Isla's P.O.V
Pagkapasok ko sa mansyon ay pumunta muna ako sa kwarto namin ni Nanay upang magbihis at dumeretso na agad ako sa kusina, para maghugas ng pinagkainan ng Pamilyang Jhons.
Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa kusina ay bumungad saakin si Nanay Tess na naghuhugas, kaya lumapit na ako sakanya.
"Nanay Tess, diba sabi ko sainyo wag na kayong maghugas?." Tanong ko at inagaw sakanya ang Kawali at ako na ang nagbanlaw.
"Ang tagal mo naman kasi e, kaya ako na naghugas. Patapos narin naman ako." sabi niya at binanlawan na yung kamay niya na puro sabon.
"Kahit napo dapat----" Naputol ang panenermon ko kay Nanay Tess dahil bigla kaming nakarining ng malakas na kalabog.
"Dad, How many times I've told you I don't want to go to U.S.A just to handle your f*cking company!!" Sigaw ng isang hindi pamilyar na boses.
"It's for your sake anak." kalmadong sabi naman ni... Mr. Jhons?
"For my sake or For your own sake dahil gusto mo ikaw lang ang pinakamayaman at pinakamalago na negosyante?" Geez. that voice is giving me chills, sino ba kasi iyon?
"Nay Tess, sino ba yung kausap ni Mr. Jhons?, bakit tinatawag niyang Dad si Mr. Jhons? Siya ba si Sir Steven?."
"Hindi, Siya si Ser Lucas, Yung panganay na anak ni Mr. Jhons. Minsan lang siya pumunta rito kasi may sarili siyang condominium."
"Sa 8 years na paninilbihan ko rito, bakit ngayon ko lang siya nakita sa mansyon na ito?" Tanong ko sa sarili ko.
Si nanay Tess naman dumiretso na papunta sa kabilang direksyon papuntang kwarto namin.
"Intindihin mo nalang ako anak." Sabi ni Mr. Jhons.
"Tsk, Kaya ako pumayag na umalis dito sa mansyon kahit maiwan ko si mama dahil napapagod na ako sa mga kabaliwan at kasakiman mo, Hindi ko alam kung bakit natagalan ka pa ni mama."sabi niya at nakarinig ako ng mga yabag na papalakas ng papalakas at may nakita akong pigura ng tao na parang nakatayo sa likod ko kaya tinignan ko ito, at laking gulat ko ng may lalaking nakatitig saakin at bibigyan ako ng mga malalamig na titig.
"Tss. Gossip Girl." Malamig na sabi niya at tahimik umalis na nagpatayo ng mga balahibo ko sa katawan. He's really giving me chills.

BINABASA MO ANG
Her Secret Identity
AçãoAng babaeng gabi gabing pumapatay Ang babaeng walang sinasanto Brutal ang kanyang pagpatay Wag na wag mong sasaktan ang mga mahal niya sa buhay kung mahal mo pa ang buhay mo. Dahil hindi mo alam kung sino siya. Ngunit... Alam niya rin ba kung sino...