Yunhyeong's POV
Masaya akong naglalakad palabas ng subdivison para mag-abang ng bus nang biglang tumambad sa harap ko si Chanwoo.
"Hyung!" Naks naman nakawax si maknae.
"San punta mo bonjing? Di mo suot uniform mo ah?"
"May taping kami ngayon hyung. Sama ka!" Tututol pa lang sana ako pero nahila niya na ko. Ano ba 'to.
"Hyung, may ipapakilala ako sayo. Si Jeon Somi." Inabot niya sakin ang phone niya na tinanggap ko naman agad. Tangina bat ang ganda nito? Mukha pang foreigner.
"Ang ganda hyung diba? Bestfriend yan ng loveteam ko. Si Shannon." Panigurado maganda din yung Shannon.
"Sige. Ipakilala mo ko Bonjing."
"Teka lang hyung, pano si Jisoo mo? Sabagay, crush mo lang naman siya." Crush? Siguro nga.
"Eh pano si Lisa,Bonjing?"
"Lol hyung. Parang bestfriend ko na din yun." Bestfriend? Eh si Lisa kaya Bestfriend lang din ang tingin sa kanya? Manhid din 'to eh.
____
"Yunhyeong right?"
Napatitig ako sa taong biglang kumausap sakin. Kung maganda siya sa picture, tangina dyosa siya sa personal. Ang ganda ng mga mata niya. Napangiti naman ako bago tumango."Pwedeng makiupo? Kanina pa kasi ako kinakausap ng PA ni Shan, na-aalibadbaran ako." Natawa naman ako dahil sa sinabi niya. Para siyang batang nagsusumbong sa nanay niya.
"Sure." Agad naman siyang umupo sa katabi kong upuan. Nagkwentuhan kaming dalawa. Nakakatuwa nga dahil ang dami naming similarities.
"Hyung/Shan!" Magkasabay na tawag samin nina Chanwoo at Shannon. Bagay pala sila? Ngayon ko lang sila nakitang magkatabi eh.
"Yes shan? Uuwi na agad tayo?" "Nope. Chanwoo invited me para gumala sa mall. Sama na tayo please? Minsan lang tayo may free time eh."
"Sige. Sumama ka na din oppa." Nabigla ako at agad na napatingin sa kamay ko na ngayon ay hawak-hawak ni Somi pero nakabawi naman agad. Bahala na.
JISOO'S POV
"Lisa ano ba! Ano bang bibilhin mo? Kanina pa tayo paikot-ikot sa mall ah!" Hindi ako galit,naiinis ako. Bukod sa hindi sinasagot ni Yunhyeong ang mga tawag ko, hindi rin siya pumasok kanina. At isa pa itong kasama ko, kanina pa kami paikot-ikot sa mall pero wala parin siyang nahahanap na bibilhin.
"Teka lang naman unnie, tulungan mo kasi akong maghanap." Hanap your face. "Akin na nga ang phone mo. Kanina ka pa tingin ng tingin diyan eh." Hinablot niya naman mula sakin ang phone ko kaya wala na kong nagawa.
"Ano ba kasing bibilhin mo Lisa?"
"Kasi naman unnie, niyaya ako ni Jungkook magdate." Jungkook? Sino naman yun?
"Akala ko ba kay Chanwoo ka lang?" Hindi naman sa ano pero akala ko ba crush niya si Chanwoo?
"Unnie, crush lang yun. Magkaiba ang crush sa love unnie"
"Tss. Dami mong alam."
"Jisoo/Lisa!" Nagkatinginan muna kami ni Lisa bago mabagal na humarap sa mga taong tumawag samin. Si Yunhyeong at Chanwoo. At sino naman itong mga kasama nila?
"Kanina pa ba kayo dito? Gusto niyong sumama samin?" Gago ka ba Chanwoo? Isasama mo kami eh may mga kasama na kayo? Magmukha pa kaming third-wheel lol.
"Actually, pauwi na kami ni Lisa. Sige bye!" Nagbow muna kami bago umalis. Mukhang mababait naman yung mga kasama nila.
"Eonnie wala pa kong susuotin!"