Bibai's P.O.V
"Sen sen sen! Si Landa!" tawag sakin ni Llorraine mula sa may hagdan. Ako naman na supportive bestfriend pumunta sa kinatatayuan niya at sinamahan siyang mag-abang sa crush nya.
"San siya?" tanong ko habang nagpalinga-linga.
".........." -sagot niya. wow. Ang dami niyang sinabi ha? -.-
Babaeng to, masyadong busy tumitig kay Landa. Mabatukan nga .
"Arayyyyy...aisshh." sabay himas nya sa ulo nya tas nagpout. Ai nakooo...
"Tinatanong po kita kung nasan-"
"sssssshhhhhh.. ayan na sya"
"BIBAI!" narinig ko ang tawag mula sa special class building at ayun nga, si Landa ang tumawag sa akin. Poor nana, di na naman siya pinansin. Ewan ko ba sa kanilang dalawa kung bakit di sila nagpapansinan. >.<
"oh? Hi " -bati ko sa kanya habang papalapit siya samin
". Wala kayong pasok?" tanong niya
"umm, mamaya pa. ikaw? Nagcutting ka noh?" biro ko. Haha
"oi. inutusan ako ni ma'am. Anong cutting ang pinagsasasabi mo?" depensa niya
Llorraines P.O.V
"Joke lang. 'to naman. Haha" sagot ni Sen kay Landa.. Oh, edi sila na ang friends. Sila na ang close, sila na ang magkakilala tas AKO na ang INVISIBLE sa paningin nya. bakit ba kasi di siya namamansin sakin? Si Sen na lang palagi ang pinapansin nya. Parang ang sarap tuloy niyang sigawan na" HEY LANDA! I EXIST ...yohooo!" pero syempre nakakahiya naman and doing that is definitely NOT MY THING . ^^
"sige alis na ako" paalam niya kay Sen
"okey. Bye " tas ayun, nagpalitan sila ng kaway . psh -.-
"sayo lang siya nagbabye tas sakin hindi" bungad ko kay Sen nung nakaalis na si Landa
"Edi sana nagbabye ka sa kanya. Pahiya-hiya ka pa kasi" yan! Lagi na lang ako napapagalitan nitong si Sen pagdating kay Landa. Kesyo may hiya-hiya effect pa daw akong nalalaman. Eh sa hindi ko talaga kayang pansinin si Landa eh. Alam niyo yung feeling na 'nauutal ka na nga, naninigas ka pa sa kinatatayuan mo'? Yun yung feeling ko pag nandyan si Landa eh. Daig ko pa ata ang taong naparalized >.<
"Pagiiing!!!! Llorraine on earth!" sarkastikong tawag pansin ni Sen sa'kin with matching kaway kaway in front of my face .
"ai hala. Sorry. Haha"-ako
"nangyari sayo?" matawa tawang tanong niya
"walaaa."-ako
"aa. Di ka pa papasok? Kasi mauuna na ako sayo, gagawa pa kasi ako sa physics ng assignment eh" di pa nga ako sumasagot, umalis na siya. Bastusan? Haha
"SEN!!" sigaw ko pero di naman ganun kalakas.
"ne? [yes?]"-siya
"pahiram ng confidence mo?!!!" nah. Kelan pa nahihiram ang confidence? Ako na baliw-.- tatawanan na naman ako neto
"HAHAHAHAHAHAHA" sabi na eh
"sabi ko na nga ba eh. HAHAHA pinoproblema mo ang pagpansin kay Landa. HAHAHAHA"-dugtong pa niya
"ewan ko ba kung bakit di ko sya kayang pansinin eh"
"kasi nahihiya ka. Oh eto, kakapalan ng lang ng mukha ko ang hiramin mo." Baliw talaga to.haha
"Sen naman ehhh :'("
"bakit na naman? Ayaw mo? Bahala ka eh. Hahaha" tas ayun iniwan niya ako mag-isa. Errrr---