Chapter 3

11 1 0
                                    

Roya

"Nak ready na ba ang lahat?",tanong sakin ni mama.

"Yep",sabi ko at kinuha na ang maleta ko at lumabas ng kwarto.
Nakita ko naman sila sa sala na naghihintay sakin.

"So let's go?",tanong ni dad.
Napabuntong hininga nalang ako. This is it! New school here I come!

"Yeah",sabi ko nalang. Kinuha naman sakin ni papa ang maleta. Sabay kaming tatlo na lumabas ng bahay. Sinarado na rin ni papa ang gate at sinicure ang lock.

Pinasuot rin kami ulit ng mga coat ni mama.
Lalakadin lang daw namin papuntang school dahil medyo malapit lang daw at tsaka para narin makapagexcercise sila. Baka may almoranas na daw sila ahhaha.

"Wait ano na bang oras?",out of nowhere kong tanong. Pareho rin kaya ang oras dito at doon sa Manila?

"Tignan mo",sabi ni mom without looking at me. Naparoll eyes naman ako. Kinuha ko ang phone ko sa sling bag ko pero nagulat nalang ako dahil parang nakastock lang ang oras at hindi lumalakad. Inalog alog ko ang cellphone ko sa pag-aakalang natopak lang.

"Nak tama na yan kahit anong alog mo dyan di na yan gagana dito",sabi ni papa sakin.

"Hays ganun ba,sayang naman ng cellphone ko di ko manlang magamit dito",nakabusangot kong sabi.

Napatawa nalang silang dalawa sakin.

"So now paano ko malalaman ang oras at paano ko kayo makocontact dito kapag andun ako sa school",tanong ko.

"Ahh! Muntik ko ng makalimutang ibigay ito sayo",sabi ni mama at kinuha ang kamay ko. Isinuot niya doon ang isang singsing.

"Huh para saan toh! Lucky Charm?",tanong ko.

"Hindi noh!, look ganito yan gagana",sabi sakin ni papa at denimo sa harap ko. Iniswipe niya ang kanyang kamay sa ere at biglang may lumabas na parang hologram na square sa kanyang harap. Sa loob ng square ay doon na lahat ng informations tungkol sayo at ang oras, araw at iba pa. Parang cellphone lang hologram version ngalang.
"Here,dito ka magmemessage samin",sabi ni papa at pinindot ang massage icon sa left side. Biglang bumukas ang conversation box.

"See easy as that",sabi ni papa at pumalakpak.

"Eh paano to idisappear?",tanong ko.
"Swipe mo lang ulit at automatic na mawawala lang. Itong ring na to ang ngsisilbing censor sa bawat gestures ng kamay mo, parang controller ng hologram kanina gets!",paliwanag ni papa. Napatango tango naman ako.

"Try it nak",sabi ni mama. Sumunod naman ako agad. Iniswipe ko sa ere ang kamay ko at viola biglang lumabas sa harap ko ang hologram. Iniswipe ko ulit at nawala ito.

"Woah ang astig naman nito, I can get used to this",naaamaze kong sabi.

Iniswipe naman ni mama ang kanyang kamay sa ere at may lumabas ring hologram sa kanyang harapan. May kinalikot sya dun at biglang may lumabas sa harapan ko na hologram rin pero maliit lang. Isang friend request. Haha facebook lang.

May nakalagay na ganito:
🔴      🔵

The red one is reject and the blue one is the accept. Astig talaga nito.

"Tutal medyo maaga pa naman tara bili tayo ng mga kakailanganin mong gamit sa eskwelahan",sabi ni papa at hinila kami ni mama papasok sa isang mall. Wait what! MALL!.
Astig ah. Parang di halata. Pagpasok sa loob ay maraming advertisement na hologram na lumulutang sa paligid. Madami ring mga tao doon na naglalakad lakad. May iba rin akong nakita na kasing edad ko na nasa isang mini arena na nagduduel gamit ang espada at iba pang armas. Woahh..kakaiba!

My Handsome SwordsmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon