III

16 1 0
                                    

"Ang kamatayan mo."

Napatigil ako at napahinga nang malalim. Marahas kong sinuklay ng kamay ko ang aking buhok at di makapaniwalang napatingin kay Umezu. Nang makita kong seryoso nga siya sa sinasabi niya sa akin ay napabuntung-hininga ako.

"Alam ko na yan." Hinang-hina kong sabi at napalunok ako. Pilit na tawa lang ang narinig ko kay Umezu pero bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala sa akin.

"Cole, itig--!"

"Gagawin ko pa rin." Desidido kong sabi sa kanya. Gagawin ko ito para kay Mama. Para lang kay Mama. Mabibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay ni Mama. Kakayanin ko ito. Napatingin ako kay Umezu na parang napapaisip sa kanyang sasabihin sa akin.

"Alam mo naman ang nangyayari sa paaralang ito diba?" Tumango ako bilang sagot sa kanyang tanong.

"Mas matindi pa ang mararanasan mo dito kumpara sa naranasan mo kanina. Kung inaakala mong hanggang dun lang ang lahat, nagkakamali ka." Seryoso niyang sabi at tinitigan ko siya.

"Ano pang nalalaman mo, Umezu? Hindi ko ipagsasabi sa kanila. Ano bang dapat kong gawin?" Pabulong kong sabi habang nakatingala sa kanya dahil hanggang balikat lang niya ako.

"Kung ano pa man ang gusto mong malaman dito sa paaralang ito, ikaw na mismo ang bahalang alamin iyon." Hindi mo mababakas ang kung anuman ang ekspresyon sa mukha ni Umezu. Wala ni isa sa amin ang bumitaw sa pagtititigan, huminga ako nang malalim at muling napabuntung-hininga.

"Para saan pa at nandito ka? Sana di ka nalang pumunta tutal hindi naman kayo kumpletong lima." Puno ng pait kong sabi sa kanya. Inaasahan kong kahit papaano ay matutulungan niya ako.

"Taon-taon ay pinapapunta kami dito upang magbigay ng seremonya sa mga bagong dating. Kada taon ay isa o dalawa ang mga nakakarating dito sa paaralan na ito, kadalasan naman ay wala. Ngayong taon lang umabot sa lima ang mga bagong estudyante dito."

"Hindi ko masasabing ang swerte mo dahil nakarating ka dito. Ang maipapayo ko lang ay ihanda mo ang sarili mo anumang oras." Tumingin-tingin siya sa paligid namin na tila ba'y may hinahanap o nakikitang kung ano.

"Cole, iba-ibang nilalang ang makakasalamuha mo dito. Ikaw ang unang taga-Empyrian na nakapasok dito." Napatango-tango ako sa kanyang sinabi sa akin.

"At sak--!"

"Mukhang malalim ang pinag-uusapan ninyo Umezu at Cole..." Napalingon ako kay Varro at tipid na ngiti lang ang isinukli ni Umezu sa sinabing iyon ni Varro.

"Kaibigan... Pinapayuhan ko lang si Cole." Napahawak sa balikat ko si Cole kaya napalingon ako sa kanya.

"Sinabihan ko lamang siya na mag-iingat siya sa mga taong nakapaligid sa kanya...lalong-lalo na sa iyo." Medyo nabigla ako sa higpit ng kapit ni Umezu sa akin kaya napakunot noo ako habang nakatitig sa reaksyon ni Varro. Kalauna'y sumilay ang ngiti sa labi ni tandang Varro at napahalakhak.

"Biro lang, kaibigan!" Natatawang sabi ni Umezu. Kung hindi lang kagalang-galang itong katabi ko, masusuntok ko ito e. Wala akong panahon sa mga biro, Umezu! Tsk. Binitawan na ni Umezu ang balikat ko at sumabay ako sa kanila sa paglalakad.

"Siguraduhin mo lang na wala kang sinasabi tungkol sa mga bagay-bagay na mangyayari sa hinaharap."

Lihim akong nagkamot ng batok dahil naiinis ako sa mga naririnig ko. Para kasing pinapamukha sa iyo na wala kang mapupulot na impormasyon sa kanila. Walang imik si Umezu at tanging pagsulyap lang sa akin ang ginawa niya at naglakad na lamang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bloody Academia [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon