Girl of my Dream

31 0 0
                                    

Chapter 21

" dear huwag kanang umiyak" pag alala ni jayson kay karen na parang kinurot ang kanyang puso makita ang babaeng umiiyak

Mahal nga talaga siya ng dalaga kaya sana magtagumpay ang operasyon sa kanya bukas.

" dear hindi ko lang mapigilan ikaw kasi eh inutusan mo pa ako kakanta kaya hayan tuloy naging emosyonal na ako" sagot ni karen kay jayson.

" dear pwede kana mag artista iyakin ahahahahaa" biro ni jayson ayaw niya maging malungkot ito kaya dinadaan nalang niya sa pagbibiro.

" oh ganoon!" sabay kiliti ni karen sa kilikili ni jayson at dumating naman si aling azon galing sa pantry nagpainit ng pagkain madaling araw pa iyon. Pinakain na nila si jayson dahil sabi ng doktor dapat hindi busog ang pasyente kapag operahan hayaan muna ngayon kakain pero pagdating ng ala sais ng umaga dina pakainin kahit ano pa ang pasyente dahil sa tanghali ang operasyon nito.

Sinusubuan ni karen si jayson magana ang binata sa pagkain pati siya nakikikain narin dahil pinipilit din siya ng lalaki kumain.

" nak mamayang umaga uuwi muna ako sa bahay may aayosin ako at dalhan na rin kita ng damit mo" wika ni aling azon kay jayson

Tumango lang si jayson nakisuyo naman si karen na sabihan ang mama niya padalhan siya ng damit dahil hindi muna siya uuwi hanggat hindi pa maoperahan si jayson.

Natapos kumain si jayson nagkwentuhan na naman sila ni karen ipinapangarap ang magkaroon sila ng masayang pamilya magkaroon sila ng dalawang anak lalaki at babae.

Hindi na naisip ni karen ang sakit ni jayson sa mga sandaling iyon puno ng pag aasam na makaharap niya ang lalaki sa dambana.

" dear kapag nakasal na tayo ako na siguro ang pinaka masayang lalaki sa lahat" saad ni jayson kay karen

" ako din sobrang saya ko siyempre ikakasal ako sa lalaking minahal ko buong buhay" masuyong wika ni karen sa binata.

" diko akalain na maging tayo dear" sabi ni jayson kay karen

" bakit?" tanong ni karen sa kasintahan nito.

" akala ko wala kang pagmamahal sa akin, alam mo simula pagkabata ko ikaw lang pinapangarap ko maging asawa ko" usal ni jayson sa nobya.

" kaya ganoon nalang ang concern ko sayo lahat ng lalaki manligaw sayo hinaharangan ko para lang walang manligaw sayo hehehehee" pagtatapat ni jayson.

" hmmmp kaya pala nagagalit ka kapag may lalaki lalapit sa akin din ikaw naman matinik sa chicks walang sinasanto!" kunwaring inis ni karen.

" dear ginawa ko lang iyon manligaw sa ibang babae dahil ayaw ko malaman mo na nagkagusto ako sayo" paliwanag ni jayson sa babae.

" kaya pala yong manliligaw ko ang sabi sa akin takot daw sila sa akin lalapit dahil may nakaharang daw na hegante! Ikaw pala ang tinutukoy nila!" sabay hila sa tungki ng ilong ni jayson at natatawa naman ang lalaki sa ginawa ng dalaga.

" dear pahinga kana matulog na muna tayo halika dito kasya tayo sa higaan na ito" sambit ni jayson sa binata.

" okey pero dito na ako sa bangko katabi mo okey na sa akin ang ganito" sagot ni karen sa binata.

Pinikit ni jayson ang mata niya ang akala ni karen natutulog na ang binata kaya yumuko nalang siya para matulog

Nang maulinigan na ni jayson nakatulog na ang dalaga bumaba siya sa kanyang higaan binuhat niya ito pinahiga sa higaan niya malaki naman iyon kaya magkasya silang dalawa doon.

Magaan lang ang dalaga 45kls lang ang bigat nito madali lang para sa kanya buhatin.

At saka pa siya natulog para malakas siya sa operasyon. Lalaban talaga siya para sa dalaga ayaw niya ito iwan tutuparin niya ang kanyang pangako sa minamahal.

Nagising si karen ng alas singko nakatabi na siya kay jayon kaya nagmadali siyang bumangon baka makita pa sila ng doktor baka pagalitan pa sila.

Tamang tama nakababa na siya dumating ang nurse mag check up sa blood pressure ni jayson kaya ginising niya si jayson.

Pinapaalala ng nurse na hanggang ala sais lang kakain si jayson para sa operasyon kailangan fasting ito.

" dear gusto mo ng gatas bilhan kita sa labas " tanong ni karen sa nobyo.

" okey dear pero mag ingat ka ha parang madilim pa ata ngayon sa labas." Sagot ni jayson sa dalaga

" no dear hindi ako lalabas diyan lang sa may pasilyo may nakita ako coffe shop diyan." Wika ni karen sa binata

" okey dear akala ko lalabas ka" saad ni jayson kay karen at nagising na rin si aling azon kaya nag ayos na ito sa kanyang sarili para uuwi muna at babalik siya mamayang alas nuwebe kukuha ng gamit para kay karen at mag withdraw ng pera sa bangko para sa operasyon ng binata.

" nak lakasan mo ang loob mo huwag kang bibitaw" wika ni aling azon kay jayson na maiiyak na rin sana

" ma! Huwag na po mag drama hehehehee" biro ni jayson sa ina nito dahil ayaw niyang makita iniiyakan siya nito kaya napatawa nalang si aling azon sa anak niya

" kahit kailan anak hindi ka parin magbago sa kapilyohan mong iyan" wika ni aling azon nakangiti na sa binata.

" ma naman mabait kaya ako! At gwapo pa!" biro ni jayson sa ina sabay kindat nito.

Natatawa na si aling azon sa biro ni jayson sa kanya kung wala lang nakasabit na dextrose kay jayson tiyak hindi ito mapagkamalan na may sakit andoon parin ang sense of humor ng binata na hindi ito makita sa pagmumukha na malungkot dahil sa karamdaman ang lakas ng loob.

Fight jayson huwag mo ako iwaaaaaannnn heheheheheee

Girl of my DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon