Simula

21 0 0
                                    

Ang bilis talaga ng panahon. Grabe, akalain niyong magiging senior highschool na ako next week? Ni wala pa akong gamit. Pati sa strand na kinuha ko, hindi pa ako handa. ABM ang kinuha ko pero trip ko ang Science. Ang gulo ko diba? Bahala na si future sa akin. Basta makita ko lang si Janine sa school, doon ako siguradong masaya.

"Teng yung niluluto mong sunog naaamoy ko na dito!" Sigaw ni Sean, iyong nag-iisa kong epal na kapatid sa buhay.

Mabilis kong sinara ang gasul at tiningnan ang niluluto kong hotdog na pang almusal ko. Hindi naman siya sunog, may konti nga lang itim sa gilid. Wala akong balak magising ng gaanong kaaga kung hindi lang ako kinukulit nila Pietro na magbasketball sa court nila. Gusto kong pakyuhan ang gagong yon. May utang pa yun sakin ng dalawang libo, e. Nanalo ako sa pustahan ng may laban ang NBA na pinapanood namin noon. Hanggang ngayon ay sinisingil ko pero wala pa daw siya ipon. Nakipusta pero wala namang pera! Ano 'yon? Gaguhan?

Kung hindi niya lang pinsan si Janine baka matagal ko na siya binalibag. Nagpapabango pa ako sa pinsan niya baka sakaling mapansin ako. Pero kapag malapit na sya, ewan ko ba pero natotorpe ako. Babae ako pero itong puso ko may pusong lalake.

Alam ko na nung bata ko. Ramdam ko na. Tuwing nakikita ko ang barbie noon, nasusuka ako. Pero kung baril, nagniningning ang mga mata ko. Tapos kapag may magandang babae o sexy akong nakikita, kumakalabog ang puso ko. Fuck, naiisip ko na naman si Janine! Kung hindi lang talaga ako babae iisipin kong tumayo ang junior ko pero hindi kasi itlog yung akin, hindi tatayo.

"SUSMARYOSEP SANTISIMA! SHAMINAH BAKIT MO NA NAMAN SINUSUOT ANG BOXER NG KAPATID MO? KALALAGAY KO LANG YAN SA CABINET NIYA KAGABI AH?!" Muntik ko nang mailuwa ang hotdog na kinakain ko ng bigla na lang sumulpot si Mama sa harap ko. May sabon pa sa kamay niya at nakapameywang sa akin.

Napalunok ako at tinignan ang spongebob na boxer ni Sean na suot suot ko.

"Ma, hiniram ko lang. Sabi ko naman sayo noon pa na ayokong magpanty." Pinagpatuloy ko lang kumain habang si Mama ay namumula sa sinabi ko. Oo nga pala, hanggang ngayon hindi niya pa rin ako tanggap na tibo ang anak nila. Na ayokong maging babae. Na mas komportable akong magsoot ng polo, brief o boxer. Na mas gusto ko ang babae kesa sa lalake na mahalin. Mahirap ba iyon tanggapin? Tss. Bahala siya dyan. Kailan kaya uuwi si Papa sa duty niya para naman magkulong na lang silang dalawa sa kwarto nila magdamag.

"Anak babae ka pa rin! Gabi gabi kong idinadasal na sana ay matauhan ka na na babae ka pa rin kaya umakto ka paring maging babae dahil mahaba pa rin ang buhok mo kaya babae ka pa rin!" Ani Mama. Nahihilo ako sa paikot ikot lang na babae ang sinasabi niya.

"Ma pupuntahan ko pa si Pietro, gamitin ko lang yung jersey ni Papa natuyo na ba sa sampayan, Ma?" Tumayo ako at nagsalin ng tubig. Binalewala lang ang sinabi niya.

"Shaminah-"

"Ako na maghahanap sa taas, Ma. Pababain mo na mamaya si Sean. Medyo sunog lang ng konti yung hotdog pero masarap pa rin yan, isawsaw niya lang kamo sa ketchup." Niyakap ko muna si Mama na nanatiling nakanganga sa mga sinabi ko bago umakyat sa taas para magpalit ng shorts.

Kinuha ko ang itim na shorts na hanggang tuhod ko lang at nagpalit na ako. Nang matapos ay humarap ako sa salamin at pinusod ang sagabal na buhok ko. Gusto ko na itong ipaputol pero tuwing gagawin iyon, nahihimatay si Mama. Ganoon siya ka-OA. Naiirita ako kaya hinahayaan ko na lang pahabain ang buhok ko. Nakakadiri talaga sa part ko. Bawas pogi points ito kay Janine.

Hinablot ko ang ball cap ni Sean sa gilid ng study table ko na kinuha ko rin kagabi sa kwarto niya. Gusto ko talagang angkinin ang mga damit ng batang iyon! Dalawang taon lang naman ang pagitan namin pero kasya ko ang mga damit niya.

"Shaminah, walang lalabas!" Talagang hindi pa rin tumitigil si Mama nang lumabas ako galing sa kwarto.

Hindi ko siya pinansin dahil hinahanap ko yung bike ni Lance, na katropa ko, sa labas ng bahay. Hiniram ko lang din yun kahapon.

Kung KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon