I

33 3 0
                                    

Tandang-tanda ko pa noong bata pa ako ang mga pangyayari nang mawala ang aking nanay. Kaarawan ko iyon at saktong-sakto sa piyesta ng kahariang Empyrian kung saan kami namamalaging mga tao. Maraming tao ang nakikisaya sa pagdiriwang ito. Magaganda ang mga disenyo ng bawat paligid. May mga paputok sa langit, sobrang ingay ng mga musika, tawanan ng mga tao at kung ano-ano pang nakikita tuwing may selebrasyon.

Pasado alas dose ng hatinggabi nang biglang may narinig akong pagsabog. Nagkaguluhan ang lahat pati na rin ang mga kalaro ko ay nagsitakbuhan na kung saan-saan. Nakita agad ako ng tatay ko ngunit hindi namin mahagilap si Calum.

"Pa, si Calum po!" Mangiyak-ngiyak kong wika nang makita ko ang reaksyon ng tatay ko. Pinaghalong galit, taranta at kung ano pang pwedeng maramdaman ngayon.

"Hahanapin ko si Calum! Dito ka lang." Sabi ni Papa pero umiling ako.

"Mas mabilis natin siyang mahanap kapag pareho tayong maghahanap, Papa."

"Wag nang matigas ang ulo, Nicholaus!" Galit na galit niyang sabi sa akin. Ngunit nanlambot ang ekspresyon niya nang makitang natakot ako.

"Cole, dumito ka nalang. Delik--!"

"Hahanapin ko siya. Hahanapin ko si Calum, Pa!" Sabi ko at tumakbo na papalayo sa kanya.

"Cole!" Halos hindi ko na marinig ang sigaw na iyon ni Papa nang lisanin ko siya doon sa lugar na sinabi niyang pagtataguan ko.

Siyam na taong gulang palang ako pero sinanay na ako ni Papa na humarap sa ganitong sitwasyon. Natataranta na ako dahil hindi ko mahanap si Calum. Laging sinasabi ni Papa na kumalma lang ako sa sitwasyong ito.

Limang taon lang si Calum at wala pang ideya sa nangyayari sa paligid niya. Nakita kong unti-unting nilalamon ng apoy ang kaharian ng Empyrian.

Bampira

Ayan ang mga nakikita kong umaatake ngayon dito. Nanginginig ako sa takot makita ang iba na kinakagat ng mga nilalang na iyon. Kailangan namin ng tulong! Naalala kong may nakekwento si Papa tungkol sa Fortress ng Vlissirium.

Humingi lang kami ng tulong doon anumang oras, tiyak na matutulungan kami ng mga 'yon. Dahil na rin isa sa mga namamalagi doon ay hybrid.

Makikita ko pa rin si Calum! Nasagot ang paulit-ulit kong pagtawag nang makita kong nakaupo sa taas ng puno si Calum. Naalala kong mahilig palang umakyat itong batang ito sa mga puno nang maturuan ko siya noon. Umakyat agad ako at bumungad sa akin ang mga matang natatakot ngunit napangiti ito nang ako ay makita.

"Ha...li..maw?" at itinuro ang mga nangangagat sa mga tao. Tumango ako at sinenyasan siya na wag maingay dahil pupuslit na kami palayo dito. Niyakap niya ako at naramdaman kong nanginginig ang katawan nito.

Kailangan naming pumunta sa fortress na 'yon. Halos magkandasugat-sugat na ang mga braso ko dahil dumaan kami sa mga halaman para makapagtago lang sa mga bampira. Binuhat ko si Calum at niyakap siya para hindi siya masugatan. Habol hininga ako nang makita ko na ang Fortress na sobrang taas pala sa malapitan ito.

Binitawan ko na si Calum para makapaglakad na kami. Sinigurado kong walang bampira ang nakasunod sa amin. Nang makalapit kami, katok na ako nang katok sa mataas na gate ng Fortress. Alam kong walang nagbabantay dito at iisang nilalang lang ang nakatira dito.

Sana nga nandito siya ngayon.

Matutulungan niya kami ni Calum pati na rin ang Empyrian.

"Tulong!! Kailangan ka namin. Tulungan mo kami." Pagmamakaawa ko at nakitulong na si Calum sa pagkatok sa malaking gate na ito.

Ilang saglit ay biglang may sumulpot na bampira sa amin. Sinigawan ko ang bampirang 'yon na huwag nang lalapit pa pero hinawakan niya kaming dalawa. Sinipa-sipa ko pero hindi 'yon naging sapat para mabitawan niya kami ni Calum.

Bloody Academia [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon