A/N :
Edited. Basa na! ♥
Kabanata 2.
"DO YOU really have to follow me everywhere?" Iritadong tanong ni Kassandra sa estrangherong pinadala ng ama para bantayan siya.
Kapapasok lang nila noon sa opisina niya dahil katatapos lang niyang daluhan ang mga appoinments niya.
Gusto niyang mag-unwind pero parating nakasunod ang lalaki sa kanya at hindi siya hinahayaang mawala sa paningin nito.
"I think it's my duty Madam." He smirk.
Umupo siya sa swivel chair at hindi ito pinansin dahil lalo lang iinit ang ulo niya. Itinuon niya na lang ang atensyon sa mga papeles na hindi pa nalalagdaan. Pasimple niya itong sinundan ng tingin nang umupo ito sa long couch at prenteng ipinatong ang paa nito sa coffee table. Napairap siya at iniiwas ang tingin dito nang marinig na tumunog ang phone niya.
"Haley?"
"Ma'am, Mr. Sevilla's here."
Naulinigan niya ang pagkataranta sa boses ng sekretarya.
"Huwag mo siyang papasukin. I'll call the security..." Aniya at pinatay ang tawag saka tinawagan ang security para paalisin ang dating nobyo.
Wala na ang bodyguard na ibinigay ng daddy ni Kassandra nang sulyapan niya ang inuupuan nito. Imbes na pagtuunan ng pansin ay ipinagkibit-balikat niya na lang 'yon.
Biglang may kapilyahan na pumasok sa utak ng dalaga at lihim siyang napangiti. Dali-dali niyang tiningnan ang sarili sa salamin at nang masigurong ayos ang itsura niya ay tumayo siya at sumilip sa labas ng opisina. Tatakasan niya ang antipatikong bodyguard niya.
Nang makitang walang katao-tao sa labas mg opisina ay dumiretso siya sa elevator at pinindot ang basement kung nasaan ang parking area. Pilya siyang napangiti dahil nagtagumpay siya na takasan ang mahigpit niyang bantay.
Tatlong araw na siya nitong sinusundan at sa tuwing tatangkain niyang tumakas ay palagi siya nitong nahuhuli.
Nagmamadali niyang tinungo ang sasakyan ng makababa siya ng elevator. Pero bago pa man niya marating ang sasakyan ay may humarang na sa dinadaanan niya.
Si Alissa... Nakasuot ito ng kulay dilaw na matermity dress at halata na rin ang baby bump nito. Sinubukan niyang lampasan ito nang marahas nitong hatakin siya sa braso.
"What?" Mahinahon niyang tanong.
Hangga't maaari ayaw niyang magtalo sila dahil iniisip niya ang dinadala nito. Pero ito mismo ang lumapit sa kanya.
"Stay away from Drake!" Galit na galit na sabi nito sa kanya at naramdaman niya ang paghigpit ng kapit nito sa braso niya.
Tiniis niya ang hapdi nang maramdaman ang pagbaon ng mahahaba nitong kuko at pilit pinakalma ang sarili.
"Let go of me..."
Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay nito at huminga siya ng malalim
"FYI, Miss wala na 'kong pakialam sa boyfriend o asawa mo. I'm starting my own life now. Kung maaari lang siya ang palayuin mo sa'kin."
"How dare you bitch! Ang kapal ng mukha mong sabihin na siya ang naghahabol sa'yo!" Akmang sasampalin siya ng babae nang biglang may pumigil sa kamay nito.
Paglingon niya ay ang BG niya 'yon.
"Lay a finger on her and you'll regret it." Seryosong saad nito at marahas na binitawan ang kamay ng babae.
BINABASA MO ANG
To Love Again [Completed](#wattys2019)
RomanceNOTE : Edited Copyright 2018 -Miss_JAM **