4

2 0 0
                                    


Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko, Hindi ako makapaniwala na ung taong kinasusuklaman ko ay 4 inches away sakin at ngumingiti pa ang loko, bakas ang pagkagulat din sa kanyang muka pero napalitan agad ng ngisi. He's enjoying this huh.

Nabasag ang katahimikan ng nagsalita si mommy.

"Grabe Ethan ikaw na ba yan ang laki laki mo na at ang gwapo gwapo mo Nǐ jiāng huì shì yī duì hěn bàng de bànlǚ" bati naman ni mommy sakanya.

Psh gwapo? Saan banda? nakakasuka kamo. At feel na feel pa talaga niya ang pagpuri ni mommy sa kanya. tsaka great couple daw? Si mommy talaga hindi ba siya kinikilabutan sa sinasabi niya.

"Nako Tita hindi naman kayo talaga ung anak niyo nga po ang ganda ganda"

Pinandilatan ko siya, Wala talagang ginawa itong siraulo na toh kung hindi guluhin ang buhay ko.

"Ikaw talaga Ethan siempre mana sa nanay"

Matapos ang maikling kwentuhan nila mommy. kumain na kami agad. At mukang tuwang tuwa talaga si Ethan kanina ko pa siya gustong kausapin at sigawan pero ayokong pahiyain si mommy pasalamat siya anak siya ni Tita. hindi talaga ako natutunawan lalo na katapat ko pa itong siraulo na toh na kanina pa ngisi ng ngisi psh. 

"Ethan same school pala kayo ni Zara eh hindi ba kayo nagkikita doon?"

"Tita araw-a-araw" Sasagot na sana si Ethan ng bigla ko siyang putulin at pinagdilatan

"ay nako ma hindi po. Hindi ko siya nakikita sa university masiado po kasi malaki yun hehe"

"Ay ganun ba, simula ngayon Ethan pag break time mo puntahan mo si Zara para may kasama naman siya" Nakangiting sabi ni Tita Allie.

Mukang hindi ko nagugustuhan kung saan papunta ang paguusap na ito. Hanggang ngayon pinipilit ko pa din i-absorb lahat especially the fact that I need to date Ethan. And my mom seems happy with it at iyon ang hindi ko maintindihan what is it with Ethan na sobrang kampante siya na ipagkatiwala ako sa kanya. 

I can't really stand being in the same room with him, I just kept on chanting on my mind to be calm for the sake of my mom. Pero inuubos talaga ni Ethan ang pasensia ko, he keeps on smirking and it seems he's enjoying this. I immediately finished my food I can't stand this anymore, I need to talk to him.

"Ma, Tita Allie can I talk to Ethan for a second" Napatingin sila bigla sa akin even Ethan medyo nagulat siya, he wasn't expecting it kasi alam niya I'm not fond of talking to him.

"Osige Zara"

Tumayo si Ethan at sumunod sa akin sa garden. I was trying so hard to be calm, ayokong mageskandalo and as much as possible I don't want to make a scene. I know mom is really happy I saw it through her eyes kaya nga I don't want to fail her alam kong sobrang importante sa kanya ang tradition at magiging malaking tulong din toh sa pag unlad ng business namin. Kaya nga habang maaga pa I warned Ethan na don't he dare include this sa pang titrip niya sa akin.

"Nǐ xiànzài gāoxìngle?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na diretsuhin siya at tanungin kung masaya na ba siya na nakikita akong naiinis at miserable. Alam kong tuwang tuwa talaga siya kasi eto talaga ang gusto niyang makita at ang nakakainis pa dun nakikiayon sa kanya ang tadhana.

"Anong sinasabi mo Zara?" Maang maangan pa siya ha eh muka namang ang saya saya niya na nakikita niyang ganito ako ngayon.

"Magsabi ka nga ng totoo, Kasama ba toh sa plano mo? kasi kung plano mo toh please Ethan just stop it hindi na ko natutuwa, pati utak ng mommy ko nilason mo na"

"What are you saying Zara? wala akong alam sa mga nangyayare kahit ako nagulat, I dont even know it's you but I'm glad it's you" Talagang nakuha pa niyang ngumiti at mang asar.

"Do you think it's funny ha Ethan, My mom and your mom want us to date and it seems your enjoying it" Hindi ko na napigilan ang sarili ko pero pilit ko pa ding hinihinaan ang boses ko ayokong makahalata sila mommy.

"Why are you being hysterical Zara, it's just a date, at okay ngayon atleast hindi na ko mahihirapan sayo umaayon talaga ang tadhana sakin" He's really not taking this seriously.

"Don't you get it Ethan, the date is just for formality ipapakasal nila tayo" Halata sa boses ko na nagpapanic na talaga ako. Just thinking about the idea of me ending up with him para gusto ko ng maglayas.

"So ano naman? Ayaw mo ba nun ikakasal ka sa akin ng walang kahirap hirap. ang swerte mo na nga eh you'll gonna marry a good looking guy"

"And why would I marry a guy like you? Kahit isang personality mo wala akong magustuhan. And I don't think I can stand being with you hindi mo ba yun maintindihan ha, This is not a joke we are talking about marriage, kung laro laro lang sayo toh pwes sa akin hindi. I take this seriously and we're talking about my future. Eh mag aral na nga lang ng mabuti hindi mo pa magawa magtaguyod pa kaya ng pamilya" walang pag aalinlangan kong sinabi sa kanya kahit ako nagulat sa mga nasabi ko pero anong magagawa ko ito talaga ang nararamdaman ko. I'm not an angel I say what I want to say.

"You really hate me that much huh" He said it with a serious voice and immediately walked out and went inside our house.

I suddenly felt guilty sa mga sinabi ko pero I'm just telling what I feel. Ayoko na magpaligoy ligoy pa sakanya this is a serious matter and I want him to know na I don't want to do games with him, na the dating thing will not work out.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Love Him, Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon