Love is a Beautiful Struggle
Matapos ang araw na ‘yon ay naging mas vocal na kami sa isa’t-isa. Catching up kung baga. Hindi na ako nangiming sabihin sa kanya ang lahat ng first na naranasan ko sa kanya. First kilig, first selos first moment na hindi ko maipaliwanag kung bakit nahihirapan akong huminga sa tuwing anglapit niya sa akin.
At ang first time na niyakap niya ako dahil nakalusot ang spike niya sa dalawang defender ng ADMU. Angsarap sa pakiramdam ang ganito.
“Best, kumain ka na?” Tanong niya agad pagpasok ko ng dorm galing sa huling klase ko.
Umiling ako pagkalapag ko ng bag sa sofa.”Bakit wala kang kasama dito? Saan sila?”
“Nasa galaan. Wala daw kasing training kaya chill chill daw muna.”
Humiga ako sa sofa at umunan sa hita niya.”Maidlip lang ako Ye. Ten minutes lang.”
Sabaw kasi ako sa huling klase ko gawa ng puyat ako sa pagrarush naman sa isang report ko. minasahe niya ang ulo ko habang nakapikit ako. Parang ayoko na yatang matulog? Pinisil niya ang ilong ko nang napangiti ako.
“Matulog ka na nga.”
“Ineenjoy ko pa e. parang nagbabahay-bahayan lang tayo dito no? angsarap sa pakiramdam nung pag-uwi ko may naghihintay sa akin tapos may mga ganitong masahe pa. Feels.”
“Baliw.”
Itinuloy lang niya ang pagmamasahe. We are not official girlfriends. Kung baga we are just enjoying the mere fact na mahal naming ang isa’t-isa. I didn’t brought out the issue about it dahil ayokong maguluhan siya at isipin niyang inaapura ko siyang magdesisyon. Ako rin lang ang mawawalan. Sa ngayon sapat nang alam niyang mahal ko siya higit pa sa isang kaibigan.
“Ara…”
“Hmm?”
“Wala.”
Nagmulat ako ng mga mata.”Bakit? May problema ba?”
Ngumiti siya at umiling.”Paano mo nakakayang unawain ang sitwasyon ko? Alam mong hindi sang-ayon sina mama kung sakaling mag-out tayo diba?”
Nakaramdam ako ng lungkot sa katotohanang mahihirapan kami pagdating sa usapang involve na ang approval ng pamilya.
Ipinatong ko ang kanang palad niya sa mga mata ko.”Huwag mo munang isipin ‘yon. Darating rin tayo diyan kapag may maipagmamalaki na tayo sa kanila.”
Angdaling sabihin. Hay!
Nang makapagpahinga ako ay gumayak na kami. Hindi naman kami pahuhuli sa mga teammates naming!
Naglilibot-libot lang kami sa mall at may mga volleyballs fans na kumukuha ng pictures namin ni Mika. Gawa kasi nito ng mga televised games ng UAAP at nakilala kami.
Daig pa nga namin ang ilang love teams sa mga shippers ng tandem namin. Fame is just around the corner kung baga pero minsan nagiging dahilan rin yan ng pagiging awkward naming ni Ye kapag nasa public.
Hindi kasi maiwasan mapapakbay siya sa akin gawa ng mas matangkad siya at clingy talaga tong si Ye tulad ngayon.
“Mumukha na ba akong tungkod mo?”biro ko sa kanya.
“Kulay kahoy ka naman papasa na.”
Bully! Sige lang. Kinikilig naman ako e! Napunta kami sa department store.
Natawa ako na ewan nang Makita ko ang isang shirt na puti at green ang sleeves.
“Tingan mo yon oh,”turo ko dito.”Number 8 pero Reyes ang kalagay. Kaapilyedo mo na ako?”
![](https://img.wattpad.com/cover/16475261-288-k306549.jpg)
BINABASA MO ANG
Five Words For You
FanfictionI only have five words for her...only five words...until i set her free... --COMPLETED STORY NA ITO. :)