Distansyang Sapat Lang

9 0 0
                                    

Dati rati'y palihim lang kitang pinagmamasdan na may distansyang sapat;
Upang di mo malaman,
Na ang mga mata ko'y palihim na sumusulyap.

Sa di ko maintindihang dahilan, nakakaramdam ako ng kakaibang sigla;

Tuwing ika'y masisilayan,

Masasalubong sa hallway, o kaya nama'y pag magkakasabay tayong sumakay sa elevator tuwing uwian.

Sa mga pambihirang okasyon nakikita ko din naman na sa aki'y tumitingin ka...
Gustuhin ko man na alamin kung bakit sa aki'y napapasulyap, wala akong sapat na dahilan na tanungin ka.

Para sa akin, nakatutuwa lang na pagmasdan ka, nakakahiyang aminin pero lihim na tumitibok ang puso ko pag ang iyong mga ngiti ay nakikita.

Hanggang dumating ang sandali na ako'y iyong binati isang gabing sabay tayong umuwi galing O.T..
Friends tayo sa FB pero di naguusap; at ang ang gabing iyon ang nag udyok sa akin na kumustahin ka.

Di ko inaasahan na mapapabuti pala.
Mukhang hinihintay mo lang na ako ang mauna...

At naging mas mahaba pa ang kwentuhan...
Tawanan...
Puyatan...
Na nauwi sa tawagan...
Sa pagsisimba ng sabay...
Sa pagkain sa labas...
Pagsesend ng mga larawan...

Ngunit mayroon akong natuklasan...

May distansyang sapat na dapat pag ingatan.
Distansyang nag hihiwalay ng ating kapanganakan;

Isang dekada at isa...

Distansyang dapat kong pakatandaan...
Distansyang sapat upang ang lahat ay itigil na...

Pinagdesisyon ka ngunit bandang huli ako pa din ang binigyan mo ng oras upang mag-isip at ang lahat sa akin mo ipinaubaya...

Marami akong nagawang pagkakamali dati... at sa iyo ako'y hindi worth it...

Pero ang sabi mo'y hindi mahalaga ang nakaraan...
At ang edad di kailanman sapat na dahilan para magbigay ng puwang sa dalawang puso na ang gusto lamang ay magmahalan...

Di ko kaya lumayo... ang sabi ko sa sarili ko'y bahala na...

Nagpatuloy ka sa mga nasimulang gawi... ang magtext, mag chat o di kaya'y tumawag...

At ipinadama mong walang distansyang dapat ilaan sa dalawang taong masaya sa presensya ng isat isa.

At habang tumatagal lalo akong humanga sa iyong katauhan...

Sa iyong edad, naipakita mo sa akin na walang tamang gulang upang maging maka Diyos, maging matured at maging lalakeng responsable.

Sa unang pagkakataon
Nakaramdam ako ng respeto...
Malasakit...
Nakarinig ng papuri sa kakayahan ko at talentong angkin...
Mga galit at sermon sa naging mali kong gawi.

At sa mahinahong paraan tinuruan mo akong maging dating ako...

Ako na isinantabi ko...
Ako na binago ng sakit at pait ng kahapon...
Ako na ang laging hangad ay makawala sa madilim na nakaraan...
Ako na nagnanais mapatawad ang sarili...

Unti unti mong ginamot ang mga sugat kong matagal nang di naghihilom.

At sa bawat sandaling ipinaparamdam mo sa akin na ako ay importante at may halaga tulad ng brilyante... di ko maiwasang itanong anong nakita mo sa akin at kaya mong ipadama na ang akala ko'y wala ako nuon yun pala ay meron?

Yun ay ang halaga ko bilang babae.

Ang gaan sa pakiramdam...
Minsan naihiling ko sana'y wala na itong hanggan...

Maaga pa upang alalahanin ang mga mangyayari bukas...
Sa ngayon tanging nais ko lang ay hawakan mo ng mahigpit ang aking kamay at gagantihan ko ng mas mahigpit pa.

Sabay nating tahakin ang landas na may sapat na distansya upang alamin pa ang kalakasan at kahinaan ng bawat isa...

Sasamantalahin kong ienjoy ang bawat sandaling kasama ka...
Paulit ulit na mangingiti pag narinig ang iyong tinig; habang naliligo, humihimig kasabay ng mga paborito mong awitin...
Ang iyong mahihigpit na yakap bago matulog sa gabi...
Ang mga ngiti mong punong puno ng sinseridad di lamang sa akin gayundin sa mga taong nakapaligid sa atin.

Tumatalon ang puso ko sa tuwa tuwing maririnig ko na sinasabi mo ang katagang "DAISUKI DAYO" o sa tagalog "MAHAL KITA...

Wag kang mag alala... MAHAL DIN KITA...

Kung paano tayo nagsimula ay hindi na mahalaga...
Ang sabi mo nga, importante pareho tayong masaya...

Salamat sa iyong pagmamahal... hayaan mo't gagantihan ko din yun ng mas hihigit pa...
Salamat sa pag intindi at pagtulong na ako'y makaahon...

Wala na akong maihihiling pa... Dahil sa totoo lang higit ka pa sa mga ipinalangin ko...

Sabay nating pagsumikapan na gawing sentro ng ating relasyon ang MAYKAPAL...
Nang sa gayon maging maayos ang nasimulan ngayon...

Nawa'y kasama mo ako sa paglalakbay sa buhay...
Sa distansyang sapat lang pagmamasdan kita habang nagsusumikap para sa iyong mga pangarap... sa may distansyang sapat lang kasabay ng aking gabay, tatanawin kita habang hinuhubog ng panahon...

At nais kong ipabatid sa iyo na kailanman
Hinding hindi kita paghihigpitan...
Hahayaan kitang maglayag at magipon ng mabuting karanasan at ala ala...
Ngunit sana kasama ako sa bawat pahina ng iyong mga kwento.

Di ba nga't ganun naman talaga?

Magmahal ka, gumabay at umunawa...
Mag abot ng kamay at makipagtulungan...
Nang hindi mahigpit, sapat lamang at hindi makakasakal...

Yung tama at may
Distansyang Sapat Lang...

©️raqilopez

Distansya Sapat LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon