Prologue

21 2 2
                                    

Prologue:

Mahal, heto tayo sa simula

Munting damdamin naglalaro
Puso't isip natutuliro
Sa murang edad, ako'y natuto
Sa murang edad, ika'y naglaho

Hindi alam kung paano sisimulan
Ang mga kwentong ating pinagdaanan
Mga sandaling ikaw ay hinahagkan
Ngunit ngayo'y nasaan?

Hayaang simulan kung saan nagsimula
Ang mga oras na tayo'y maliliit pa
Puro laruan at puro tawanan
Puro away at sakitan

Pero iyon ay noon
Noong tayo ay bata pa
Hindi alam ang ginagawa
Wala pang alam kumbaga

Dumating na nga ang panahon kung saan tayo'y may edad na
Tandang tanda ko nung tayo'y muling magkita
Dalawampu't isang taon ka
At parehong nakapagtapos na

Nakamamangha kung inyong iisipin
Dahil sa tagal ng panahon, hindi na nanaisin
Hindi na nanaisin pang makita
Dahil nawala na sa isip ang isa't- isa

Pero nakagugulat nga naman si tadhana
Ilang taong nagkahiwalay, aba'y nagtagpo pa
Pero hindi ko rin naman kinukwestyon
Dahil masaya ako sa ngayon

Mahal, heto tayo sa simula
Heto tayo at napakasaya
Walang away, walang gulo
Tayo lamang dal'wa

Mahal, heto tayo sa simula
Sa simula na ngayon ay akin na lamang binabalikan
Nang paulit- ulit at ulit at ulit
Dahil wala ka na

Mahal, heto tayo sa simula
Sa simula kung saan nagmula
Ang damdaming nabuo
Ang mga matang namugto

Mahal, heto tayo sa simula
Sa simulang ang sarap balikan
Ang sarap na muling masaksihan
Ngunit tila ba limot mo na

Mahal, heto tayo sa simula
Noong mga panahong ako pa ang mahal mo
Mga panahong hindi mo pa alam ang ibig sabihin ng salitang "manloloko"
Mga panahong nasa sa akin pa ang atensyon mo

Mahal, heto tayo sa simula
Simulang dapat hindi na nagwakas
Simulang dapat hindi pinabayaan
Simulang hindi na dapat pa dinugtungan

Mahal, heto tayo sa simula
Oo, mahal, sa simula
Pero ano pa nga ba ang magagawa ko
Kung puro na lamang simula?

Kaya mahal, heto na tayo ngayon
Napakasakit palang makulong sa noon
Mahal, ngayon kayang kaya ko na
Kayang kaya ko ng umahon mula sa simula

Mahal, wala ng simula
Dahil lahat ng iyon,
Lahat ng paghihirap na naranasan natin noon
Ngayon ay nawakasan na

EVERGLOWWhere stories live. Discover now