Kabanata 4.

608 13 8
                                    

A/N :

Edited. Basa na! ♥

Kabanata 4.

"KASS, do you really have to be gone for a year?" Kunot-noong tanong ni Kane habang pinapanood siya mag-impake ng gamit.

Tapos niya nang ayusin ang mga dapat niyang i-settle sa kompanya. Ngayon ay ang sarili niya naman ang aayusin niya.

"Yes, I'm sorry if I didn't tell you about this but I really need to escape... from everything." Pabulong niyang sambit sa huling salitang binitawan.

"Hindi ka pa rin ba nilulubayan ng Sevilla na 'yon ha? I will file a restraining order against him if you want?"

Umupo siya katabi ang luggage at itinuloy ang pagtutupi ng damit saka bumuntong-hininga.

"Sana nga gano'n lang kadali, Kane. But it's not only about him. I hope you can understand me." Malungkot siyang tumingin sa kapatid.

Lumapit ito sa kanya at medyo ginulo ang buhok niya.

"If you have problems you can always count on me... ate." Anito na ikinangiti niya.

For the first time he called her ate. Kane stopped calling her ate since he aged 15 and she doesn't know why.

Yumakap siya at isinubsob ang mukha sa tiyan ng kapatid dahil nakatayo ito at nakaupo siya. "I'll tell you when I'm ready."

Nagpaalam na siya sa mommy niya at kay Manang Josie while her dad? He doesn't wanna see her leaving. Her dad is sometimes a  softy.

Isinakay na ni Kane ang mga luggage niya sa trunk saka siya nito pinagbuksan ng pinto sa passenger seat. Ihahatid siya ng kapatid hanggang airport. Ang alam ng mga ito ay sa Italy siya magbabakasyon pero kasinungalingan 'yon.

Kumaway siya sa ina habang palabas ang sasakyan sa malawak na garahe at nakita niya ang daddy niya na nakadungaw sa bintana ng office nito. Kinawayan niya ito at nag-flying kiss siya. She saw when he smiled and raise his hand in mid-air.

She hate lying but if this is the only way to  save her family from shame then she'll do it without regrets.

SUMAGAP agad ng sariwang hangin si Kassandra nang makaibis sa sasakyan na inarkila niya mula airport.

It's good to be back... Home sweet home Kassandra.

"Ma'am ang ganda dito." Nakangiti niyang sinulyapan si Haley na nasa tabi niya bitbit ang mga gamit nila.

She decided to bring her here since wala siyang makakasama sa isang taon niyang pagtatago at para na rin may mag-aalaga sa kanya in case na magkasakit siya.

Nagpaalam siya kay Haley at pinauna na ito sa cabin na magsisilbi nilang tahanan. Dumiretso siya sa dalampasigan at naglakad-lakad.

Hinayaan niya lang na mabasa ng alon ang suot niyang maxi dress. Dinama niya ang pinong puting buhangin ng islang ito dito sa SAN CARLOS.

It's really good to be back here. Naaalala niyang sa tuwing babalik sila dito at magbabakasyon ay parang ayaw na niyang lisanin ang lugar na ito. Kaya nga laking panghihinayang niya nang umalis ang pamilya nila dito at ibinenta ang lahat ng property nila. Pero nangako siya sa sarili na babalik siya dito. Well I'm here but not for good.

Nagdesisyon na siyang bumalik sa cabin para magpahinga muna. Bukas plano niyang pumunta sa OB sa bayan para malaman niya ang kalagayan ng bata sa sinapupunan niya.

Kinabukasan ay nahihirapan silang humanap ng sasakyan ni Haley dahil nasa liblib na parte ng San Carlos ang bakasyunan na binili niya.

"Maglakad-lakad na lang muna tayo baka sakaling may makasalubong tayo." Aniya.

To Love Again [Completed](#wattys2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon