Isla's P.O.V
Habang naglalakad ako pauwi dahil namili ako sa palengke ng mga kasangkapan sa mansion ay naisip ko nanaman ang sinabi nung lalaking yun.
"Tss. Gossip Girl"
Grabe. Nakakakilabot yung boses niya. Saan kaya siya pinaglihi ng Mommy niya? sa sama ng loob? Sa halimaw?
At ano? Gossip Girl? Mukha ba akong tsismosa? Kasalanan ko bang narinig ko yung mga pinag-usapan nila. -_-Aist! bakit ko ba iniisip yon?, hindi naman big deal pero kasi—
*PEEEEEEP!!!!!*
"MAMAAAAA!! WAHHHH!!"
At doon nagtapos ang buhay ko.
Joke lang, Tumilapon lang ako sa may damuhan.
Huhuhu ang sakit ng puwet koooo.
"Miss okay ka lang?" Pag katingin ko sa ibabaw ko ang may nakita akong isang gwapong nilalang, kaya nagulantang ako.
"WAHHHH!!" Sigaw ko kaya napaalis siya sa ibabaw ko at napatakip ng tenga.
"Sh*t!" Mura niya.
"Sino ka? Rapist ka no? Please wag po ako! Marami pa akong pangarap sa buhay! Gusto ko pa pong yumaman at tumira sa malaking mansion at magkaroon ng masayang pamilya—"
"Pwede bang magpasalamat ka nalang na iniligtas kita sa Taxi nayon? kesa yung dadada ka dyan." naiirita niyang tanong.
"Ay sorry po kuya, may pagka judgmental lang po kasi ako" pag papaumanhin ko at nag peace sign. sorry na OA lang
"Mukha bang rapist 'tong mukha ko? sa gwapo kong to? Tsk! Pasalamat ka maganda ka." Pagmamayabang niya. at bumulong pa siya na narinig ko naman.
"Wooh! parang lumalakas ang hangin dito?" sabi ko "Pero ano yung huli mong sinabi?" Pag kukunwaring hindi ko narinig ang sinabi niya.
"Yung alin? na gwapo ako?" sabi niya sabay taas baba ng kilay.
"Hindi, yung binulong mo." Pamimilit ko.
"Ah, sabi ko ang ganda mo. " At dahil doon ay nagulat ako. Grabe! Diretsahan magsalita si Kuya! Sobrang Honest niya! I like him na! Joke.
* Bzzzt * * Bzzzt *
Bigla nalang tumunog yung BlackBerry na Cellphone ko.
—————————————————
From: Nay TessAnak nsaan kna ba at ang tagal mo. bilsan mo n at gagamitn k na ung mga pinamili m.
—————————————————Tinago ko na ang Cellphone ko sa bulsa ko at tumingin sa lalaking katabi ko na nakatingin din saakin.
"Ah kuya alis na ko ah? salamat pala sa pagligtas mo saakin." Pamamaalam ko at tumayo na, tumayo narin siya.
"Ihahatid na kita."
"Ahhhmmm. Wag na po malapit narin naman ako." Sabi ko. Bakit ba ako ihahatid nito eh hindi naman kami close?.
"Sige na, hayaan mo na ako, ihatid na kita baka masagasaan ka pa ng tuluyan." Anong tingin nito saakin, Lumpo?
"Sige na nga, Pero kuya baka naman iligaw mo ako?" naninigurado lang, malay natin rapist talaga siya at nag babait-baitan lang pala?.
"Basta magtiwala ka lang sa Gwapo kong mukha, tsaka kabisado mo naman and daan diba?" Ay oo nga no? tanga ko talaga.
"Halika na" sabi niya at naglakad na kami papuntang mansion
Nung malapit na kami sa mansion ay itinuro ko na ito.
"Sige, kuya babye na, ayan yung pupuntahan ko" sabi ko, napahinto naman siya kaya naglakad na ako. Pero nagulat ako nung sumusunod parin siya saakin.
"Oh kuya bakit sumusunod ka parin saakin?" Tanong ko sakanya habang naglalakad. Pero patuloy parin siya sa paglalakad na parang walang naririnig. Kaya pinabayaan ko nalang siya. Hehe babala siya diyan, hindi naman siya papapasukin ng mga security guards eh.
"Hi kuya Greg!, Hi kuya Ferdz! Hi kuya Marlon!" Pagbabati ko sakanila. tumango at kumaway naman sila.
Pero bago ako pumasok sa mansion, tinignan ko muna si kuyang mayabang para makita ko kung paano siya harangin ng mga guards. Hehe kuyang mayabang tawag ko sakanya kasi palagi niyang sinasabing gwapo siya.
Pero laking gulat ko nung yumuko sila kuyang guards at pinapasok si Kuyang Mayabang.
HUH?????
"B-Bakit ka nila pinapasok dito?" Nakakunot noong tanong ko. Sabay tingin kila kuyang guards.
Ngunit sa halip na sagutin ako ay ngumiti lang siya.
"Ah! Alam ko na!" Sabi ko sabay pitik sa ere. "Bagong Family Driver ka nila no?" Ang Galing ko talagang humula.
At mas lalong kumunot ang noo ko ng bigla siya Humagalpak ng tawa. Sa sobrang tawa niya napahiga na siya sa semento.
Anong nakakatawa sa sinabi ko?
Hinintay ko nalang siya matapos sa pag tawa, at ng matapos na siya sa pagtawa ay pinunasan na niya ang luha niya bunga ng malakas niyang pagtawa.
"Haha. Sorry nakalimutan kong magpakilala sayo kanina." Sabi niya. nakakunot parin ang noo ko
Tumikhim muna siya bago inabot sa ere ang kamay niya na ginagawa kapag nagpapakilala ka.
"Ehem. It's nice to meet you today, My name is Steven Jhons the second son of Carl and Lyka Jhons. And you are?"
At dahil dun nagulantang ang mundo ko.
"A-Ano?. P-P-Paanong....."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Itutuloy...........

BINABASA MO ANG
Her Secret Identity
Hành độngAng babaeng gabi gabing pumapatay Ang babaeng walang sinasanto Brutal ang kanyang pagpatay Wag na wag mong sasaktan ang mga mahal niya sa buhay kung mahal mo pa ang buhay mo. Dahil hindi mo alam kung sino siya. Ngunit... Alam niya rin ba kung sino...