Chase's Pov
"Hooy! Nakita ko mommy mo sa magazine!"
Mabilis ko lang nilag pasan ang batang kasing edad kong humarang sakin. As if naman may pake ako? Ang gusto ko lang ay makitang nakangiti ang Mommy ko, hindi 'yung ganyang bagay.
"Sungit sungit mo! Gwapo ka lang e!"
"Sinabi ko ba kasing kausapin mo ko?" malamig na tugon ko dito pero umirap lang ito sakin.
Cute...
Damn! I'm just six years old for goodness! Pero ang mature ko. Even my mom, para ako ang matanda saming dalawa.
Mabilis na kong pumasok room namin at umupo sa dulo. Hindi porket sa dulo ako umuupo ay wala na kong kwenta. Mas gusto ko lang dito dahil tahimik at malaya ko nagagawa ang gusto ko. Pumasok na ang teacher namin na masungit habang may hawak hawak na class record. Pero tamad naman mag turo, pero buti nalang mataas ang marka ko. Kung hindi napingot na ko ng Mommy sa tenga.
"Good Afternoon, Grade one."
"Good After noon Teacher."
"We don't have class today! Masyado tayong ma swerte dahil tayo ang isa napili ng mga Alvarez sponsoran ng eskwelahan natin! At may program tayo para sa kanila. Kaya pwede na agad kayong lumabas! May mga free taste at iba pa dyan, labas. Pwede kayo mag laro! Sulitin nyo na ang araw na to dahil may test na kayo next week."
Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko. Nilabas ko ang libro ko sa science at tulad nila ay iniwan ko iniwan ko din ang gamit ko sa loob. Lumabas ako at inikot ko ang mata ko, nag hanap ako ng lugar na hindi matao.
So, he's here?
I'm so excited to see him. I'm not mad at him, dahil bawal ako magalit sabi ng Mommy ko. Wag na wag daw ako mag tatanim ng galit sa kapwa lalo na't sa kadugo ko. So, sinusunod ko s'ya.
Napangiti ako ng makakita ako ng isang lugar na hindi gaano karami ang tao. Mabilis ako nag lakad don kahit may humaharang at bumabati sakin. Nang makarating ako dun ay agad kong binuksan ang libro ko at nag basa ng tahimik.
Damn! Thanks my mom. Lagi n'ya kong tinuturuan pag may oras, hindi man ako mabilis mag basa pero marunong na ko mag basa.
Tahimik lang ako nag babasa kahit nakakarinig ako ng maingay. "Hi Kiddo." hindi ko alam kung bakit bumilis ang tibok ang puso ko dahil sa bumati sakin.
Binaba ko ang libro ko at tumingin sa lalakeng nasa harapan ko habang naka suot ng isang tshirt na pinatungan ng leather jacket.
I smirked.
Mainit tapos naka jacket pa.
"Ano binabasa mo?"
"Science." simpleng sagot ko dito.
"Why aren't you joining them?" he asked again.
"Because i don't want." malamig na tugon ko.
I'm not mad but i'll treat him like this.
"How old are you?"
Oh no, Daddy. I'm your son.
"I'm busy. Can you leave me alone?" ngumisi ito sakin at hindi tinitigan ko lang sya.
"Ayoko."
"Then don't. Hindi kita pinipilit."
Mabilis akong tumayo para umalis don pero agad nyang hinawakan ang damit ko. Humarap ako sa kanya at tinignan s'ya ng masama. "What are you doing?"
"I'm just want to know you." simpleng sagot nito.
"For what?"
"Gusto mo ba pag aralin kita? I'll give you what you want."
![](https://img.wattpad.com/cover/130854115-288-k398559.jpg)