Start

11 0 0
                                    


Malamig na hangin ang sumalubong saakin nang bumaba ako galing sa jeep na narkila namin papuntang Antipolo, Rizal.Nagsisisi akong isang floral off-shoulder dress and above the knee lang ang suot ko,sana nag jeans na lang pala ako.

Infront of me right now is the church of Antipolo. Bawat gilid ay mabuti kong tinitingnan.Ang apat na ribulto ng mga santo sa taas ng apat na pillar sa unahan ang talagang nakaagaw ng pansin ko at sinabayan pa ng kulay Cream na haligi ng simbahan.

Niyakag na ako ni Mama na pumasok na kami sa loob kasama ng aming iba pang kamag anak.Namangha lalo ako sa ganda ng loob nito. Pabilong ang istilo ng itaas ng simbahan, parang sa Taj Mahal ng India.

Umupo na kami sa mga bakanteng upuan malapit sa pasilyo at nagsimula na akong magdasal. Dahil ito ang unang punta ko sa ganitong kagandang simbahan ay nilubos-lubos ko na ang pagmamasid.Napatulala ako sa nagkikinangang mga haligi nito na gawa sa marmol. Makikintab na marmol.

"Maggie? Tapos ka na bang magdasal?" Napatingin naman ako ngayon kay Tita Rose na nakapikit pa rin pero ramdam niyang nakatunganga ako.

"H-hindi pa po... " Napabalik ako sa pagdadasal.

Matapos naming pumunta ng simbahan ay sinabi ni Lola sa Driver na sa Hinulugang tak-tak kami mananghalian.

"Ginugutom na ako... " Napabulong kong sabi, tumingin saakin ang pinsan kong si Nica at ngumisi bago may kinuhang kung ano.Napatingin ako dito at napagtantong Hotdog sandwich iyon.

"Oh... " Sabay abot niya ng isang piraso saakin at pinasa ang lalagyan ng sandwich sa mga pinsan ko.

"Thank you Nica" Pagpapasalamat ko sa kaniya na para siyang hulog ng langit nung nakaramdam ako ng gutom.

"Gutom na rin naman ako eh, nag-iintay lang ako ng kasabay kumain.Nakakainis nga at medyo malayo pa dito ang Hinulugang Tak-tak" At piniraso ang kaniyang tinapay at sinubo.

Nung matapos naming kumain ay nagalagala pa kami.Naisipan ng isa kong pinsan na si Ced na pumunta kami sa Pillia Wind Farm, Medyo malayo pa ang biyahe papunta doon kaya naisipan kong mag internet muna. Mabuti nalang at mabilis ang signal kaya paniguradong hindi ako mababagot.

'Disney's Doc McStuffin' medyo trip ko ngayong manood ng pang batang-batang cartoon. Pagka-search ng Disney's Doc McStuffin ay nag search rin ako sa mga nasa gilid na ibang Disney's work.

Naagaw ng pansin ko ang 'Disney's Holiday Celebratiton' hindi ko alam pero ni-play ko iyon. Merong mga nag peperform na mga tiga-Disney Actor/s. Tulad ni Dove Cameron.

"... And let's All welcome! In Real Life!" Napakunot ang noo ko, Ano yun? In Real Life?

Biglang pinakita na yung limang mga teenager na lalaki, kumakanta sila at nasa likod nila yung famous Disney's Castle.Boy Band pala sila.Namangha ako sa galing nilang kumanta at sa linis ng mga moves nila. Ang galing. Pero mas nakatingin ako sa isang lalaki. Unang lalaki simula sa kaliwa.

Bawat galaw niya ay pansin na pansin ko at mas lalo akong napatulala nung kumanta siya ng isang solo part. Partida ang galing niya. May pagkakatunog sila ni Liam Payne ng One Direction. Pagkatapos nilang kumanta nag google na agad ako at sinearch sila lalo na siya...

In real life... In real life member... Tiningnan ko isa isa yung nakalistang pangalan ng members ng In real life.
Chance Perez? Uhm... No, Sergio Calderon Jr? Uhm... Medyo gwapo siya yung nakapula pero hindi eh. Drew Ramos? No, hindi siya... Michael Conor? Pero hindi parin eh... Isa na lang.

"Tara na! Nandito na tayo!" Sigaw ni Tito Mario.

"Baba na tayo Maggie!" Kulbit saakin ni Mama. Gusto ko pang tingnan yung isang eh pero... Ugh! Tiningnan ko ulit ang screen ng phone ko at nagdesisyong isara muna ito.

'Later, na lang kita i-search  Brady Tutton' Pagiisip ko bago bumama ng jeep.

In Real Life With YouWhere stories live. Discover now