“Hoy!Bat ka nandito?!Ha?!Magnanakaw ka siguro?!Hoooy!Umimik ka.Pipi ka ba?Wala ka bang dila?!” Sino kaya itong gunggong na unggoy na ‘to.Hmmmm.
“T-t-tu-tu-tulong
“Ha?Ulitin mo nga.Akala ko ba wala kang dila ha?Teka nga sino ka ba?Bat nandito ka harap ng apartment ko.Hooooy!” Baka kelangan ko ng tawagin yung Landlord ko.
“M-mi-mi-miss,di ko na kaya.Papasukin mo na ako.W-w-wag kang mag-alala di ako magnanakaw.Sa gwapo kong ‘to.Kaya sige na mabait ka naman di ba?Maawain ka.Pleaseee.Ahhhhhhh!”
“T-teka wag kang mambola.Di ako magpapaloko sayo.M-m-maaa-maaay dugo ka ah!Bat di mo sinabi agad!Naku naman ang gunggong mo naman Kuyaa!Nakuuu naman oh!Baka mamaya sabihin ng Landlord ko may pinatay ako!Patay ka talaga sa akin!Kumapit ka sa akin.” Haaaay naku si Kuyang G!Hahahahaha.Nakakatawa pa ako eh ‘no may mamamatay na nga dito sa harap ng apartment ko.Shungabells lang.
Infairness ha mabigat si Kuya ha.Binuksan ko na yung apartment ko.Susmiyo puro dugo sa sahig.Pag gumaling lang ‘tong si Kuya magpapalibre ako sa kanya.Muhahahahahahhaahahahahaha! :D Ang evil ba?Hindi ah.Napakabait ko at tinulungan ko siya kahit di ko siya kilala.Mamaya rapist pala ‘to o di kaya druglord,anak ng sindikato,serial killer,riding in tandem at ang malala pa ay baka murderer ‘to tapos papatayin kami lahat dito sa building.Nakuuuu,wag naman sana.Madaming iiyak pag aketch ay nadedbol.
“A-aaa-aaahhh”
Ay!Si Kuya nga pala andito pa.Nakahood pa siya,patay pa yung ilaw kaya di ko masyadong makita yung mukha niya.Tinaggal ko yung hood niya sa ulo.At nakakita ako ng isang napakapanget na mukha!!!!Joke lang!!!Sobrang gwapo niya!!!Mygoolishnesss!!!
“Mamaya mo na ako pagnasahan,Miss.Gamutin mo muna yung sugat ko.”
“Hooooy!Ang ambisyoso ka Kuya ha!Kapal mo naman!Hmp!Demanding ka Kuya G ha!Eto na gagamutin na nga kita!Hmpft.” Kilala ko ‘tong si Kuya G.Si Kyle Gavin Larcoix!!!Tama da ever GWAPO,HUNKULICIOUS,PAPABLE,PRINCE CHARMING,EVERY GIRL’S DREAM AT MAKALAGLAG EYEBALLS NA MUKHA sa aming School.
Kinuha ko agad yung First Aid Kit ko.Tapos tumakbo ako sa kanya.
“Ahmm.Kuya G.Tatanggalin ko yung jacket mo ha.”
“Baka rapin mo ako ah.Bata pa ako para diyan.”
*PAAAAAAAAAAAAAAAK*
“Aray ha.Masakit yun ha.May sugat na nga ako binatukan mo pa ako.Abuso ka na niyan.Ahhhh.”
Talagang ang kapal ng mukha neto.
“Kuyaaa G,ako pa din ang sinisi mo!Kasalanan ko bang magkasugat ka sa tagiliran?!Tsaka para di ka maubusan ng lakas wag ka ng umimik ha.Kalalaking tao ang daldal-daldal mo!Wag ka ng mag-inarte diyan!Gagamutin ko na ang sugat mo para makalayas ka na dito!Puro kunsumisyon ang dinala mo dito!”
“Salamat.”
Ano daw?!Salamat?!
"Marunong ka pala nun.” Tapos pinalsakan ko yung bunganga niya ng panyo para dina mag-ingay.Tinanggal ko na din yung jacket niya pati yung shirt niya na basa gawa ng naulan sa labas at sobrang lakas na akala mo may bagyo pero wala naman talaga.Climate change I guess.
Mygosh!May abs ang lalaking ito!Busog na ang aking mata!Hahahahahahahahaha :D Minanyak ko pa talaga eh.Minsan lang naman ‘to bihira lang ang may maligaw na gwapo sa apartment ko.Pagbigyan ninyo na ako. J Nilinis ko na lang yung sugat niya pati yung paligid.Medyo malalim.
“Hmmmmmmmmmmmmmmmmmmm.”
“Sorry.Masakit ba?” Tumango siya.Naku naman baka di ako pwedeng Nurse pag nagkataon.Pasensiya di Nursing ang course ko kundi MultiMedia Arts.Kaya pasensiya na.Medyo alam ko naman ang mga ganito kahit papano.Ayan nilalagyan ko na ng benda para matigil na sa pagdugo baka mawalan na kasi ng dugo.
BINABASA MO ANG
F.A.I.L. (Forever, A Infinite Love)
Fiksi RemajaFOREVER is giving one another unlimited chances to love right everyday.