EVRGLW #1

19 1 0
                                    


Merialle,
       Patawad kung ngayon na lamang ako muling nakasulat sa iyo. Gusto lang sanang sabihin na mahal pa rin kita pero hindi na pwede. Hindi na natin maaari pang ipagpatuloy kung ano man ang nasimulan nating dal'wa. Alam kong masakit dahil pati ako'y nasasaktan. Pero sana naman maintindihan mo ang paglayong ginawa ko. Ito lang kasi ang paraan upang mapabuti tayong dalawa. Umaasa akong mapapatawad mo pa ako pero kung hindi na, tatanggapin ko.
                                                             -Claeton

Basa kong muli bago lamukusin ang papel at itapon sa basurahan. Napaka walang kwenta! Akala mo kung sinong gwapo! Napaka yabang! Nakakainis ka, Claeton!

"Waaaaaaa! Bwiset, bwiset ka, Claeton!" Sigaw ko sabay bato sa bote ng alak na hawak ko. Agad na nabasag ang bote at sa palagay ko nagulat ang katulong namin kaya naman mayroong biglang kumatok sa kwarto ko.

"Hindi ko yan pag bubuksan bahala kayo sa buhay nyo!" May diin ngunit pabulong kong sabi sa aking sarili.

Wala naman silang maitutulong sa akin, e. Ano pa bang gusto nila? E kaya lang naman nagkanda letse letse tong pesteng buhay ko dahil sa perang hinahabol- habol nila. Bwiset talaga!

"Merialle, ano na naman bang problema mo?!" Biglang pasok ng ate kong asungot. Bakit ba kasi mayroon syang susi ng kwarto ko?! Epal.

"Wala ka na don, makakaalis ka na." Sabay irap kong sabi atsaka ko sya tinalikuran.

"Aba, wala kang karapatang bastusin ako dahil ako ang ate mo!" Inis na sigaw nya sakin.

"Ikaw nga walang respeto sakin tapos ikaw demanding? Kwarto ko 'to kaya lumayas ka na. Hindi ko naman kailangan ng asungot dito."

"Mommy!" Sigaw ng sumbungera kong ate. Hay nako, ang tanda tanda na sumbongera pa rin.

"Whatever. Kahit magsumbong ka pa dyan habang buhay wala ka ng magagawa. Napaka isip bata mo." Tuluyan na kong lumabas ng kwarto ko dala dala ang susi ng aking kotse.

Siya nga pala, ako nga si Merialle San Agustin. Bunsong anak nina Pamela at Yoej San Agustin. Kahit hindi niyo itanong, 20 years old na ko at katatapos ko lang sa college. Hindi ko nga alam kung bakit pa ko nag aral samantalang kahit wala akong gawin kakain at kakain ako. Pero okay na rin, atleast may sarili akong pera ngayon dahil sa business-business-an namin ng mga friends ko. Hayaan niyo lang yung ate kong epal. Simula bata hindi ko talaga kasundo yon. Kung gusto niyong malaman name niya, siya si Meiscy. At yun lang. Wala na kayong dapat pang malaman sa asungot na yon.

Pupunta lang ako ngayon Samantha. Magpapalamig ng ulo. Paano ba naman kasi nagsabay- sabay ang lahat ng pangit sa buhay ko. Isa pa yang Claeton na yan! Walang hiya! Matapos ang lahat iniwan na lang ako ng basta! Humanda siya, no? Makakahanap din ako ng pamalit sa kanya. Kahit mamaya kaya kong humanap ng kapalit nya, like duh. Sino ba namang tatanggi sa ganda kong 'to? Wala. HAHAHAHA.

"Oh, nice to see you, Merialle. Sama ka?" Bungad sakin ni Samantha.

"Saan?"

"Goex." Sabay kindat ng gaga. Ang Goex nga pala ay club at doon kami madalas tumambay at makipag harutan tuwing boring ang buhay.

Kailangan ng sistema ko ng alak kaya di na ko nagatubili pa at sumama na ako sa kanya. Madalas kaming dalawa lang tapos kami na ang bahala sa lalaki. Madami namang lalaki don na g na g'ng makipag landian.

"Anong problema mo?" Basag ni Samantha sa katahimikan nang hindi pa rin kumikibo habang papasok na kami sa club.

"Wala, tara na. Ang daming hot o." Sabay kindat ko naman sa kanya.

Wala pang isang minuto yung pwet ko sa upuan ay may lumapit sa aking lalaki. Oooh, gwapo niya, huh? Kinapa ko ang tyan nya. Shit, ang tigas, six pack!

"How are you doing, lady?" Tanong sakin ni Mr. Hot habang titig na titig sa akin. Sobrang nakakatunaw ang mga mata niya.

"I'm good. Btw, you are?" Tanong ko naman sa kanya at uminom ako ng wine para makatakas sa mga titig nya.

"I'm Vren." Vren? Kakaiba.

"And I'm Mer." I'm not giving my full name baka kasi name ko palang mainlove na sila.

Hinawakan nya ako sa braso ko pababa sa kamay ko. Ang lambot ng kamay niya.

"Are you single?" Tanong ko sa kanya.

"Yeah, but totally ready to mingle." Pilyong sabi niya na sinabayan ng kagat labi niyang nakakatunaw ng pagkatao.

Ilang oras pang kwentuhan sa sofa ay naramdaman ko na, na may gusto siyang iparating sa akin. Dahil hindi ako bobo, alam ko kung ano iyon. Hinihipo hipo niya ang aking binti at maya maya pa ay dumating na nga si Samantha at nag aya na sa comfort room. Alas dose na rin kasi ng madaling araw at kailangan na naming umuwi.

Iniwan ko na si Mr. Hot, baka kasi kung saan pa yon mapunta. Habang ganon lang ako pero hindi ako nakikipag resbakan kung kani kanino mamaya may sakit pala yong mga yon. Kadiri!

After mag retouch at hinatid ko na sa kanila si Samantha at tumuloy na muna ako sa condo unit ko. Ayoko na muna kasi doon sa bahay, puro ingay at comparison lang saming dalawa ni Meiscy ang lagi kong naririnig. Lagi na lang siya ang magaling. Edi go! Siya na! Bakit pa ko makikipag agawan ng trono sa tuyot na yon? Duh. Wala akong pake. Palibhasa kasi favorite. Hindi pa nga namamatay sila mommy sa kanya na agad nakapangalan iyong bahay namin ngayon. Sige, sayo na yan. Akin ang kompanya! HAHAHAHAHA.

EVERGLOWWhere stories live. Discover now