Like Violence, It Kills Me

1.7K 74 2
                                    

Like Violence, It Kills Me

“Masaya ka ba?”

Yan ang laging tanong ni Mela sa tuwing nagkakausap kami. Para siyang doctor na chinecheck ang estado ng puso ko.

Tulad ngayon, bonding time naming dalawa. Nagsasawa na daw kasi siya sa alphakapalmuks ni Kim e.

“Hindi mo maitago ang sparks Fo oh.”turo pa niya sa mga mata ko.”So official na ba kayo?”

Umiling ako. “Ineenjoy lang naming company ng isa’t-isa. Hindi naman kailangan ng commitment siguro?”

Kumunot ang noo niya pagkalapag ng tasa ng kape.”Diyos ko naman Fo! Dalawang buwan na yang enjoying the company nay an ha! Wala ba kayong balak ha?”

“Hindi naman siguro Fo.”

Hindi naman pero natatakot rin ako no. Masaya naman ang mga araw na lumilipas na kasama ko si Mika. Kung titingnan mo nga kami parang totoong mag-girlfriends e.

“Bigla kang natahimik. Uy aalukin na niya si Mika?”panunudyo niya.

“Adik mo. mas excited ka pa sa akin e.”

“But ofcourse!”higop niya ulit ng kape.”Ang relasyong walang label ay parang negosyong hindi rehistrado! Umayos kayo Fo ah? I-spiken ko mukha mo eh!”

Nang maubusan na siya ng sermon ay nagyaya na rin itong umuwi. Maghihiwalay na kami ng landas dahil ididate pa daw siya ni Kim. 

Sipsip-sipsip ko ang iced-tea habang sinisipa naman ang isang bato habang tinatahak ko pabalik sa dorm. Negosyo na hindi rehistrado. Adik talaga si Fo pero may point siya. Yun na lang ang kulang sa amin ni Mika. Wala kaming definite date na pwedeng magcelebrate.

Iba naman kasi yung bestfriends day ang icecelebrate diba? Iba pa rin ang monthsary ng pagiging girlfriend ni Victonara Galang! Aba siyempre! Monthly may surprise!

Hooh! Ngiting tagumpay ako sa imagination ko sa mga gimiks na niimagine ko sa tuwing monthsary namin!

Pero may isang malaking bagay ang pumipigil talaga sa akin, sa amin. Minsan kasi ay narinig ko sina Mika at Kim na nag kukwentuhan at nabanggit ni Mika na hindi sang-ayon ang mama niya kung sakaling makipagrelasyon siya sa kapwa niya babae.

Napag-usapan naman namin ‘yon minsan pero pareho kaming nagdecide na huwag na lang munang i-commit ang aming mga sarili sa isa’t-isa hangga’t hindi pa nakakapag-out si Mika sa pamilya niya.

So far more than two months na rin kaming nagsusurvive sa ganung klaseng set up.

Hahawakan ko na ang doorknob nang biglang bumukas ang pinto. Napatigil ako nang maulinigan ko ang boses ni Tita Baby, ang mama ni Mika. Huminga ako nang malalim bago ako tuluyang pumasok.

“Hello po tita…”bati ko sa kanila.”long time no see po.”sabay nagmano na rin ako.

Hindi talaga maganda ang tiyempo ng outfit ko dahil litaw na litaw ang masculine side ko. ginaya ko lang naman ang porma ng kuya ko e mas bagay ko daw kaysa sa kanya.

Ramdam kong naging awkward bigla si Mika. Isip ng palusot Galang!

“Hindi mo ba sila nakasalubong? Kakaalis lang nila.”puna ni Tita.

“Hindi po e.”sagot ko naman.”Itetext ko na lang po. Kukuha lang ako ng mga gamit ko.”

“Saan ka pupunta best? Hindi ka dito matutulog?”

Five Words For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon