Kabanata 1.

1K 20 8
                                    

Kabanata 1.

"HINDI pa rin ba dumarating ang groom?" Natatarantang tanong ni Olivia, ang bading na wedding coordinator nila.

"Oh my god, hindi na yata siya sisipot!"

"Kawawa naman si Ma'am Kassandra."

Ilan lang 'yan sa mga naulinigan ni Kassandra habang nananatili siyang nakayuko sa loob ng bridal car at nilulukot ang suot na traje de boda.

"He can't make it anak." anang mommy niya na nasa tabi niya at hinawakan siya sa braso.

Tiningnan niya ito ng may pilit na ngiti sa labi. "Dadating siya mom. Let's just wait for him please..."

Her mom sighed and nodded. She saw her dad outside the church. Mukhang hindi nito alintana ang umuugong na bulungan ng mga bisita na pawang mula sa altasosyedad at ang iba ay sikat na tao.

May mga ilang reporters rin na mula sa mga kilalang magazine na mommy niya mismo ang nag-imbita para lang I-cover ang kanyang kasal.

Matagal niyang hinintay ang araw na ito. Ang araw na maisusuot niya ang traje de boda na gawa ng isang sikat na designer at ikakasal siya sa lalaking mahal niya.

Kaya't hindi pa man sumisikat ang araw kanina ay nakahanda na siyang salubungin ang mga mag-aayos sa kanya. Ni hindi nga yata siya nakatulog sa excitement.

She was stunningly gorgeous with her vintage wedding dress that showed only a little of her skin. Dahil ayaw ni Drake na masyadong revealing ang suot niya.
Her hair was simply fixed into a messy bun and her make up just emphasized her facial features. She has a fair complexion kaya hindi masyadong halata ang make up at nag-mukha lang 'yong natural.

Habang papunta sila sa simbahan na pagdarausan ng kasal ay hindi siya mapakali dahil sa kaba at pagkasabik na nararamdaman. Pero ngayon ay unti-unti siyang nilalamon ng pagtataka dahil sa hindi pagsipot ng nobyo. Nag-aalala na siya dahil baka may nangyari na rito. Hindi na rin ma-contact ni Olivia ang phone nito.

Naghintay pa sila ng ilang sandali hanggang sa unti-unti ng nagsialisan ang mga dismayadong guests. Siguradong magiging laman ng balita at mga diyaryo ang nangyari ngayon--- na ang isa sa anak ng multi-billionaire na si Yvo Montearevalo ay hindi sinipot sa mismong kasal nito. Pero wala siyang pakialam doon. Ang gusto niya ay malaman ang dahilan ni Drake kung bakit hindi siya sinipot nito.

"Let's go." Madilim ang anyo na saad ng daddy niya nang makalapit sa kanila.

Hindi na nito hinintay ang sagot nila at nauna na ito sa sasakyan na gamit. Kasunod nito ang nakababata at nag-iisa niyang kapatid na si Kane na tiningnan lang siya ng may bakas na awa. Gano'n din ang mommy niya nang sulyapan niya at gagapin ang palad niya.

Pinigil niya ang luhang nagbabadyang tumulo at dahan-dahang tinanggal ang kamay ng ina.

"H-hahanapin ko po siya mommy..." Lumabas siya ng bridal car at tinungo ang isa sa service car nila na bakante. Inagaw niya ang susi sa driver at pinaharurot 'yon.

Hindi niya inalintana ang sigaw ng mommy niya. Nang makalayo ay saka lang niya hinayaan na dumaloy ang masaganang luha mula sa mata niya.

Kinuha ni Kassandra ang phone sa loob ng purse niya at tinawagan ang numero ni Drake.

'The number you have dialled is either unattended...'

Makailang ulit pa niyang tinawagan ang numero ng nobyo pero sa huli ay dismayado siya kaya't ibinato niya ang cellphone sa kung saan at pinabilis ang pagharurot ng sasakyan.

Nang makarating sa pupuntahan ay dali-dali siyang umibis sa sasakyan,inayos ang sarili at nag-doorbell sa magarang gate ng mga Sevilla.

Pinagbuksan siya ng isang security guard. Kilala na siya dito kaya dire-diretso siya pagkabukas ng gate pero hindi pa man siya nakakatapak sa front porch ay bigla na siya nitong pinigilan.

To Love Again [Completed](#wattys2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon