aba aba mga mokong tong mga Prison Guard nato ah PANU NAYAN T_T wala akong ma tutuluyan ngayong gabi
teka may sinabi saking Adress si Sister Jereign dun sa sulat nya mabasa nga ulit
hmmnn haba ng sulat san nga ba hmmm?? eto na (pag laya mo nang kulungan hanapin mo tong Adress na to 143 duhat street brgy bayanan muntinlupa ) hmmn san bato? d ko alam na may gantong lugar sa muntinlupa ah
de bale makapag tanung na nga lang sa mga Driver
nag lalakad na ako patungong sakayan ng Jeep maligaw ligaw naman ako sa lawak ng lugar ng New Bilibid haist hindi ko makita ang pinaka exit bayan -_- HAI SARAP TALAGA NG SIMOY SA LABAS PRESKO PUNONG PUNO NG MGA HALAMAN AT PUNO ANG LABAS NG BAKOD NG BILIBID sarap sa pakiramdam dito na lang kaya ako ma tulog haha -_- hindi pede baka pagalitan lang ako dto -_-
at sa wakas nga nakita ko nadin ang sakayan ilang oras din akong nag lakad mahanap lang to hahaha makapag tanung na nga sa manong Driver
BOSS pede mag tanung san ba sakayan pa puntang bayanan?
dito ho boss ang sakayan derechong alabang to pero dadaanan ang bayanan
sige ba salamat ah dito na ako sa unahan sasakay pasabi na lang kung bayanan na
sige ho teka laya po ba kayo?
uo bakit?
ah wala naman ho pansin ko lang sa dami ng mga tatoo sa kamay mo
ay ganun ba hayaan mona panget man pang labas na anyo ko mabuting tao naman ako hehe
ahaha alam ko yun kitang kita dahil sa dala mong bibliya btw libre na pamasahe mo dahil laya ka kelangan mong mag simula sa umpisa at kelangan mo malaking halaga para makapg umpisa ka ng ma ayos
aha wow manong ang baet mo naman salamat ah ou itong bible nato ang dahilan bakit ako malaya na kung hind ko siguro kinilala ang Diyos hangang ngayon preso padin ako at basagulero sa loob haha kaya laking pasasalamat ko sa taong nag bigay pag-asa sa buhay ko
ganun ba haha sarap ng buhay Christiano nuh? anak ko din kasi Christiano at kitang kita ko sa buhay nya ang kaligayahan kapayapaan at ka ginhawaan kaya kahit hind ko man sya na pag tapos sa College eh masaya padin sya sa ginagawa nyang pag lilingkod sa Diyos
tuwang tuwa ako sa manong Driver na yun todo kwentuhan kameng dalawa habang nasa byahe haha iba iba na ang mga na kikilala ko sa buhay ko ganito pala talaga pag isa kang Cristiano piling ko marami na talaga akong kaibigan at alam kong mas dadami pato
oh boss dito na tayo daan ka sa kantong yan may sakayan jan ng Tricycle sabihin mo lang yung Adress na hinahanap mo at dadalhin ka nila dun teka may pang bayad kaba jan?
opo may pera naman ako kahit papano sige ho maraming salamat ulit pa alam
nag lakad na ako patungo sa sakayan ng tricycle at tinanung kung san tong Adress na binigay sakin ni Sister Jereign
boss baka pede mag tanung kung san tong lugar nato hindi kasi ako Familiar eh
ah sa may simbahan to kela pastor Charlie
ah simbahan pala to siguro dun nag sisimba si sister Jereign sige po boss pahatid na lang ako dun mag kano bayad?
30 lang bossing kung hindi na tayo mag hahantay ng ibang pasahero
oh sige wag na tayo mag hintay
pina andar na ni manong yung Tricycle nya habang ako yugyog na yugyog na aba anung klase bang tricycle to kakatakot sakyan kung nag kataong may talim ang gilid na saksak na ako XD
dito na tayo boss
oh sige salamat ah eto bayad inabot ko ang 30 pesos parang gusto kong bawasan nakakatakot sakyan tricycle nya dapat may bawas na yun -_-
kinatok ko na yung gate para malaman kung may tao at kung eto nga yung lugar na tinuro sakin
tao poohhhhhh pastor Charlie
at lumabas na nga si Pastor at agad ako nag pa kilala
pastor ako po pala si Mark Estrada eh tinuro po kasi sakin ni sister jereign tong simbahan nyo baka daw po ,maka tulong kayo sakin sa panibagong simula
ahh ikaw pala yung kinukwento sakin ni sister Jereign oh sige pasok ka iho tamang tama mag hahapunan
maraming salamat po pero dto din po ba kayo naka tira sa simbahan?
ay hindi nasa likod nito ang bahay ko bali isang buong compound to simbahan at bahay ko lang ang andtio :) lika na pasok kana
hindi pa ako naka pag explain ng maayos bakit anu nag punta dito pero pinapasok ka agad nila ako na parang walang panganib dahil alam ko mga bagong laya iba tingin ng ibang tao eh dami ko pa tattoo buong katawan T_T
mahal kuha ka pa isang plato para sa bisita natin
lika dito mark samahan mo na kame kumain
umupo nadin ako at nakisama sa pamilya ni pastor pero bat iba aura dito sama maka titig nung ibang anak nya parang na hihiya tuloy ako T_T
nga pala mark balita ko eh naging maayos ang pamumuhay mo sa kulungan mula nung nag bible study ang grupo ng kabataan namen sa inyo
opo pastor totoosin napakalaki nang pasasalamat ko sa inyo dahil dinala nyo ang mabuting balita sa loob ng kulungan at walang sawang nangaral ang mga grupo ng kabataan nyo kahit alam nilang hindi safe sa kanila yung lugar na pinasok nila
para sa ikaliligtas ng marami at para maparangalan ang Diyos kaya nila nagawa yun at eto na nga ikaw ang isa sa mga bunga ng pag hihirap nila diba joshua?
opo dad BTW ako si Joshua ang leader ng mga youth na nag pupunta sa inyo nuon may iba na kasi kameng pinuntahan nun kaya hindi na kame naka punta sa inyo
ganun po ba ayos lang lahat nang pinag paguran nyo sa loob ng mahabang panahon sa bilibid pinag patuloy ko natuto akong mangaral dahil tinuruan ako ni sister Jereign at ayun na tuto naman kahit papano haha
PATULOy lang kame sa pag kwentuhan habang nag kakainan at sinabi din sakin ni pastor na sa simbahan na ako tumuloy dahil alam nyang wala akong pupuntahan o babalikan pa wow talaga ang baet ni Lord hindi nya ako pinabayaan
na muhay ako ng normal bilang isang desciple sa simabahan nakasanayan ko nadin pakisamahan ang pamilya ni pastor naging masaya nadin silang kasama ako nung una kasi parang natatakot sila sakin sa dami ba naman ng tattoo nang katawan ko eh hahaha