AN:
dedicated ko ito kay ms RICA MANRIQUE super love ko kasi yung revenge ni MS.PIGGY..-short stoy lang ito hope u like it...
love-kim_rhoj
______________________
ELEVETOR:
“ Ano kaba naman tommy? Sasakay ka na naman ng elevator? Second floor lang tayo ah “
Ngumiti na lamang ako.wala nalang akong sinabi
Ilang libong beses na namin itong pinagtatalunan ni KC
Tuwing mapapadpad kasi kami nang annex building,kapag Tuesday and Thursday,hindi pwedeng hindi ako mag eelevator
Basta!! Hindi pwedeng hindi
“ OH, ngingiti ka lang ba dyan? “ inis niyang singhal, “ eh bago ka pa makaikot papunta roon sa elevator,nasa classroom na ako ! “
“ Hayaan mo na,alam mo namang kaligayahan ko na ‘to “
Ismid,irap tapos ngiting pang-asar “ OH,siya bahala ka!! mas mapapagod ka nga naman sa paglalakad,kailan ka nga naman sumuko sa pagtatalo natin?Kita na nga lang tayo mamaya BESTFRIEND “
Nakangiti pa rin ako habang naglalakad papuntang elevator
Masaya ako dahil bestfriend ko si KC ,kilala niya kasi ako
may mga bagay na hindi na kailangang banggitin pa at kaming dalawa na lamang ang nakakaalam
may gud reason din naman ako sa pag-eelevator ko
may hika kasi ako,jusko hindi ko na ata mabilang kung ilang beses nakong inatake nang hika sa school namin
nakakahiya na kaya!!!
sa mga kaklase ko,sa mga teacher ko at sa mga SA sa clinic ni doktora,kilala na ako,sikat na ako roon,lahat alam ang pangalan ko at lahat tumatakbo agad para kunin ang nebulizer pag pasok ko nang pinto nang clinic
yun ang dahilan kaya ko laging ginagamit ang elevator
hindi naman iyun masama kasi kabilang naman iyon sa binabayaran namin
pero ang totoong dahilan ay tumambad sa akin nang marating ko ang elevator
napatingin ako sa relo ko, 8:30AM sakto!! Papasok na siya
siyempre tumakbo ako,mamatay na sa hika!! wag lang mapagsarhan nang elevator.hehe
baka kasi makatakas na naman siya,siya kasi ang tunay na dahilan nang page elevator ko
ewan ko nga ba!!
basta alam ko kasing tangkad siya nang langit
bumibilis ang tibok nang puso ko sa tuwing magkatabi kami sa elevator
at sa apatnaput pitong beses ko siyang nakasabay sa elevator
lagi siyang nakatingin sa itaas,parang nanalangin nang nakadilat
parang meron siyang gustong itanong sa Diyos,pero nahihiya siya dahil may kasama siya sa loob nang elevator
mula noong una ko siyang nakasabay sa elevator,sinabi ko sa sarili ko na para kami sa isat-isa,kailangan ko siyang makilala
pano kami magkakatuluyan kung pangalan ko mismo hindi niya alam?
Paano namin papalitan ang pangalan sa marriage contract,kung hindi namin alam ang apelyido nang isat-isa?