LANDA's P.O.V
"Hanggang tingin ka na lang tol? TORPE mo! Haha" tas nagtawanan naman ang barkada.
"Kayo ba, mga kaibigan ko o ano??" inis kong tanong sa kanila. Pagtawanan ba naman ako? Oo, alam kong torpe ko pero di naman nila kelangang ipagsigawan eh kasi di pa yun alam ng iba.
"Syempre kaibigan tol. Kaya nga kami nagsa-suggest na ligawan mu na yung si-"
"ituloy mo yung pangalan niya babatukan kita" warning ko. Baka may makarinig pa na iba , mahirap na ui. Psh-
"tol naman. Hwag highblood. Ligawan mo na kasi"- Claude
"mukhang wala sa vocabulary nun ang magpaligaw eh" alanganin kong sagot
"meron yun. Ikaw etong walang lakas ng loob!"-Chaddy
"tsk. Manhid nun, di nga makahalata eh"-ako
"okey. Sya na si MS. MANHID tas ikaw naman si MR. TORPE"
"Bagay nga kayomg dalawa. Ahahahaha"
"ewan ko sa inyo"
"pero Nil, sa JS mo na lang kaya ayain? Try lang."-Chaddy
"Oo nga no? Talino mo chaddy ah. Akalain mong naisip mo pa yun?"-Claude. Sabay tawa. HAHAHAHA natawa din ako dun ah xD baliw tong si Claude
"ikaw?! Upakan kita dyan eh" oops. Nabadtrip . ahahaha
"peace!! Hahaha, so ano na tol?" balik agad yung topic sa akin . -.-
"Bahala na si batman !"-ako
Ewan ko ba kung bakit di ko sya kayang pansinin. Alam niyo yung feeling na 'nauutal ka na nga, naninigas ka pa sa kinatatayuan mo'? Yun yung feeling ko pag nandyan si Llorraine eh. Daig ko pa ata ang taong naparalized >.< Oo, si Llorraine yung crush ko. Di ba halata? Galing kong magtago eh. Hahaha, buti na nga lang at kaibigan ko yung kaibigan niya na si Bibai kaya kahit papano eh napapalapit ako sa kanya. Ewan ko ba dun kay Bibai, madalas mang good time yun eh, na pansinin ko daw si Llorraine eh ako naman na torpe, ngingiti ngiti na lang. Baka isipin pa nun na FC ako. MaTURN OFF pa sakin.hahaha pero chance na yun eh. Sayang !
* * * * * * * * * * * *
LLORRAINE's P.O.V
Dumaan ang mga araw.. Unit Test sa iba't-ibang subject, submission of requirements, tas periodical exams. Regular school routines and activities. Aish- malapit na ang march, malapit ng graduation pero invisible parin ako sa paningin ni...... you know?! Paningin ni Landa.. kakasad nga eh. Simula nung elementary, crush ko na sya tas ngayong malapit na ang graduation INVISIBLE parin ako sa paningin niya. Sabi nga nila Sen, magconfess daw ako. HALA! Hirap nun ha?! Pero kelan kaya niya ako papansini? Yun bang siya yung unang magha-hi, tas ngingiti siya sakin.. Yun bang pinapansin niya ako gaya ng pagpansin niya kay Sen?!! Don't get me wrong, pero.... oh siya. Nagseselos na ako.. psh-
"ay kabayo!" kamuntik na akong matisod dun sa bato
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" -Arlyn,Alyssa, at Bai. Hayan na naman sila, halos lumuha kakatawa. REAL FRIENDS nga naman -.- xD
"hwag kasing managinip HAHAHA pag gising. HAHAHAHA"-Sen tas nagtawanan na naman sila. Papunta kami ngayon sa cultural gym para magdecorate. Dun kasi ang venue ng gaganaping JS Prom. Last practice namin kahapon at medyo excited na rin ako bukas kasi first day ang section namin tas kasama din namin ang IV-Burgos . Exciting diba?IV-Burgos po kasi ang section nila Landa kaya excited ako. Ahahaha
[pagkapasok namin sa C.G]
"ohhhh.. Si Landa"-Arlyn
"Saan?"- tanong ni Alyssa. Di kasi familiar ang fes ni Landa sa kanya eh