Phoebe's PoV
Nadirito kami ng mga bestfriends ko sa mall nagsha- shopping sila, sila lang ah? Wala kasi akong interes sa mga ganyan ganyan, mag aral lang ang Gusto kong gawin, gusto kong mabuhay ng simple lang.
"Uy, Isla try mo to, ang ganda nito" Sabi ni Francessca sabay abot ng isang bestida na hindi mo na talaga matatawag na bestida sa sobrang ikli na hanggang legs mo nalang.
"Cheska, wag mo naman akong pasuotin ng ganyang bestida, baka lumabas ang kaluluwa ko." Nakangiwi na sabi ko na parang nandidiri.
"Ano ka ba gurl! Wag ka ngang choosy! Ayan ang usong mga porma ngayon! Kung pwede nga lang ako ang magsuot niyan e" sabi niya sabay irap.
"Edi ikaw magsuot niyan!" Baling ko sakanya, eh ayaw ko talagang magsuot e. Tsaka sumama lang naman ako kasi may bibilhin akong libro! Limited edition yon kaya kailangan kong bilhin yon, ayaw lang akong pakawalan ng dalawang mga lukha lukhang ito!
"Ay no thanks nalang teh! Baka makita pa ako ng aking Padir! Baka pakainin ako nun ng dayami! Sige ka mawawala ang pinaka diyosa niyong kaibigan!" Aba! Nanakot pa talaga.
By the way, bago ko makalimutan, sila ang mga kaibigan ko na sinabi ko na kanina na gusto ko lang ulitin kasi thankful ako na nakilala ko sila, na hindi sila yung kapag sikat ka makikipag kaibigan sila sayo o gusto lang nilang agawin yung biyfriend mo, in short mga AHAS.
Si Francessca Venus Paralejo, ang maganda kong Bestfriend kong napaka ganda siya ang Queen Bee/Muse sa School namin , pambato din siya sa school namin kapag may mga patimpalak at hindi lang iyon ang mailalaban niya, matalino din siya, lagi siyang sumasali sa mga Quiz Bee sa school, oh ano lalaban kayo? Dejoke.
Yung isa naman si Paolo este Paola Mazon, ang Bestfriend kong bakla na 'Dyosa' daw, Vice President naman siya sa Student Council
At ako naman si Phoebe Isla Stewart
Im One half Filipino, Half American, Half Canadian, gulo ng lahi ko no? Si mama kasi ay Pure Filipino at si daddy naman ay Half american at half canadian at dito kami naninirahan sa Pilipinas masaya kaming namumuhay hanggang sa mangyari ang isang malagim na bangungot....

BINABASA MO ANG
Her Secret Identity
AksiAng babaeng gabi gabing pumapatay Ang babaeng walang sinasanto Brutal ang kanyang pagpatay Wag na wag mong sasaktan ang mga mahal niya sa buhay kung mahal mo pa ang buhay mo. Dahil hindi mo alam kung sino siya. Ngunit... Alam niya rin ba kung sino...