Girl of my Dream

18 0 0
                                    

Chapter 20

" anak uwi muna tayo balik ka lang bukas dito" sabi ni aling mina sa anak. Pero ayaw ni karen uuwi gusto niya siya ang magbantay kay jayson ng buong magdamag.

" ma! Huwag na po kayo mag alala uwi na po kayo dito na ako kay jayson hindi ko po siya iiwan" malungkot na wika ni karen sa mama niya.

" nak hindi kapa kumain baka mapaano ka niyan baka magkasakit ka!" pag alala ni aling mina sa anak.

" ma! Wala po ako ganang kumain kakain lang ako kapag nakita ko si jayson magaling na!" pagmamatigas ni karen sa mama niya.

" nak! Kumain ka muna kahit konti may dala ako diyan lagyan mo ang sikmura mo kahit konti huwag ka mawalan ng pag asa hindi tayo iiwan ni jayson." Wika ni aling azon kay karen.

Tumalima naman sumubo si karen ng konti gutom na rin siya pero sadyang wala siyang gana.

Nakatatlong subo lang siya hininto na niya ang kanyang pagkain.

" nak paano ka niyan lalakas kapag ganyan lang ang kain mo! Alam mo ba ayaw ni jayson ang magkaganyan ka!" pangaral ni aling mina sa anak.

" ma, wala po akong gana kumain" at umpisa na naman tumulo ang luha niya.

" sige na mare kami na maiwan dito ni karen sa hospital samahan kuna rin siya dito para may alalay siya kapag magising si jayson.

Umalis na ang mama ni karen at papa ni jayson. Naiwan sina karen at mama ni jayson ang magbantay sa binata.

Nakaupo si karen sa tabi ni jayson na hinahawakan niya ang kamay ng binata pinisil pisil niya pa ito.

Hindi namalayan ni karen nakatulog pala siya nakayuko ang ulo at nagising si jayson pinagmasdan niya ang kanyang kasintahan. Ayaw niya ito iiwan lalaban siya gusto niya makasama habang buhay ang dalaga.

" Bro hinihiling ko po sa inyo huwag mo sana ako kunin pa sa ngayon gusto ko pa makasama ang babaeng mahal ko" dasal ni jayson sa panginoon . at tumulo na rin ang namuong luha sa kanyang mata.

" patawarin nyo po ako kung anuman ang nagawa kong kasalanan sa inyo" taimtim ni dasal ni jayson. At nagising si karen tumingin agad ito kay jayson dali naman pinahiran ni jayson ang kanyang luha.

" dear ko gising kana pala " saad ni karen naghihikab pa ito dahil inantok pa.

" uu dear ko ito masaya dahil nakita kita" biro ni jayson gusto niyang maging matatag si karen.

" dear kahit may sakit kana makuha mo pang magbiro" usal ni karen nalulungkot na naman ito dahil sa kalagayan ng binata.

" dear kahit anong pagsubok darating sa buhay natin kailangan natin matatag at tanggapin natin ito ng maluwag sa kalooban dahil kagustuhan ito ng buong maykapal " wika ni jayson sa dalaga at umpisa na naman umiyak si karen sa sinabi ng lalaki sa kanya.

" dear ipangako mo sa akin na lalaban ka bukas sa operasyon mo" usal ni karen sa nobyo nito.

" pangako dear hinding hindi kita iiwan dahil mahal n mahal kita " at hinalikan pa ni jayson ang kamay ng dalaga.

Habang ang mama ni jayson nakaiyak nakamasid sa dalawa huwag sana mawala ang anak niya.iyon ang nausal ni aling azon nilapitan niya ang dalawa.

" mga anak gusto niyo bang kumain ipa init ko itong pagkain dala ko kanina." Tanong ni aling azon sa dalawa.

Ngumiti si jayson " ma sige po dahil nagutom ako bigla dahil  sa kagandahan ng prensesa ko " usal ni jayson sa nanay niya at masuyong pinisil pisil ni jayson ang pisngi ng dalaga.

Lumabas si aling azon bitbit ang plastik ang laman pagkain makisuyo siya sa pantry para ipa init ang pagkain.

" dear huwag ka mag alala malalampasan ko ang operasyon bukas hiniling ko na kay Bro." wika ni ni jayson kay karen pero andoon parin ang pag alala ni karen kahit ganoon na ang pag bibigay lakas ni jayson.

Natakot siya kung anong resulta ng operasyon bukas. "What if kantahan mo nalang ako dear" paglalambing ni jayson kay karen.

" naku dear wala dito ang gitara andoon sa sasakyan mo" sagot ni karen sa binata

" kahit walang gitara mas maganda nga iyon eh dahil maririnig ko ang boses ng prinsesa ko na kay sarap pakinggan sa taynga sobra,  gagaling ako agad niyan ahahahaha" biro ni jayson.

" sabihin mo hindi mo gusto boses ko!" sabi ni karen kay jayson

" naku dear kahit boses palaka kapa gustong gusto ko ahahahaha!" sagot ni jayson habang natatawa sa dalaga.

" sige na nga kantahan kita kahit ano ha" wika ni karen

" dear teka may kanta ba kahit ano?" tanong ni jayson nagbibiro sa dalaga.

" what ever nyahahahaha" ganti ni karen sa lalaki at .nawala ang pangamba ni karen dahil sa pag bibiro ni jayson sa kanya at inumpisahan narin niya ang pagkanta.

Minsan madarama mo kay bigat ng problema

Minsan nahihirapan ka at masasabing di ko kaya

Tumingin ka lang sa langit baka sakaling may masumpungan

O kayay akoy tawagin malaman mo kahit kailan

Hawak kamay di kita iiwan sa paglalakbay

Dito sa mundong walang katiyakan

Hawak kamay di kita bibitawan sa paglalakbay

Sa mundo ng kawalan..

Pumalakpak si jayson kay karen dahil maganda talaga ang boses ng dalaga kahit walang gitara gamit pero marunong dumala sa kanta si karen.

" dear ang galing mo! Tiyak makarecover ako sa operasyon ko bukas promise" wika ni jayson kay karen pero ang dalaga tumulo na naman ang luha niya paano nalang kapag mawala sa kanya si jayson parang hindi ata niya makaya.

Girl of my DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon