Girl of my Dream

11 0 0
                                    

Chapter 13

Kumalas sa yakap si jayson kay karen at dinala niya ito sa paborito nilang upuan sa may hardin nina karen.

"kar may ipagtatapat ako sayo, sana hindi ka magalit sa akin." Wika ni jayson na parang gusto ng binata himatayin na siya sa mga oras an iyon.

" sorry kanina kung nasaktan kita" pagpatuloy ni jayson kay karen hindi parin umimik ang dalaga nakinig lang ito.

" hindi ko naman iyon sinadya hindi ko akalain na masaktan ka sa ganoon, ayaw ko magalit ka sa akin kar,  kaya gagawin ko ang lahat maging maayos lang tayo" dahang dahan na rin ipagtapat ni jayson ang naramdaman niya sa dalaga.

" ayaw ko isipin mo traydor akong kaibigan pero hindi ko na matiis kar, dito ko lang ang sinunod ko" wika ni jayson sabay turo sa dibdib niya kay karen.

Gusto narin sumigaw sa tuwa ang dalaga sa pinahayag sa kanya ni jayson pero nagtimpi siya.

" kar isipin muna ang lahat pero  minahal na kita noon pa man kaya nga hindi ka nagkaroon ng nobyo dahil hinarangan ko sila ayaw ko mapasa iba ka!" usal ni jayson kay karen pero di parin kumibo si karen tumingin lang ito kay jayson.

" kar mahal na mahal kita you’re my girl of my dream! Ikaw ang pinapangarap ko makasama habang buhay, alam ko wala akong puwang sa puso mo dahil kaibigan lang turing mo sa akin!" sambit ni jayson kay karen.

" jay, my nobya kana at kaibigan ko rin si trixie at isa pa may nobyo na rin ako" paliwanag ni karen sa binata.

Hindi umimik si jayson bigla niya siniil ng halik si karen nagpaubaya lang si karen hanggang naging malalim  ang halikan na iyon gumanti na rin si karen sa halik ng binata at naging maalab ang halik na iyon.

Pero natigil ang halikan na iyon ng itinulak ni karen si jayson.

" how dare you! Na halikan mo ako! Akala ko ba kaibigan ang turing mo sa akin bakit ngayon naiba na ang takbo" naluluhang sambit ni karen sa binata.

" look karen sampalin mo ako! Kung iyon ang kabayaran sa lapastangan ko sayo pero minahal kita higit pa sa akala mo!

Ang sakit ng nadarama kong ito ngayon, hindi nangahulugan na bawasan ang laman ng puso ko, kaya kahit anong gawin mo ipagtulakan mo ako papalayo sa puso mo! didikit at didikit ako  na parang rugby kung mas may madikit pa diyan iyon na ang gagamitin ko para hindi ako  makalayo sayo! Tandaan mo hindi ko lalagyan ng karapatan ang sarili ko para sakta ka!" wika ni jayson sa kanyang naramdaman kay karen.

Laglag ang balikat ng lalaki lumisan sa lugar na iyon iniwan niya si karen natulala.

Gusto ni karen habolin ang lalaki pero baka magmukha siyang tanga para sa lalaki.

" kung talagang mahal mo ako jayson hindi ka bibitaw" usal ni karen na umiiyak na rin siya.

Mahal ni karen si jayson pero bakit hindi rin niya kayang itapat ang tunay niyang naramdaman.

Naaawa siya kay trixie kaibigan niya rin si trixie mas gugustuhin niya pa isakripisyo ang nararamdaman gagawin niya huwag lang siyang makasakit ng damdamin ng iba.

" sana maintindihan mo ako jay! Minahal na rin kita pero huwag muna ngayon" sambit ni karen sa sarili wala na si jayson sa harap niya pero ito siya nalulungkot.

Samantala si jayson nagmamadali umuwi sa bahay nila gusto niya lunurin sa alak ang kanyang sarili dahil nahihiya siya kay karen.

Bakit niya iyon nagawa na halikan si karen. Baka sinuklaman na rin siya ng dalaga.

Pagpasok ni jayson sa kanilang bahay dumeretso agad ito sa mini bar nila at nagsalin ng alak sa kopita walang pangundangan sa pag inom si jayson gusto niya maglasing nasaktan siya masyado

Nakita siya ng kanyang mama pero hinayaan nalang ito ang anak

Alam ng mama ni jayson na pag ibig ang problema ng kanilang anak.

Saka na niya kausapin kong hindi na kaya ng anak ang naramdaman sa dalaga.

Habang si karen pumasok na rin ito sa bahay at dumeretso agad siya sa kwarto isinubsob agad ang mukha niya sa unan.

Mali ba ang nagawa niya kay jayson? Bakit hinayaan lang niya ito umalis

" oh shit! Ka jayson! Bakit pa ikaw ang lalaki minahal ko ng ganito!" pagmumura ni karen sa sarili

" bakit diko maamin sayo! Bakit! Bakit! Bakit! Pinaghahampas ni karen ang unan iyon nalang pinagbuntonan niya ng galit.

Lasing na si jayson ng madatnan ng kanyang ama. Uminom din ang kanyang ama ng dalawang shot bago kinausap ang anak.

" Anak! Kung talagang mahal mo siya ipaglaban mo ang iyong naramdaman sa kanya,  huwag ganitong paraan anak! Pangaral ni mang jose sa anak nito.

" pa! all my life siya lang ang babaeng mahal ko ng ganito! Ipinagtapat kuna sa kanya pero hindi siya naniwala sa akin" wika ni jayson na gusto na rin umiyak sa harap ng ama niya.

" nak ganyan talaga ang mga babae hindi agad aamin sa naramdaman nila may pakipot pa nalalaman, pero suyuin mo ulit nak huwag ka huminto kung talagang mahal mo siya." Bigay lakas loob ng kanyang ama sa kanya.

Napabuntong hininga si jayson sa sinabi ng kanyang ama malaking pasalamat siya mababait ang kanyang mga magulang at nakakaintindi sa kanyang naramdaman.

Mahal niya si karen ayaw niya ito mawala sa kanya. ngayon paba siya susuko na naipagtapat narin niya ang kanyang naramdaman..

Abangan nalang natin kung hanggang kailan magmatigas si karen sa kanyang naramdaman

Girl of my DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon