"Bea, Bea de Leon."

3.5K 42 1
                                    

Jhoana.

"Good morning ate!!! Gising kana po! Papasok pa ako, ikaw den po mag aaral kana ulit! Kaya gising kana ateeeeee" panggigising sakin ng kapatid kong si Jaja.

Napaka kulit talaga nitong batang to.

"Opo opo gigising na si ate, maligo kana at mag pprepara na ako ng pagkain :)" Nakangiti kong sabi sa kapatid ko. Agad naman siyang nagtungo sa banyo.

Halatang excited ang kapatid ko pumasok. Napa iling nalang ako.

Gaya ng sabi ko, nag handa na ako ng makakain. Isang tinapay lang naman at may palaman na keso. Nag handa na din ako ng dalawa pa para tag isa kaming babaunin.

Kahit ganito ang sitwasyon namin, naiintindihan naman ng kapatid ko hindi sya kagaya ng ibang bata.

"Tapos na ako ate!" Masayang sabi nya at naka ready na para pumasok.

"Oh, ganda ganda naman ng kapatid ko manang mana sa ate nya. Kumain na muna tayo ja, tapos ihatid na kita sa tricycle" umupo naman na ang kapatid ko sa upuan.

Kukuha na sana sya ng tinapay ng pigilan ko sya.

"Magdasal muna ja." Sabi ko at nag peace sign naman sya.

"The name of the father the son and the holy spirit amen." Sabi namin ng matapos kaming magdasal.

Mabilis naman syang natapos, kaya inihatid ko na sya sa tricycle.

"Paalam ate! Kita tayo mamaya I lab yu!" Sabi nya at kumaway. Napaka sweet talaga ng kapatid ko.

"Ingat kapatid. I lab you tu!" Sabi ko din.

At bumalik nako sa bahay para mag ayos, pag tapos ay lumabas na ako at nagtungo sa school.

Fastforward--

Ang laki naman ng university na to'. Mukang maliligaw pa yata ako.

"Ahh!" Napa aray ako dahil may bumangga saakin.

"Tatanga tanga naman kasi, di ka naman siguro bulag di ba? Para kang tanga, ay hindi tanga ka pala. First time first time maka pasok sa university nato? Tsss." Mayabang na sabi ng isang babaeng matangkad, maputi singkit at maganda. Pero ang sakit naman magsalita nito.

Gusto ko sanang sabihin na "gago ka pala eh ikaw nakabangga sakin" kaso baka matanggal ako sa scholar.

"Sorry miss. Di ko sinasadya" paumanhin ko kahit labag sa kalooban ko alangalang nalang sa scholarship ko.

"Sorry? Nakakawala ba ng katangahan yang sorry mo!?" Aba! Nag sorry na nga ako kahit di ako yung may kasalanan eh! Ang arte pucha!

"Hindi. Kung ayaw mo ng sorry ko, edi wag." Matapang na sabi ko. Nakakapikon na e

"Hindi mo bako kilala?" Nanliliit ng mata na sabi nito.

"Muka bang kilala kita? Ikaw yata tong tatanga tanga eh" sabi ko sakanya. Kala nya papayag ako na api-apihin lang. Ts.

"What did you say!??" Aba ang Arte talaga! May pa english pa!

"Di ka naman siguro binge di ba?" Panggaya ko sa sinabi nya saakin kanina.

"Uy stop it. Pinagtitinginan na tayo, let's go." Pang aawat ng kasama nyang boyish ang porma pero maganda.

"Were not yet done!" Sigaw nito at nginitian ko nalang ng pang asar.

"Miss? Sorry sa inasta ng kaibigan ko ha? Ganun talaga yun e, kala nya kung sino sya. Nakahanap din sya ng katapat nya" sabi nitong kasama nung babae kanina.

"Di ka galit?" Takang tanong ko

"Bakit naman ako magagalit?" Sabi nya naman

"Kasi di ba ginanun ko yung kaibigan mo"

"Tsk. No, tama lang yun. Sobra na din kasi yung isang yun eh" sabi nya.

"Nakakainis lang kasi e kung makasabi ng tanga feeling nya kilala nya ko. Kabwisit eh" naiinis na sabi ko.

"Pero reminder lang ha, di mo kilala ang kinalaban mo."
Huh?

Magsasalita na sana ako ng mag bell na means na start na ng klase.

Iniwan nya akong nagtataka. Hays, Ewan. Mamaya ko nalang iisipin yan late nakooooo!

------
"Class Dismissed!" Okay, kahit nakakaboring kailangan ko makinig dahil para sa kinabukasan namin ng kapatid ko to.

"Sabay tayo mag lunch?" Aya sakin nung babae kanina.
Oo, magkaklase pala kami at ng mga katropa nya.

Makatingin nga sakin yung singkit na yun eh, mawawalan na ng mata HAHAHA.

"Wag na. Nakakahiya naman, tska may baon ako" pagtanggi ko kasi kahit may pera ako, pang isang linggo na namin ng kapatid ko to

"Sabay nalang tayo kumain, anong baon mo?" Iba sya sa mga katropa nya ha, ang bait nya compare sa mga kaibigan nya.

"Ahh.. Ano, eto oh" nahihiyang sabi ko. Pero imbis na matawa sya gaya ng inaasahan ko, sabi nya lang ay,

"Ano palaman nyan? Mukang gusto ko yan hehe, Tara sa cafeteria mo na kainin yan" iba talaga sya eh. Parang feeling ko komportable tuloy ako sakanya.

Aalis na sana kami ng biglang may sumigaw kaya Napa tigil kami.

"Deanna!? Ano? Ur not going with us this lunch dahil sasama ka sa tatanga tanga na yan!? Ugh!" Sya yata yun, so Deanna pala pangalan nya. Pero ouch sakit ng tatanga tanga ha! Pangalawa na yan.

"Stop calling her tatanga tanga coz she's not!" Inis na sabi ng katabi ko.

"What!? She's tatanga tanga kaya! Go with us!" Mala kumander na sabi ng singkit na to. Puta pigilan nyoko, pangatlong beses na!

"Uhm miss? Excuse me ha? Hindi ako tatanga tanga dahil ikaw yun, ikaw ang nakabangga sakin kanina dapat nga ikaw ang nag sorry di ba? Mga tao nga naman ngayon" mahinahon na sabi ko sakanya.

"You stupid shut up! I'm not talking to you!" Aba tangina na! Ngayon stupid naman!

"Gago ka pala eh! Ako yung sinasabihan mo ng kung ano ano, tapos sasabihin mo shumat up ako!? Eh ikaw yata tong tatanga tanga talaga!" Wala na eh. Puno nako.

Narealize ko na ang dami na palang naka tingin saamin dito at nagbubulungbulangan. Pero bakit ako mahihiya? Wala naman akong masamang ginagawa.

"You better research about me miss." Maangas na sabi nya at umalis na, sumunod naman ang mga katropa nya.

"Tinitingin tingin nyo dyan!?" Sigaw Ni deanna sa mga tao, agad na umalis ang mga mata ng tao saamin.

"Anong ibig sabihin nyo?" Nagtataka na talaga ko e. Kanina si deanna na di ko daw kilala kinalaban ko ngayon sya na.

"Let's talk about this sa cafeteria, gutom nako e" bakit parang kalmado sya?

---
@Cafeteria 3:06pm

"Ano na?" Sabi ko sakanya.

"Okay. Wait. Ganto kasi yun"

"Mommy nya ang may ari ng school na to--"

"Ano!??" Nagulat ako, at di sya pinatapos. Tangina!! Ano na baka mawala yung scholarship ko😭

"Wait lang kasi bago react let me finish." Tumango nalang ako.

"Ayun nga, and to know na scholar ka pala, at mommg nya ang nagpapaaral sayo. Kinakatakutan man kami dito sa school, mas kinakatakutan sya kasi pinaparusahan nya ang sino mang tatanga tanga na to know na kahit sya ang may kasalanan, pero I don't know why she didn't punished you. Pero please, mag ingat ka sakanya she's different." Bigla akong nahimasmasahan sa mga sinasabi ko. Ugh, jhoana. Anong nagawa moooo!?

"Anong pangalan nya?" Tanong ko.

"Bea, Bea de Leon."

Chapter 1 done! ✔

You Changed Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon