Chapter 1

10 2 0
                                    

Roya

"Ma alis na po ako may exam kami ngayon",sabi ko kay mama pagkababa ko galing saking kwarto.

"Oh mag-almusal ka muna para may laman yang tiyan mo",sabi ni mama.

"Wag na ma malalate na ako doon nalang ako kakain",sabi ko at umalis na.

Mabuti nalang at walking distance lang ang bahay namin. Tumakbo na ako papuntang school dahil malalate na talaga ako. Pagdating ko sa school ay napabuntong hininga nalang ako. Ba't ba kasi ako nalate ng gising. Ngayon pa naman ang exam. Okay lang yan pagkatapos naman nito ay christmas break na kaya konting tiis nalang.

Agad akong pumunta sa classroom namin. Agad naman akong binati ng mga kaklase ko. Close ko silang lahat eh kahit yung mga boys. Di naman kasi kami tulad ng ibang section na may grupo grupo eh. Well meron rin kami ng mga normal group sa isang klase pero may unity parin kami. Sa amin ngang department eh kami ang pinakamaingay.

"Oh muntik ka ng malate ah 5 minutes nalang oh",sabi sakin ni Famela ang Vice President namin.

"Yeah,sorry naman nalate kasi ako ng gising",sabi ko at nilapag ang bag ko sa aking upuan.

"Alam ko na yan nagpuyat ka na naman sa kakapanood ng anime eh",sabat naman ni Zyeleen. Ang isa sa mga sassy girl sa aming klase pero wag kayong ano close kami niyan haha.

"Nakapagreview ka ba Roya?",tanong naman ni Brayns. Isa sa mga kaklase kong lalaki na mahinhin pero madaldal at chismoso.

"Syempre ako pa",buong kompyansa kong sabi.

"Woahhhh unity na yan",sigaw ng mga kaklase kong lalake sa pangunguna ng President namin. Lalaki kasi eh. Agad naman syang binatukan ni Famela.

"Ano ka ba Jaziel yan ka na naman sa mga kalokohan mo eh, di ka na naman nakapagreview no, patay ka talaga kay ma'am",sabi ni Famela at kinurot ng mahina si Jaziel. Tumawa naman ang iba naming kaklase.

"Hello guys nako muntikan na akong malate papunta na si ma'am nakita ko habang papasok ako dito",sigaw ng isa naming kaklase na kakarating lang. As always she's the late comer, syempre sino ba naman kundi si Faith ang matalik kong kaibigan.

"Oh classmates bilisan niyo na go back to the proper seats tayo!",sigaw naman ni Noven. Isa sa mga kaklase naming lalake na mahinhin.. You know what I mean.

Agad naman kaming umayos sa pagkakaupo. Dahil STE kami or star section one seat apart kaming lahat.

Bigla namang pumasok si ma'am dala ang mga test paper.

"Okay class goodmorning here are the test papers, I hope makakuha kayong lahat ng mga scores na nababagay sa section ito",sabi ni ma'am saamin. Hayss ito na nga ba ang di maganda sa section namin eh. Mataas ang expectations ng mga teachers namin samin. Lagi kaming naprepressure sa mga assignments, research, projects at ang mas malala pa nga ay ang mga performance task na pinagagawa samin. Dahil ba sa star section kami ay dapat talaga sukdulan ang pagbibigay ng mga yun?

Idinistribute na ni ma'am samin isa isa ang mga test paper.

"You can start now as soon as you receive the test paper",sabi ni ma'am samin. Nagsimula naman akong magsagot sa test. Pumunta naman si ma'am sa kanyang table sa likod at ginawa ang kanyang mga gawaing reports.

Nang naging busy na si ma'am ay nagsimula na ang plano namin. Haha they say it's cheating but for us it's unity. Nagsimula ng magsenyasan ang mga kaklase ko. Palagi nilang kinukulit si Jeannel ang first honor namin sa answers. Di yan mahilig makibahagi ng answers pero dahil sa kakulitan namin ay nahawaan na sya at kusa na syang nagbibigay. Kahit anong mangyari ay walang iwanan kami at walang laglagan.

"Psst..anong sagot sa number 3 test 2 sa fill in the blanks?",rinig kong tanong ni Jaziel kay jeannel.

"Ay ewan ko basta, di ko masabi dahil medyo mahaba baka mahuli tayo ni ma'am",sagot naman ni Jeannel sa pabulong na tono. See medyo madamot.

"Roya, anong answer sa test 4 number 8?",tanong sakin ni Emy. Sya kasi ang nasa kaliwa ko.

"Hmm International Rice Research Institute yung meaning ng Acronym na IRRI",sabi ko at iniwas agad ang tingin dahil sumulyap si ma'am samin.

"20 minutes left",paalala samin ni ma'am. Patuloy pa rin sa pagsesenyasanay ang mga kaklase ko hanggang sa matapos kami sa pag answer.

Agad naman kaming lumabas sa classroom pagkaring ng bell.

Agad naman kaming pumunta sa canteen kasi wala kaming second period nahospital daw si sir.

Buong section talaga kaming pumunta doon kasi kung saan ang isa doon ang lahat eh. Ewan ko ba stick together kami eh ahaha.

Anyway hindi pa pala ako nagpapakilala. So I'm Roya Isabella Reyes. Grade 10 STE, 16 yrs.old. Naniniwala sa dalawang salitang walang forever ahhaha.

"Guys magcarbonara nalang tayo",suggest ni famela samin. By group na kami sa kada table. Sa aming table ay ako si Noven, Jeannel, Faith,Cherrylen,at si Famela.

"Geh",pagsang-ayon ko.
Binigay na namin ang aming mga pera kay famela. Sya ang nagsuggest eh kaya sya ang bumili ahaha.

Pagkatapos naming magadvance recess ay napagpasyahan naming magkaklase na pumunta sa tambayan namin. Sa ilalim ng mangga sa likod ng guard house. Kahit medyo maingay kami ay di na kami sinita ni manong guard kasi nasanay narin sila samin. Umupo kami sa upuan na pabilog sa puno ng mangga ang iba namang hindi nakaupo ay umupo sa bato sa paligid. Dahil sa wala kaming magawa ay nagpatugtug ang mga kaklase ko ng mga music. Si Rachel ang nagpapatugtog ng mga kpop music. Kumakanta naman sina Zyeleen kahit mali ang tono at lyrics ng kanta. Sina Jaziel naman at Rhynheart ay nang-aasar kina JM at Aina. Crush nila eh ahha. Sina Emy naman at Abby ay nagkwekwentuhan. Panay naman ang hampas ni Emy kay Natalie habang nakikinig sya kinikwento ni Abby. Kawawa naman si Natalie puro pasa ang nakuha ahaha. Sina Joffrey naman at ang iba pang boys ay busy sa kakalaro ng COC. Ang grupo naman ni Audrey ay may sariling mundo sa gilid. Si Brayns naman at Noven ay nag-aagawan sa CP ni Natalie habang si Janine naman ay busy sa kakalaro ng wordscapes sa tablet ni Emy. Si Famela naman ay nagsasalita ng wala namang nakikinig at si jeannel naman ay todo review sa mga susubod na test namin. Si faith at Aia naman ay busy sa kakachat. Di namin inalintana na baka maconfiscate ang mga gadgets namin. Hindi rin kami nagrereview except kay jeannel dahil tiwala kami sa stock knowledge ahaha. Kahit STE kami ay may ganito rin kaming ugali ng mga estudyante. Mga pasaway ahaha.

May unity parin kami sa iba pang mga test na kinuha namin buong maghapon.
Masya kami kahit stress sa kaliwa't kanang mga test.

Pagkatapos ay nagharutan pa ang mga kaklase ko bago kami umuwi. Habang nakapila kami sa gate ay di talaga maiiwasan na ang ibang section or lower level na maghanap ng away samin. Pero kahit ganun ay pinipigilan parin namin ang mga sarili namin na pumatol sa kanila dahil pagagalitan kami ng mga teachers namin dahil role model pa naman kami. Pero kahit ganun wala paring iwanan kung may kaaway ang isa ay susurpotahan ng lahat. Wala naman silang magawa dahil dalawa sa klase namin ay mga SSG officers ahha. Para sakin ito ang the best na section.

May ngiti ako sa labi habang papauwi pero sana sinulit ko nalang na kasama ko pa ang mga classmates ko. Dahil di mo malalaman kung kailan ka mahihiwalay sa kanila. Dahil pagdating ko sa bahay ay di ko inaasahan ang pag-alis namin.

"Anak magimpake kana aalis na tayo para sa ikakabuti",sabi sakin ni papa.

Nagulat ako dahil di ko akalain na yun na ang huling pagkakataon na makakasama ko ang aking mga kaklase na bumuo sa aking pagkatao.

Di manlang ako nakapagpaalam sa kanila. Sana di nila ako makalimutan.

"Hanggang sa muli classmates",bulong ko nalang habang papalayo ang aming kotse patungo sa lugar kung saan di ko eneexpect na nageexist. Ang lugar kong saan ako nararapat. Ang lugar kung saan nagsimula ang lahat.

___________________________________

Credits to my classmates.
Sensya na wala akong maisip na pangalan eh ahaha.

First chapter done.!!

Pls. Vote..

My Handsome SwordsmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon