Dear DJ Raffy,
Una sa lahat, maraming salamat dahil napaunlakan niyo ang aking liham. Ako'y nagsulat dito sa Stories Through Melodies, dahil sa gusto kong ibahagi ang nararamdaman ko ngayon at nawa'y mabigyan ko sila ng aral sa kung anong napagdadaanan ko ngayon.
2 months after my breakup with Richard, my ex-boyfriend, nawalan ako ng balita sa kanya, even with his friends. Yes, kahit alam kong nasa moving on process ako, gusto kong pa ring malaman kung ano ang kalagayan niya. May lung cancer kasi siya, stage 3, pero hindi iyon ang dahilan para magbuwag kami, sadyang nagkalabuan kami dahil na din sa hindi pagkakaintindihan sa anong gusto namin sa isa't isa.
Nagpapagaling siya sa America, samantalang ako ay umuwi na ng Pilipinas pagkatapos naming maghiwalay. Then suddenly after another 2 months, nagtext ang malapit naming kaibigan ni Richard.
"Ellen, sorry sa istorbo, I just wanted to know that Richard, your ex......" Kinakabahan na ako dahil natatakot ako sa susunod na nilalaman ng text
"..... He passed away....." Hindi ko na natapos yung laman ng message dahil sa paghihinagpis ko sa balitang iyon. Kahit sabihin nating naghiwalay kami, andun pa rin ang pagaalala ko sa kanya, at naging pakiramdam ko noon ay ako ang gumawa ng malaking kasalanan kaya humantong siya sa ganito.
A day after Richard passed away, pumunta ako isang gabi sa park na lagi naming tinatambayan. Maraming bituin, nakakabuo pa nga ako ng constellations nun eh. Noon, lagi naming natyetyempuhan ni Richard na marami ang bituin at nagcoconnect the stars kami lagi. Sa puntong iyon, naalala ko na naman ang mga sinabi niya.
"Ellen, balang araw, magiging bituin din tayo, at kung palarin, sana magkalapit lang tayo para lagi tayong connected, ayokong mahiwalay tayo ng isa, o maraming bituin, gusto ko, magkasama tayo, magkatabi" Thinking of those words make me cry alone again. Ngayon iniisip ko, kung bituin na siya ngayon, ano itsura niya? at paano ko malalaman kung siya ang bituin na yun?
Nang binuksan ko ang facebook account ko, may nagnotify. Isang video galing sa friend ko na nagbalita sakin sa pagpanaw ni Richard. At sa puntong binuksan ko ang video, naiyak ako sa kung sinong nakita ko sa video........ Si Richard.
"Ahh Ellen, hello. Musta ka na dyan? Favor lang oh, habang nakikita mo pa ako dito, keep your smile, kung hindi magtatampo ako" at bumusangot pa siya sa video, kahit kailan talaga patawa siya at natawa naman ako at napangiti na.
"Ayan. Gusto ko lang iparating sayo agad to, baka hindi ko na masabi sa susunod pang araw. I just wanna say, thank you very much sa walang sawang pagmamahal na binigay mo sakin, kahit ganitong makulit ako, pasaway ako, minsan salbahe pa, nagawa mo pa din akong mahalin, kahit anong circumstances, hindi ka sumuko, kahit ganitong may sakit ako, di ka sumuko. Salamat sa lahat. And I'm sorry kung nasaktan kita, kung hindi man tayo nagkaintindihan, sorry kung pinaramdam ko sayo na nagsasawa na ako, sorry sa kakulitan ko. Sorry din sa lahat. And hopefully, mahanap mo na yung bituin na magpapatuloy sa pagdudugtong mo. At ako, magiging bituin na, pero lagi pa rin akong susubaybay sayo. Malalaman mo na lang kung saan ako sa bituin na yun..... I love you for one last time. Paalam" kahit nakangiti ako, napuno na ng luha ang aking mga mata ang tuluyan silang nagsisituluan.
"Before I end up with this video, I'll sing one song probably my last one, so I'll spend it to you. This is for you"
At pinatugtog niya ang favorite kong kanta ni Ed Sheeran. Habang pinapakinggan ko siyang kumakanta ay nakatingin ako sa langit. Hinahanap kung nasaan si Richard. Nakita ko na lang na may isang kumikinang na bituin, nangingibabaw siya kahit may kaliitan. Mukhang siya yun, si Richard yun. Sumigaw ako sa park, wala akong pakialam kung sino makapansin para sabihin lang ang mga salitang ito. "I LOVE YOU RICHARD!!! I CAN SEE YOU RIGHT NOW!! THANK YOU!! THANK YOU VERY MUCH!! I LOVE YOU!!" Sinisigaw ko iyan habang todo ang aking paghihinagpis.
As of now, I'm single and looking for that guy na sinasabi ni Richard na magtutuloy sa pagdudugtong namin sa mga bituin. I can feel his prescence through the stars and everytime na nakikita ko yun, I'm just looking at him, at sinabi ko sa sarili ko. "Magdudugtong at magdudugtong tayo"
Sa mga nakabasa ng aking liham, ang gusto ko sanang iparating sa inyo ay, kahit nawala ang mga pinakamahalagang tao sa buhay niyo, panatilihin niyo siya palagi sa inyong alaala nang kung sa ganon ay maging masaya siya, at ipakita mo sa kanyang masaya ka sa kung anong itinatakbo ng buhay mo ngayon, iyon ang ikasasaya niya habang pinapanood ka niya sa itaas. Sana'y may napulot kayong aral sa aking kuwento, at maraming salamat sa pagbasa ng aking maikling liham, and more power para sa Stories Through Melodies.
Lubos na nagmamahal,
Ellen
---------------
Meron din ba kayong kanta at liham na gustong iparating dito sa Stories Through Melodies? Just Message your letter Tyreke Yelenia on Facebook :) Nasa external link ang account. Salamat. Suportahan po ang STM.