. Bigla naman akong naconcious sa katawan ko. Tumataba na nga ba talaga ako? Mukha na nga ba talaga akong baboy? No way!

"Tss. Saang banda?" Binatukan ko na siya dahil isa na lang talaga at mapipikon na talaga ako!

"Go to hell bwisit ka!" Bigla niyang iniliko yung kotse kaya naman napasandal ako window ng kotse dahilan para dumikit ang pisngi ko sa window. "Papatayin mo ba ko ha?" Sigaw ko, pero nilakasan niya pa lalo ang tawa niya.

Hindi niya ako pinansin at kaagad siyang bumaba ng kotse at bumaba na rin ako. Nilakasan ko ang pagsara sa pintuan ng kotse niya para malaman niyang naiinis na talaga ako!

Naglakad ako dire-diretso at hindi ko pinapansin yung panget na kanina pa kalabit ng kalabit sa likod ko. Bahala siya diyan! Manigas siya!

This is it. Kogi-Q

"Hoy panget kakakain lang natin dito last last week ah!" Inirapan ko na lang siya at dirediretsong pumuntang counter.

Magbabayad na ako ng maalala kong wala nga pala akong dalang pera dahil magpapalibre lang ako kay Zild!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 01, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fabricated University (#Wattys2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon