*****
OMG! PROM na namin mamaya. Excited na ko na may halong kaba. Natataranta na, natataranta na! ay ganun kumanta pa? Sige push ko to.
3 oras nalang prom na namin. Ayos na ang mga susuotin ko at si mama nalang ang mag mamake up sakin.
"Oh nak, di ka pa ba maliligo?" Di ko namalayan na pumasok pala siya sa kwarto ko.
"Maya konti ma, excited? hahaha." sabi ko.
"Nagtatanong lang nak. Sige tawagin mo nalang ako kung mamake up'an na kita ah. Labyu nak!" ay may genen effect?
"Osge po ma. Labyutu!" Sagot ko sakanya.
Naligo na ko at tinawag ko na si mama para ayusan ako.
"Ma, nakaligo na po ako. Ready na po akong gumanda" Kaloka, make up ang katapat ganon?
"Hindi ko naman gagawing coloring book ang mukha mo nak, maganda ka na kaya light lang." Sabi ni mama. Kaflattered naman si mudra.
Habang inaayusan niya ko, kinakabahan na talaga ako. Dahil mamaya kailangan mong magpakilala sa juniors and seniors na kasama mo. So kailangan ko maging friendly? hmm. Sana lapitan ako ng crush ko mamaya.
"Tapos na nak. Tingnan mo na sa salamin" Excited niyang sabi.
"Wooow! Ako ba to?" Biro ko lang to. hmm, light nga lang ang pinaglalagay ni mama sa mukha ko. Perfect at bagay sa suot ko.
"Oo ikaw yan nak. Magbihis ka na, you still have time." Oops, 30 mins nalaaaang!
Oks, nagbihis na ko. Bagay na bagay lang suot kong black and may white sa gilid na gown. Heart shape ang sa may dibdib and kulot ang hair ko. White ang high heels na suot ko and tenennn! Perfect!
"Ang ganda mo nak, teka tawagin ko kuya Grae mo" Bumaba si mama and ako naman tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin. Naks, nagmukha akong tao! Hahahah nakakamangha.
"Wow, Ikaw ba yan Loisa? Ganda mo. Nagmukha kang..."
"Subukan mo kuya, makakatikim ka sakin" Sabay suntok sa balikat niya.
"Mukha kang babae. Hahah! de biro lang. Pero promise Ang ganda mo, hatid na kita dun"
***
Nasa venue na kami and bumaba na ko. "Bye kuya, tawagan nalang kita pag tapos na yung event! Bye kuya. Ingat!"
"Bye, be good girl ah?" Ay ginagawa pa akong bebe? Tumango nalang ako.
Okay, papasok na ko and there they are sila Nichole and Mariz kasama nila si Manolo. Buti nalang nakita ko sila agad. Nilapitan ko sila at nakipag beso beso ako sakanila.
"Ang saya dito no?" Sabi ni Manolo na umiindak sa pwesto niya dahil sa music.
"Mariz tara party party tayo sa dance floor!" yaya ni Manolo.
"Ha? Ayoko. Nakakahiya! Kayo nalang ni Nichole. Yan o, Dancer yan." Sabay turo kay Nic.
"Tara na!" Hinila na ni Manolo si Mariz. Kaya no choice siya kundi mag sayaw nalang.
Hindi pa rin nag stastart ang prom. May binigay na oras kasi para makipag kilala sa lahat. Yung iba nag stastart na magpakilala kung kanikanino.
"Hindi pa rin ako nilalapitan ni crush" Mahinang sabi ko.
"What? si Joshua ba hinihintay mo? Ayun siya o. papalapit dito. Bawat table kasi pinupuntahan niya" sabi niya." Alam nila na may crush ako kay Joshua.
"Wag ka maingay Nichole baka marinig ka" Sabi ko sakanya. Hala bigla akong kinabahan. Omg.
"Bka naman marinig ako sa lakas ng music diba? Hello? hahaha. namumula ka Loisa!" Asar ni nic. Hay nako. Hala isang table nalang and kami na ang next na pupuntahan nila Joshua at Axel. Mga varsity player ng basketball. Heartthrob at senior na.
"Shh, Nic. Wag ka namang ganyan. Mahal mo naman ako diba? Wag ka pahalata" Habang tumatawa siya dahil nakakatawa naman na talaga ang itsura ko. Natetense ako nang biglang..
"Hi! I'm Joshua Garcia." Omg! nakikipagshake hands siya sakin.
Biglang may binulong sakin si Nichole. "KALMA LOISA!" waah, kalma lang kayo mga lamang loob ko. please!
"Ayy, Hello. Ahm, ano nga ba pangalan ko? Ayy. Ayun Hello. I'm Loisa!" Sabi ko naman and nakipagshake hands ako.
Nagkatinginan kami, nagtitigan, nakangiti sa isa't isa. magkahawak ang mga kamay. Onti onting lumalapit ang ma mukha namin sa isa't isa. Ko ting push pa. Kotobg kembot pa loisa. Eto na eto na talaa. Biglang..
"NAK! Gumising ka na! May pasok ka pa" Tulo laway ka pa oh. Laki laki mo na.
So pag malaki bawal na magtulo ng laway. Pero teka lang. PANAGINIP LANG LAHAT YUN?Ay punyemas naman oh. "MA, BAKIT MO KO GINISING?"
"Aba, Late ka na gumising may pasok ka pa kaya bilisan mo na ang kilos. Wag ka na nga magbasa ng kung ano ano, napupuyat ka lang kakabasa dyan sa padwatt ba yun?"
"Ma, wattpad yun!" sabi ko. "Kung ano man yun, maligo ka na at wag ka na magreklamo. Nakapagluto na ko't lahat lahat di ka pa din pala naliligo."
Panaginip nga lang talaga ang lahat. WAAAAH!! Ako nga pala Si Loisa Andalio. Marnunong mangarap. HAHA. Mangarap ng mangarap na mapansin ako ng crush ko. Joke. Papasok na ko ng room ko ng bigla kong nahulog ang hawak kong mga libro dahil sa nakita ko!
***
Fanfiction lang ho to :)
BINABASA MO ANG
WHEN LOVE COMES UNEXPECTEDLY [LOISHUA COUPLES]
FanfictionTotoo ba na magugulat ka nalang ay mahal mo na pala ang taong mahal ka din? Sabi nga nila this is the sweetest accident that might happen to all of us. Magugulat ka nalang dumating na pala ang taong hindi mo inaasang mamahalin mo. Nagsimula sa asara...